Where: MANILA BAY
When: December 30
Time: 4:00 PM"I'm not gonna make it. Hahabol na lang siguro ako. Don't worry I'll be okay."
After sending this message to her parents and friends, agad niyang in-off ang phone niya. Today's the day before New Year's eve at inaasahan siyang uuwi ngayon ng Malolos pero naisipan niyang hindi tumuloy. Sa tuwing may gumugulo sa isip niya, ito lagi ang gusto niyang gawin: ang mapag-isa. Her Christmas was good. Umuwi naman siya sa pamilya niya, takot na lang niya na baka magtampo na ang mga ito. Dapat nga may pupuntahan pa silang Christmas party with her mom on the 26th at kasama ang tropa sa pupunta, including him so it's a no-no for her. Her excuse for bailing them again: work.
Dahil wala naman siyang gagawin sa apartment, naisipan niyang pumunta ng Manila Bay. Nung bata siya, pumasyal sila dito kasama ang mga tita niya at mga pinsan. Naalala niya noon na masaya nilang pinanuod ang napakagandang paglubog ng araw. Dahil dito, na-appreciate niya ang mga bayside dahil sa sunset at fresh na hangin. At nang pumatak ang gabi, buhay na buhay ang buong bayside dahil sa mga ilaw at ilang mga kainan at events sa paligid. Marami ding tao ang nandoon at nagsasaya. Pero dati yun.
Gaya dati, pumunta ulit siya ng Manila Bay to watch the sunset only this time mag-isa lang siya. But unlike before, hindi na masyadong masaya sa lugar. Nawala na kasi ang ilang establishment sa lugar kaya wala nang masyadong tao. Dapat nga sa MOA na lang siya pumunta at least doon maraming establishment sa bayside at maraming tao. Pero ayos lang naman yun sa kanya dahil ito naman talaga ang gusto niya: silence and peace of mind.
But in her every step, there is only silence and no peace of mind. She's watching a breathtaking view of the sunset pero hindi niya magawang ma-appreciate ito sa kadahilanang may bumabagabag sa isipan niya. Hindi naman yun kagaya ng problema niya before sa sobrang tindi ng pasakit sa buhay niya. Naguguluhan lang siya sa mga nangyayari at nararamdaman niya lately. These are the reason why she's not in the mood to go home and celebrate New Year. Because in her mind...
Nothing's gonna change anyway.
Or at least that's what she's thinking. Wala na rin namang magbabago sa buhay niya so why celebrate anyway? For her, New Year is for celebrating the coming of a new year, a new beginning and a new life for everyone. But for her, she's just gonna celebrate for nothing. Pinapaasa lang niya ang sarili niya na pwedeng may magbago, kahit na wala naman. For now, hope is an enemy.
"Ang ganda nga naman ng paglubog ng araw, ano? Kay gandang pagmasdan...."
May isang matandang lalaki ang biglang nagsalita sa tabi niya. Nakita niyang wala naman itong kasama pero nagsalita ito mag-isa. Bigla tuloy siyang napahawak sa bag niya. Baka kasi magnanakaw pala ito. Pero mukhang hindi naman dahil maganda naman ang pananamit nito. Mukha pa nga siyang mas may kaya kaysa sa kanya. Hindi na lang siya nagsalita at tumingin na lang sa malayo.
"...pero hija, ikaw lang ata ang hindi nagagandahan sa nakikita mo."
Napangiti na lang siya sa sinabi ng matanda. Obviously, siya nga ang kinakausap nito. Kaya siya napangiti kasi bigla niyang naalala ang lolo niya. Nung nabubuhay pa kasi ito, madalas pansinin nito ang ekspresyon niyang laging nakasimangot nung bata pa siya. Na-miss tuloy niya ang lolo niya.
"Ayan hija, nangiti ka din. Kay ganda mo pa naman pala pag naka-ngiti ka."
"Pasensya na po, actually sobra ko pong na-appreciate ang sunset dito...may iniisip lang po kasi ako."
"Nais mo bang pag usapan?"
Natahimik siya. Buong buhay niya, hindi niya nakagawiang makipag-usap sa mga taong hindi niya kilala, let alone makipag-kwentuhan sa kanila. Pero nahihiya siya kasi hindi naman niya kaano-ano itong matanda para pagsabihan niya ng mga saloobin niya. Kahit ba mukhang mabait ito.
BINABASA MO ANG
My Kind of Story
ChickLitThey say the dearest person to you could lift you high up in the skies then drop you right off the ground. The story of our life. Even hers. And its up to her how she will battle that one out. ------------------ Gonna edit the whole thing but same p...