(39) Issues and Life Lessons

55 1 3
                                    

Try listening to the songs chorus. Parang yan yung feeling's ni Mela for Dan. ---------------->

-----------------------------------------

Vacation went by like a blur and its June already. Five straight days ulit ang klase ko, Tuesday to Saturday. OMG, third year na ko and puro majors na kami, pero may nasalit pang isang minor subject pero keri na yun! Tanghali pa klase ko pero tinex ako nila Roro na mag-lunch daw kami nang sabay with Marvin, Jao, Jake and Jeff bago kami pumasok. Kung pwede din daw sila bes at Sammy ayain ko din daw. Yun nga lang nagtex si Ara at Majoy na di raw sila makakapunta ng school ng maaga dahil bukod sa malalayo pa ang bahay nila, tinamaan ng katamaran! So si Sammy lang ang pwede since kaninang umaga pa talaga ang pasok nya at saktong vacant nya yung lunch time. Kaya maglu-lunch muna ako with them bago pumasok.

Naghihintay na sila Roro sa KFC malapit sa BulSU. Papasok na ko nang nagkasabay pa kaming pumasok ni Sammy sa entrance ng KFC.

"Awww, so sad aga ng pasok!" pang-aasar ko sa kanya.


"Shut up! New hairdo?? Di bagay sayo!" ganti nya.

"Excuse me! Dami nga nagsasabi gumanda daw ako sa bago kong gupit. You should get your eyes fixed, swear!"

"Whatever!"


I just chuckled and we went to the table where the gang is. Wala pa yung kupal, as usual late yun.


Jo, Je and M: Hi Mels! Sammy, bro! (sabay fistbump samin)

S: Hey bro! 'Sup??

A: Hey guys! :D

R: (tingin samin mula sa pagce-celphone) Buti an-... an TABA!

A: At sino mataba, aber?!


Pareho kaming nabigla ni Sammy kaya nagkatinginan kaming dalawa pero nginitian ako ng loko at mukhang nagpipigil ng tawa. NO WAY! :O


R: Alangan naman si Sammy, malamang IKAW! Bakla ka talaga!


That shut me up. Umupo na kami ni Sammy pero di pa rin talaga ako makapaniwala sa sinabi ni Madam. Alam kong di ako kapayatan pero...ako tumaba??!!

M: Grabe ka naman,'Ro! Bumilog lang si Mela, maka-taba 'to.

Je: Round faced kasi si MJ kaya akala mo lang siguro yun.

Jo: Or siguro dahil lang sa bagong gupit niya. Umikli kasi yung hair niya kaya lalong nakita yung facial features nya.

S: (bulong sakin) Bilis ng karma ah! ;)

A: Shut up!

R: Pinaganda nyo pa, MATABA nga!

A: Sige isa pa! Bakla! (I rolled my eyes)

R: Anyareh ba sa'yo, baklush?! Alam ko nagbakasyon pero ano yan piyesta ang peg mo buong bakasyon sa dami ng foods?! Kaloka!

A: Grabe ka na Madam ah! Sorry naman!

Hindi pa nga ako nakaka-recover sa panlalait ni Roro nang may nakita ako sa labas ng KFC na di kanais-nais. It's Dan with Jake na may kasamang girl. Pero hindi yun yung nagpa-shock sakin kundi yung ginagawa nila.


Naghahalikan lang naman in public.


OMG! As in laglag ang panga ko sa nakita ko. I know ma-chicks 'tong si Jake pero di ko naman alam na ganito sila mag-PDA ng mga babae nya. And myghad, kasama pa nila si Dan! Di man lang ba nahihiya tong mga to??! Kung ako siguro si Dan, malamang mahihiya din ako sa ginagawa ng best friend ko. Thank God umalis na yung girl at pumunta sa ibang direksyon at tuluyan nanag pumasok sa KFC yung dalawang guys.

My Kind of StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon