(51) #BigWord: FRIENDS

76 0 0
                                    

A/N: Maraming klase ng kaibigan. Unahin na natin 'to.

FRIENDS who will give you the best advices that will make you realize HOW WRONG YOU ARE.

Friday, 1st week of December

From: Nikki

          Cell group daw later ng 12 sabi ni ate Aya. Sa kubo daw. :)

I read this message a few minutes after ko mag-jog kanina. Since di ako nagdadala ng phone during my morning jog, nabasa ko na sya pag-uwi ko and it was sent few hours earlier in the morning kung kailan nakaalis na si Nikki. And right now, I'm already here sa kubo malapit sa canteen malapit sa Nursing building.

Maybe you're wondering kung ano yung cell group na sinasabi ko. I was invited kasi sa isang organization sa BulSU, a Christian org actually. Mas naunang naging member si Nikki before me so sya yung nag-invite sakin. Yung cell group is like a club where you will talk about the Lord and how He changes the lives of our youth, including me. In short, they are one of my friends, family pa nga eh. :) At first, I thought it's plain boring kasi you'll just talk about God pero hindi kasi para lang kayong nagkekwentuhan about sa buhay mo parang catch-up with your friends pero kasama sa paguusapan nyo si Lord. Very nice,right? I actually enjoyed it! :D

"Bebe MJ!! Kamusta??"

Katatapos lang ng mismong cell group namin at naka-tambay na lang yung iba dun at nag-uusap. Di lang kasi yung group namin ang nandito sa kubo kundi pati na din yung ibang member ng org. Mamaya pa ang klase ko, tambay muna ako saglit dito sa kubo to buy some time. Katatapos lang namin mag-usap ni Ate Cess na ka-cell group ko din nang nilapitan ako ng cell leader namin na si Ate Aya. Sobrang kumportable na talaga ako kay Ate Aya kaya naman kahit ano eh nasasabi ko sa kanya, even all my secrets.

"I'm good, ate. Syempre nakita ko ulit kayo eh, at least nabawasan ang stress from all the studying."

Di ko pa nga pala nasasabi, graduate na nga pala si Ate Aya ng college. She took up Tourism dito sa BulSU and right now she's working on a traveling agency sa Manila. Since day-off nya ang Friday, pumunta sya dito sa school for the cell group. Syempre maganda yan!

"That's good! Galing ni Lord noh?"

I nodded then we talked about the bible at kung saang book na yung nababasa ko. Sa org, its like we're obliged to read and reflect on the bible which is okay lang naman sakin. Yun nga lang minsan busy kaya di ako masyadong nagbabasa. Nag-start ako sa Luke which is like a month ago at hanggang ngayon I'm still stuck on the same book. I wanna be honest with her kaya I answered her truthfully.

"..Hehe, pasensya na ate ha." I answered shyly.

"Okay lang yun, 'be! Ito na lang....di ba mahilig ka magbasa ng mga books, whether it is a love story, fantasy or whatever genre right?"

"Uhm-mmm?"

"Well..isipin mo na lang yung bible parang yung usual na binabasa mong libro. Tutal mahilig ka lang din sa love story, alam mo bang sa Bible may love story din? Sa book of Ruth, pinakita doon kung paano hinintay at ginalang ni Boaz si Ruth. And there's also Jacob na naghintay nang maraming taon para sa kamay ni Rachel. Sinasabi ko sa'yo nakakakilig yun! Pero alam mo kung ano yung nakakakilig at the same time sweet? It's the part kung saan patiently naghintay yung lalaki sa babae which only proves their love for the girl.

That proves that the Lord is the master love story-teller of all time! Kasi hindi bumitaw yung mga lalaki sa faith nila kay Lord na someday makakasama din nila ang babaeng mahal nila. It's also the same love stories you read in other books, MJ!"

My Kind of StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon