(11) Sweet Karma

39 0 0
                                    

Cheer, nuod, gala, kaen at picture-taking ang drama namin nitong Intrams week at ngayon na ang last day. Unfortunately, ang standing ng Social Science and Philosophy, which is our department, as of today is 5th lang. In-announce kasi samin ng president ng block namin kanina pagdating namin. Not bad na din, at least nasa top five di ba? Anyway, nandito kami ngayon sa parang student's lounge ng Science building. Open area sya na puro round tables with chairs na may mini roof para protection sa araw. Nakapwesto kami sa isang table, tambay lang. Mahangin dito kasi maraming puno eh. Hinihintay na lang namin yung closing ceremony kasi may attendance yun. Kaya eto chill chill muna kami.

"Eto na po yung order nyo, ma'm!"

Pina-bili kasi namin si Ara ng fruitshake malapit dito, at feeling waitress pa! In fairness, kina-career na ang pagiging baliw.

M: Thank you! You may go.

Ar: Gaga ka! Talagang pinanindigan mo na pagiging waitress ko ha!

M: Eh feel na feel mo naman eh!

Ar: Che!

A: Alam mo, dapat pala naging Theater Arts major ka. Sayang yang pagiging baliw-baliwan mo, eh di sana nadagdagan pa ng magaling na estudyante ang CAL.

CAL means College of Arts and Letters. Usually mga MassCom, Journalism at Theater Arts majors ang nandun.

M: Susko, inang awa! Hindi pa man din umaarte si Alcantara, baka sakitan na ng ulo ang mga prof sa CAL sa ka-OAyan ng kaibigan natin. Tama nang tayo na lang ang nakukunsumisyon kaysa ibang tao.

Ar: Wow you're so thoughtful, Santos! Matutuwa na ba ako sa sinabi mo? (Rolling her eyes)

M: Oo naman, bes! Ang bait ko kaya, I'm saving a lot of people from suffering.

Ar: Bitch!

Hilig talaga magbangayan ng mga 'to. Kaya tuloy napapailing na lang ako at natatawa sa kanila. What will I do without them? Ininom ko na lang yung fruitshake ko nang nagsalita si Majoy habang tinitingnan yung mga pics sa DSLR nya. Yep, dala pa din nya. Ganyan sila ka photo addict!

M: Grabe bes, ang gwapo talaga ni papa Dan dito sa mga pics nya. Sayang, runner up lang sya!

A: Oo nga eh, sayang talaga. Mas gwapo pa nga sya dun sa nanalo eh, gara!

Ar: Ay sus! #bias yung isa dito oh!

A: Excuse me, I'm being objective here. Seriously, hindi mo ba nakita ang difference ni Dan dun sa nanalo? Di hamak naman na mas lamang si Dan doon.

M: Okay lang yun, bes! At least napanuod natin sya. With cheer pa yun ah!

Grabe pag naaalala ko yung pageant, di ko mapigilang mapangiti. Haayyyy..

Nakapasok na kami sa venue. Grabe ang daming tao! Buti talaga may nakita kaming magandang seats near the stage. Nakaupo na kami but in a few minutes, nag-start na at naglabasan na ang mga candidates. Kilig na kilig nga sila bes kasi bukod sa ang daming hot fafas, nakita nilang tumingin sa side namin si Dan. Tinex ko kasi sya kung sang side kami nakaupo. And I swore to God nung tumingin sya samin, kumindat sya!

"OMG, girls! Nakita nyo ba yun?! Kumindat si Fafa dito! Kyahhhhhh!!"

Hindi kami yung sumigaw na yun kundi yung mga babae sa likod namin. Pati rin pala sila nakita yun. Nagkatinginan na lang kaming tatlo at nagtawanan. Sinuportahan at chineer namin si Dan. Di ko nga akalain na mas gagwapo pa pala sya sa paningin ko dito sa pageant na ito. Hanggang sa dumating ang question and answer portion.

My Kind of StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon