Puppet show: inspired by HIS video na nakita ko hihihi.. :">>
----------------------------------------------------------------------------------
Third day na of university week.We decided na hindi na muna pumunta kahapon. Or rather, I decided na wag na muna pumunta. Hindi pa kasi ako nakaka-move on sa mga nangyari nung first day and ayoko na muna madagdagan pa yun. I'm not expecting na madadagdagan pa yun, its just that there were so many things happening lately and it's a lot for me to take in for someone who used to live in a not-so-complicated and simple life. Simple kung saan wala masyadong thrill na nangyayari sa buhay, or boring sa paningin ng marami. In the first place, its my fault din naman kasi hindi ko pinapansin ang mga glitches sa buhay ko na akala ko maayos. I chose not to fix those glitches kasi akala ko wala lang, na maayos din yan eventually. Natatakot din kasi ako na baka lalo lang lumala pag pinakielaman ko pa. I know I'm a coward kasi hindi ko maharap ang problema kasi natatakot ako. Hindi ko alam na lalo lang lalala kaya tuloy I lost a friend in the process. Tama nga yung isang quote sa nabasa kong story na "If I Fall" ni Shirlengtearjerky sa Wattpad, na big problems are sometimes caused by small glitches. It's a lesson learned kaya kung may problema, take action agad.
And I therefore conclude na super deep na pala ng sinasabi ko, hahaha! Pero totoo po yung sinasabi ko. Kahapon kasi, pinagusapan namin nila bes yung nangyari between the two boys. Gusto nga sana namin kausapin si Sammy about dun pero busy sya sa booth nila so hindi na muna kami nagsalita about dun at hintayin na lang ang side nya. Nahihiya rin naman akong tanungin si Dan. Baka hindi ko lang siya makausap nang maayos nang hindi kumakabog nang matindi ang dibdib ko. Instead, pinunterya na lang nila ako na magkwento about dun sa nangyari sa kissing booth with Jake pero I chose not to. Kung magke-kwento ako, baka mag-overreact na naman sila at mag-assume ng kung anu-ano. Ye know their wild ideas, right?!
Right now, nandito ako ulit ako sa BSU para maggala ulit with them. Hindi ko nga alam kung napaaga ako or late lang sila. I'm here sa canteen waiting for them, buti na lang maaga pa at wala pa masyadong tao kaya pwede pang tumambay. Actually nasakin pa ang DSLR camera ni Majoy kasi tinatamad daw syang dalin pauwi kaya ako muna daw magtago, tamad na yun! Okay lang naman sakin para magamit ko sya anytime. So I took some random shots habang naghihintay nang may biglang tumawag sa kung saan.
"Ate, ate! Pa-picture naman oh."
Since I'm the only person I know who happens to possess a camera in that place and time, tingin naman ako sa paligid to confirm kung ako nga yun. I turned to my right, still holding my camera and smiled when I saw kung sino yung nagsalita. I focused the lens on him, and counted before capturing the photo.
"Okay. 1, 2.. smile!"
He smiled, still standing then he sitted across the table where I'm sitting on. Binaba ko muna ang camera ko and greeted him.
"Ang aga mo naman ata, Mr. Torres!"
Yep, its Dan. And my freaking heart is swelling right now.
"I should be asking the same question, Ms. Balagtas. Since ikaw ang nauna, I'm meeting my friends here. Ikaw?"
"Same here. Wala ka bang shift sa booth nyo?"
"Wala. Maglilibot kami ng barkada ko ngayon, since I'm free today."
"Nice! Ah, gusto mong tingnan yung picture mo dito?" tinuro ko yung cam.
"Sige nga. Baka mamaya nalalaos na pala kagwapuhan ko, ma-remedyuhan na."
"Ha-ha-ha. K!"
BINABASA MO ANG
My Kind of Story
ChickLitThey say the dearest person to you could lift you high up in the skies then drop you right off the ground. The story of our life. Even hers. And its up to her how she will battle that one out. ------------------ Gonna edit the whole thing but same p...