If there's one thing na ayaw ni Mela, iyon ay yung magkaroon sya ng di-pagkakaunawaan sa ibang tao lalo na sa mga kaibigan nya. Bihira lang 'to mangyari, knowing her personality. At kung alam nyang may problema, gusto nyang maayos agad ito kahit na gaano pa 'to kahirap for her. Pero paano na lang kung may problema pala sa kanya ang isang tao at wala syang kaalam-alam?? For someone who is oblivious on her surroundings and too dense, good luck na lang sa kung ano ang magiging outcome nito.ARA'S POV
Intense. Bangis. Yun lang ang masasabi ko sa nangyaring insidente kanina sa championship ng basketball. Di ko kinaya, grabe! Alam ko game mode na talaga ang mga players kanina pero di naman ako na-inform na beast mode pala sila. Buti na lang nag-paid off ang pagiging beast mode ni Sammy at nanalo sila kundi baka nakutusan ko na yun, umarangkada na naman ang pagiging mainitin ang ulo eh! Yes, nanalo ang CBA pero di namin kasama ang loko. Siguro nahihiya sa inasal nya at hindi kami pinuntahan after ng awarding. Well sige magmaganda sya, tama yan. Seriously talagang sya pa ang may ganang di mamansin after ng ginawa nya?! Di ba dapat kami ang nagmamaganda at di sya?! Bakla talaga yun kainis!
At ito namang Jake na 'to eh kanina pa badtrip na badtrip after ng awarding! Bukod sa natalo sila, di pa rin maka-move on sa ginawa sa kanya ni Sammy. Ito at kasalukuyan pa ring nagra-ratatat dito sa may Registrar kung saan muna kami nag-stay. Obviously, natapos na't lahat ang mga nangyari di pa rin kami maka-move on. First time kasing may nangyaring ganito! Kanina pa nga di nagsasalita si Mela eh siguro dahil nagaalala kay Sammy but she's obviously pissed off from Jake's endless rantings na paulit-ulit lang. He totally lost his cool today, that's for sure.
J: Seriously may issue ba sa buhay yung kumag na yun?! Pasalamat sya may umawat samin kundi nabugbog ko na yun!
MJ: Jake tama na pwede!
J: What?! Totoo naman eh! Wala naman akong ginagawa, bigla na lang syang nanunulak!
MJ: Wala ka ba talagang ginawang masama sa kanya??
What the hell! Anong klaseng tanong yun!? Melanie Balagtas!! Naku naman! Si Majoy nga din halatang nagulat sa tanong ni Mela. Sino bang hindi?!
M & A: BES!
J: Ano naman ang gagawin ko sa kanya in the middle of the game??! I'm dead serious for the game too!
MJ: Yun na nga eh, seryoso ka din sa game. And knowing you, baka may monkey business kang ginawa for the sake of the game.
A: Mela... (in a warning tone)
Right now, gustong-gusto na naming sabunutan ni Majoy tong Mela na 'to. Seryoso! Di ba nanonood ng game tong babaeng to?! Ang ganda nga ng laro ni Jake eh, way better than last time. Mukhang nabigla din si Dan sa narinig nya, especially si Jake na natigilan din pero bakas ang inis. Shoot!
J: (ngumiti nang mapakla) Now that's low, MJ. Madalas puro ako kalokohan pero kaya ko din namang magseryoso in some situations...especially sa game.
Ayan na nga ba sinasabi ko kaya napahawak tuloy ako sa braso ni Majoy. I know she could sense the tension here at kontin-konti na lang alam kong nagngingitngit na syang sermonan si Mela. Kahit kaibigan namin si Mela, I know mali pa rin sya. Ramdam na ramdam namin na may halong inis at pagtatampo ang mga salita ni Jake. Madalas namin syang makita na laging naka-ngiti, yun bang YOLO ang aura lagi pero ngayon iba eh. He is f*cking serious this time.
J: Nanonood ka ba sa game? Nakita mo naman siguro yung laro ko right?! Sabagay (grinning bitterly) pano mo nga naman makikita ang maganda kong laro kung si Bagay lang ang pinapanood mo.
BINABASA MO ANG
My Kind of Story
ChickLitThey say the dearest person to you could lift you high up in the skies then drop you right off the ground. The story of our life. Even hers. And its up to her how she will battle that one out. ------------------ Gonna edit the whole thing but same p...