(62) Can't Stop

17 0 0
                                    



When I woke up, its raining hard.


Ayos ah, pati bagyo nakikisama sa akin.


Pero hindi muna ako tumayo at nanatiling nakahilata. Gising na gising na naman ako pero feeling ko antok na antok pa din ako sa panghahatak ng higaan ko sa akin. Wala naman akong sakit pero parang ang sama ng pakiramdam ko.


The feeling is kinda familiar. And I know its happening again.


Only this time, its much worse.


As much as I want to go back to sleep, hindi pwede kasi may pasok na ngayon. Last sem na and I need to buckle up kung gusto ko talagang grumaduate. Hayyy, Mela what's happening to you?


Na-inlove ka lang, ang emo mo na.


I tried shrugging off those thoughts and went out of my room. Pagkalabas ko, ang tahimik ng paligid and all I could hear were the sounds coming from the rain. Great, first day of classes umulan. Could this day get any better?  When I'm all geared up, nakaramdam ako ng lamig so I decided to bring my jacket. As I was searching for mine, tsaka ko naman hindi makita. Shit, where is it? God, kung kailan naman nagmamadali oh! Nagngingitngit na yung kalooban ko, di ko pa rin makita. At sa kamalas-malasan, yung isang hoodie pa ang nakita ko.


Tsss, ano 'to lokohan?


Yung hoodie lang naman niya ang nakita ko.


Since ayokong ma-late at ginawin, sinuot ko na yung hoodie at umalis na ng bahay. Ugh! I hate rainy days!

---------------------------------

Habang nasa jeep ako, ewan ko ba kung bakit parang wala ako sa mood. I scoffed inwardly. May sapi ba 'tong hoodie na'to? Lakas maka-bad vibes eh.


Ahhh, stop it, MJ! Masyado ka nang affected eh!


Naalala ko na naman yung gabing yun. Sino ba namang di maaapektuhan dun?  Tumulong ka na nga, ikaw pa ang nabastos! And of all people na gagawa sa'yo ng ganoong...bagay..yung isang taong pinahahalagahan mo pa ng lubusan. What the f*ck, right?! I calmed myself down so I closed my eyes. Nang buksan ko ulit ang mga mata ko, tumambad kagad sa harap ko ang dalawang mag-syota na sobra kung maka-PDA.


Get a room, people!


So much for calming down, mukhang di ko ata magagawa yun so I just turned my sight anywhere but to them. Dati, wala lang naman sa akin pag nakakakita ako ng mga couples na sobrang PDA pero ngayon naiirita ako. Then I realized something. Hindi naman kasi talaga ako sa idea ng PDA naiirita kundi sa realization na...


naiinggit ako sa kanila.


And the saddest part?

The possibility that I might not experience that kind of affection..ever.

Bumaba na ako ng jeep and entered the university. Kahit umuulan, may nakakasalubong pa din akong mga estudyante na ang sasaya. Parang mga walang pinoproblema. First day of new sem kasi kaya siguro wala pang prof kaya gala muna sila. I used to be one of them pero iba na ngayon. Naalala ko tuloy ang mga kaibigan ko. Wala nga pala akong pinagsabihan ni isa sa kanila kung ano nangyari nung sem break. Buti na nga lang at hindi ko nakita ang tropa kundi baka magtanong yun. Kahit sa mga magulang ko hindi ko sinabi. Baka magkagulo lang, if ever.


Habang papunta ako sa room, hindi pa din nagbago ang mood ko pati ang pakiramdam ko. Sh*t, mukhang magkaaksakit pa ata ako. God, not now kung kailan may klase!  Siguro gutom lang ako kasi hindi ako kumain ng breakfast dahil wala akong gana kanina. Pumunta muna ako sa canteen para bumili ng tinapay, magkalaman man lang ang tiyan ko. Sa paglalakad ko, di ko alam na madadaanan ko pa pala yung Law building. The very same place..


My Kind of StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon