Tenenen!..Tenenen!..Tenenen!
Hirap na hirap akong dinilat ang mata ko nang marinig ko ang pesteng alarm ng cellphone ko. You know that feeling when you woke up and it feels like you just took a nap for an hour? That's what I'm feeling right now. Damn that book! Why does it have to be so irresistible reading it? Ito tuloy napala ko...hirap bumangon sa higaan. After a few minutes, bumangon na ako at medyo nakaramdam nang konting kirot sa ulo. Alam na this! Ugh.
After saying grace, humigop na ako ng kapeng tinimpla ko at kumain. As usual, home alone ang peg ko ngayong umaga. Mas maaga kasi ang pasok ng kapatid, nanay, at tatay ko. Yung ate ko nandun sa Maynila nagwo-work and I expect to see her this coming weekend which is five days from now. Kahit na nakahigop na ako ng masarap at mainit na kape, bangag pa din ang isip ko. God, Melanie Jersey Balagtas wake up! Kung ayaw mong multuhin ng lolo't lola mo at ibang miyembro ng angkan ng Balagtas dahil nagpapabaya ka sa pag-aaral.
"Sumalangit nawa po kayo, 'Nay..'Tay." I muttered sleepily
I was in the middle of eating my breakfast when my dad came home.
"Oh, buti naabutan pa kita. Eto baon mo oh." Bati sa akin ng tatay ko, sabay abot ng pera.
"Ay kaen po, dade." I answered while making turo sa pagkain. "Thanks po!"
"Sige lang."
Well, that's my dad or Dade as I call him. Naupo lang si Dade malapit sa may dining table at nagbasa ng dyaryo. Daily routine na di Dade yun. Ganun lang talaga kami minsan, tahimik lang kami pag kaming dalawa lang pero di kami magkaaway. Love ko rin yan, though di ako showy sa feelings ko. Pero pag kasama naming sila Mame (Mommy ko) at mga sis ko, maingay na kami! Feeling ko nga kay Dade ko namana yung pagiging tahimik ko, and I doubt na sa nanay ko ako nagmana kasi sobrang friendly nun, sagad! Total opposite of me pero tanggap ko naman yun...at tanggap nila ako syempre!
After eating, naligo na ko then nagbihis at nagayos. Time check: 8:20 am. 9 pa kasi pasok ko at mga 10-15 minutes lang naman ang biyahe papuntang BulSU mula samin kaya keri pa. I went out my room and kissed my Dad goodbye. Just kissing and seeing my dad today, naalala ko kung bakit kailangan kong umayos ngayong araw na 'to. Well, today is the start of the new semester and I'm already in my second year in college. I would have wanted to study in a private or renown school in Manila but our family could not afford it. Wala naman akong problema sa school ko ngayon kasi de-kalidad na edukasyon pa rin naman ang nakukuha ko. Sinabi ko lang naman na mas prefer kong mag-aral sa Maynila if given the chance. Hindi naman kami mahirap, di rin mayaman. Kumbaga average lang ang family naming when it comes to income.
All the more I need to step up in my classes.
Hindi man kami naghihirap pero alam kong hindi biro ang kumita ng pera at magpaaral ng anak. So the least I could do is to do well in my classes, maibalik ko man lang yung paghihirap ng mga magulang ko.
Like my usual habit, I brought out my Ipod and listened to some songs to start my day. This is how I start my day everytime I go to school or during weekends. Gaya ngayon, may nakapasak na earphones sa tenga ko habang naglalakad papuntang sakayan ng jeep. Basta makadinig man lang ako ng music sa radyo, speakers or Ipod, buo na ang araw ko. Just imagine a girl with earphones on, walking on the premises of the university campus. Baka ako na yun!
Pagbaba ko ng jeep, rumampa na ako papunta sa klase ko. Medyo malayo kasi yung binabaan kong entrance sa room ko kaya medyo hassle pero keri lang kasi mahangin naman at di masyadong masikat ang araw. This is actually my favorite thing to do before going to class lalo na pag ganitong kaganda ang araw: strolling inside the campus. Ewan ko ba pero for me, strolling inside the campus was like a walk in the park. Pinipicture out ko kasi minsan na in the middle of strolling, I might meet someone. A new acquaintance who could be a friend for life, just like those happenings in books and movies. Or maybe a boy who could be someone's potential boyfriend for life. And I am not a fool to think na pwedeng mangyari yun! But I would be a hypocrite kung sasabihin kong hindi ako umaasa na may makikita akong gwapo for this day. Landi ba? Discreetly lang naman eh, at least I'm not stalking right?
Tutal maaga pa naman, pumunta ako sa Nursing building para mag-CR para mag-retouch nang konti then gora na. Paglabas ko ng hallway, para bang huminto ang paligid nang makasalubong ko SIYA. Okay bago po tayo mag-react, hindi ko po sinasadyang mag-CR dito sa Nursing building since ito lang ang potential CR na pwede kong puntahan na on the way. At lalong hindi ko sinasadyang makita SIYA dito ngayon. Well, I hoped to see him on this day pero di ko naman inaasahan na makikita ko siya ngayon eh. At talagang bago pa magsimula ang araw ko ah! Shocks, today is my lucky day nga naman! Sino SIYA?
The man of my dreams.
Charing!
Well, his name is Dan Enrico Torres, a second year Nursing student. Pano ko sya nakilala? Nung University week last year ko sya unang na-meet. Although di nya ko kilala, nakilala at nakita ko naman sya for the first time kasi nagkaroon ng Nursing's Next Top Model noon at isa sya sa contestants dun. Open naman yun for everyone so nakinuod kame noon kaya ko sya nakilala. <3 It's just a crush so no biggie!But heck, this is certainly a big one! So eto nga, at nakasalubong ko sya at syempre dapat cool pa rin ako, chin up at tuloy lang sa paglakad. Pero habang naglalakad I can't help but to stare at him lalo ngayong nakasalubong ko sya. Feeling ko my cheeks are so red na. Shocks! Goodness, get a grip Balagtas!! :">> He's one of my crushes ever since I started college, pero sa kanya ako SUPER TINAMAAN. But I can't stay here forever so I continued walking until I reached my destination. Madalang lang kasi mangyari 'to kaya napakalaking bagay nito na akala mo matter of life and death kahit hindi naman. I guess I am a hopeless romantic, that's all.
At mas lalo akong magiging hopeless kung pati pagaaral ko eh pumalpak pa so you better get your ass off to class, Mela.
Good morning, indeed!
BINABASA MO ANG
My Kind of Story
ChickLitThey say the dearest person to you could lift you high up in the skies then drop you right off the ground. The story of our life. Even hers. And its up to her how she will battle that one out. ------------------ Gonna edit the whole thing but same p...