June, a week after the new semester starts.Last vacation was I think the most wonderful summer of my life. Dito ko talaga maia-apply ang #thefeels kasi feeling ko everyday Valentine's Day. Well, halos 3/4 ba naman kasi sa isang linggo bumibisita si Dan. Not to mention na almost araw-araw na kami magkatex, minsan nga tawag pa eh. Except nung nag-bakasyon sila sa Batangas nung third week ng April, but still tumawag pa din siya nun. FYI, di pa kami ah! And my God, the feels talaga! Feeling ko nasa heaven ako hahaha!
Well, that was when we're still in paradise.
Dahil nga pasukan na, pareho na kaming busy lalo na't pareho pa kaming graduating. And from what I heard kay Kuya Jas, stressful daw talaga ang college life ng mga Nursing student. Halos wala nang social life! And boy, he sure is right.
Feeling ko tuloy back to square one kami ni Dan, nagkakatex minsan pero hindi na lang "Kamusta? 😄" ang laman ng text kundi "Kamusta? Kumain ka na ba? I miss you and I love you! 😘". Kaya kahit na ganito ang nangyayari, bawing-bawi na din yung mga araw na di kami nagkikita. Grabe, kailan pa ako naging ganito ka-clingy? Shocks!
"Bruha, kumain ka na! Aba di ka mabubusog katititig sa phone mo noh!" Ara exclaimed before biting off her sandwich.
"Unless na lang kung picture ni Dan yang tinititigan mo." Majoy added.
"Hindi noh, ito na kakain na."
"Picture ni Sammy?"
"Alcantara, isa..."
"Or baka naman may mala-model pose kang pic ni Jake diyan??"
OMG, I swear muntikan ko nang mailuwa itong baked mac na kinakain ko.
"BES! Lalo naman yun noh! Ano ba!"
Baliw na naman 'tong Majoy na 'to!
"Okay, defensive much?! Eh di hindi. Speaking of, di ko pa ata nakikita si Jake ngayon?"
"Ewan ko ba dun."
"Hindi pa rin ba sya nagpaparamdam?"
Iyun nga ang naging palaisipan sa akin nung nakaraang bakasyon eh. Hindi masyadong nagpaparamdam si Jake nung summer. Dati pag wala silang out of town trips pag bakasyon, magugulat na lang ako nasa bahay na pala sya namin, though di naman madalas. Pero wala akong nakitang Jake Domingo sa bahay namin. Ni hindi nga din masyadong nagpaparamdam sa text eh, dati mga halos tadtarin na ako nun pang-asar ba. Though minsan na-tsambahan ko sya nung mag-GM sya at kinamusta ko sya and I think two or three times lang ata yun. Pero after that, di na sya nagre-reply sa mga PM ko.
"Hindi eh."
"Baka naman dumidistansya lang nang konti kasi, you know... Dan's courting you already. Awkward naman pag naka-dikit pa din sya sayo."
"OA naman, Majoy. Magkaibigan pa din naman kami ah. We've been friends even before these shiz started."
"Bes, friends or not hindi pa din magandang tingnan yun. Lalo na't mag-best friend pa sila Dan at Jake. Kahit na hindi pa kayo ni Dan, be considerate pa din kasi nagseselos din yun."
Never ko pang nakitaan ng kahit na anong negativity si Dan, lalo ang pagseselos. Lagi kasing positive ang aura niya eh pero alam kong may times din na prone siya sa mga problema at bad vibes. Thought he's almost perfect, he's still human. As for Jake, he's like a part of my routine already, a friend, a part of my life. Kaya hindi na mawawala sa akin ang mag-worry.
"Kung ganun.... kahit ba ang ma-miss siya bawal na din?" Finally, I stated.
"Ayieeeeeee! Nami-miss niya si BOO niya! Hayyyynako teh, kahit na nanliligaw na si Dan sa'yo I can't help na mag-ship pa din sa inyong dalawa ni Jake. Pahatak nga ng buhok!" And she reached out for my hair which I dodged. Masakit manghatak tong Ara na 'to eh, lalo na 't kinikilig!
BINABASA MO ANG
My Kind of Story
ChickLitThey say the dearest person to you could lift you high up in the skies then drop you right off the ground. The story of our life. Even hers. And its up to her how she will battle that one out. ------------------ Gonna edit the whole thing but same p...