(56) Bad Timing

22 0 0
                                    


Tinupad naman ni Jake ang usapan namin, yung nga lang minsan na lang talaga kami magkita. Life happens, I guess. Well that's much better than being strangers.


"Babe!"


Ugh! In fairness, rinding-rindi na ako sa 'Babe' na tawagan na yan ah. Masyado nang mainstream, ika nga ni Jake. Pero siya naman tong tawag nang tawag ng 'Babe' sa mga babae niya. Yeah, Jake is on flirting mode again after God-knows-how-many-days of being hiatus on the dating scene. Kaya naman ang raging hormones ng mga babae nagkalat wherever Jake goes kasi lahat sila naghihintay na sana isa sa kanila patulan ni Jake, kahit na ilang araw lang ang itatagal.


"Babe!" Someone shouted near me.


"Buwisit na tawagan yan! Unli?!" I angrily blurted out, finally!


"Kung di pa kita tatawagin ng 'Babe', malamang di mo na tinigilan yang kababasa ng handouts mo."


I was actually reviewing for a long quiz on a major business subject nang magsalita si Dan. Yep, after how many days of not seeing me...he's finally here.


"Oh my God!" I gasped. "Ikaw ba yun?? Sorry, 'Den!"


"That's okay. Pero magtatampo na talaga ako pag di mo pa nilubayan yan."


I smiled apologetically at him and laid down my notes. Nag-review naman talaga ako sa bahay pero kahit nasa school na ako, hindi pa din ako mapalagay pag hindi nagsa-scan ng notes before the quiz. At hindi ko pala namamalayan na kanina pa ako nagbabasa since Dan came.


"Ano ba yan, ngayon na nga lang ulit tayo nagkita, may kaagaw pa ako sa atensyon mo. Ganyan ka naman eh!" Nagtatampong dugtong niya.


"Sorry na po......" I answered jokingly answered and smiled "Sandali..bakit mo ba ako tinatawag na 'Babe'?? Tayo na ba?"


"Practice lang! Dun din naman papunta yun eh." He grinned.


"Ses! Kapal lang! I-kain na lang natin yan!" Then I made a move na kumuha sa fries na binili namin nang...


"Hep! Saglit." Pigil niya.


"Bakit?"


Instead of answering, kinuha niya yung plate ng fries at nilapit sa kanya. I was skeptically observing when he took two fries, dipped it on the a ketchup and lifted it towards me. This time, my eyes almost popped out sa gusto niyang mangyari.


"Hala! Hoy ano ba, wag na!" Sabi ko na lang na medyo nahihiya na and made a move na kunin yung fries na hawak niya pero iniwas niya.


"Ooopp! Sige na! Minsan lang ako magpaka-sweet, sige ka wala nang next time."

Minsan lang ba? Hindi ba madalas?

"Ayoko nga noh, ako na lang."

There is no way na magpapasubo ako ng pagkain sa kanya! I know it's sweet pero my god, it's so PDA! Ang dami kayang tao dito sa canteen!


"Ah ganun? Sige ka di ko ibibigay sa'yo tong notes mo. Kawawa ka wala kang reviewer, sige!" He playfully said with a grin habang hawak sa kabilang kamay ang notes ko.


What?!


"'Den!" I scoffed, slightly blushing sa gusto niyang mangyari.


"Baaabe..." He said in a sing-song voice "I'm waiting."


My Kind of StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon