(40) Facebook Posts and Pre-Birthday Happenings

52 1 0
                                    



Minsan may mga bagay talaga hindi na kailangan pang ipaalam sa iba, gaya na lamang ng paguusap namin ni Dan. Hindi dahil nahihiya akong ipagsabi sa iba kundi para hindi mabawasan ang essence or sense ng mismong pinagusapan nyo. Mixed emotions kasi ang nakapaloob dun sa mismong usapan nyo eh. Once you narrate it to others again, the solidarity you shared with that person in your recent discussion lessens. In short, kung sobrang sensitive nung mismong topic na pinagusapan nyo, just keep it to yourselves. So kung ano man ang napagusapan namin ni Dan, sa amin na lang yun. Nai-imagine ko tuloy kung ano ang sasabihin nila once na ikwento ko sa kanila:

Majoy & Ara: "Nega mo talaga, girl! Sabunutan ka namin eh!"

Sammy: "Bakit di mo ko nilapitan regarding your problem?? I could have helped you, you know.."

Jake: "Woo! Kumo-quota ka lang kay pareng Dan eh! Sabi na eh may gusto ka sa kanya!"


Status: God's creations are BEAUTIFUL, and you are one of them. NEVER CHANGE THE WAY YOU ARE! :)

Status posted!

Nage-FB ang lola nyo at dahil na-inspire ako sa words of wisdom ni Den-den last time (nevermind the kilitian portion), napa- update tuloy ako ng status nang di oras sa timeline ko. After minutes of browsing my newsfeed, may nag-notif sakin. When I checked the notif, my breathing stopped. He never really fails to make my heart beat and the butterflies in my stomach flutter wildly.

Dan Torres likes your status

Dan Torres commented on your status.

Sinilip ko ulit yung status ko and excitingly read his comment.

Dan Torres: BEAUTIFUL indeed. :)

Three words: I.JUST.DIED

Like always, I breathed in and out a couple of times bago ako maka-recover dun sa comment nya. Grabe, pakiramdam ko tuloy galing ulit ako sa pagjo-jog sa hingal! Oh God, Dan bakit ganyan ka???! Nakakakilig, at the same time nakakainis. Pano na ako makaka-move on nyan??! Bago pa ako tuluyang ma-BV, umalis na ako sa status ko at tinuloy ang pagbo-browse sa newsfeed ko when a certain news caught my attention.

Liza Santiago commented on a post made by Jakesters (John Michael Domingo Fanpage)

What the f*ckery is this?! Si Jake may fanpage?! Jusme, yun nga lang kasikatan nya sa BulSU exaggerated na pero ang fanpage??! I just can't believe this! Hahaha, fan kung fan eh! Okay, so I checked out the page and nakita kong halos puro pics ni Jake nung nagmo-model sya at ilang posts from fans and the admin. Pero may isang comment talaga ang nagpatigil sakin:



Donna Caballero: Guys, magbi-birthday na ang ating Prince Jake. Any ideas?? :)

Mae Loves Jake: Dapat yung bongga! Surprise natin siya sa Natividad! :DD

May ilan pang nag-post ng suggestions for his birthday pero di ko na binasa. Pero epic talaga yung mga ideas nila. Grabe talagang isu-surprise sa building ng Natividad?! Natividad or Natividad Hall yung tawag sa building ng Engineering department. Since Mechanical Engineering ang course ni Jake, malamang nandun lang sya. But the hell, birthday surprise?! Tinalo pa nya artista ah!

But that's not the point now. Today is the 30th of June already, so meaning sa July ang birthday nya. Pero anong araw? Okay, sorry naman kung di ko alam ang birthday nya ah, alam ko yung birthday ng mga kaibigan ko pwera lang kay talaga kay Jake. And to think kaibigan ko pa sya. :PP

My Kind of StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon