*A Step You Can't Take Back

62 0 0
                                    


Medyo #hugot ang chap kaya hugot din ang kanta. ✌🏻️

===========================================

"Ate!!"

And that's where she suddenly hugged me. Hindi ako sa yakap nagulat actually kundi sa fact na nandito si Ayka, which could mean one thing.

"Ayka! Kamusta?" I said, sounding really surprised. "May kasama ka?"

"Ako lang, ate. Na-miss kita!" And she hugged me again.

Yung kaba ko napalitan ng tuwa. Akala ko kasi hanggang SM North susundan ako ng malas. Na-miss ko 'tong bata na 'to!

"Grabe ka naman, Ate! Hindi mo ba ako na-miss?"

"Of course I missed you, bata ka! But.." I examined her "hindi ka na pala bata. Dalaga na ah!"

"Ieeee..ate naman eh! Bata pa 'ko noh!"

Tinawanan ko na lang siya. Nagpunta na lang kami sa DQ to grab some ice cream. God, I missed this girl! Hinayaan ko siyang magkwento habang kumakain kami ng ice cream, since marami-rami din akong na-miss na kaganapan kasi nga madalang na akong mauwi ng Malolos. Ayka has grown since the last time I saw her. Since college na siya, siyempre nag-dalaga na. Syempre nagkwento din ako, mas madami nga lang siyang baon kesa sa akin.

"Ate...kamusta ka na?"

"I'm good. Better even."

"Akala ko nga po hindi mo ko papansinin kanina nang tinawag kita sa book store. You know...dahil po sa nangyari sa inyo ni Kuya."

I smiled. Ayka is such a sweet girl. Even though she's grown up at came from a not-so-perfect family, hindi pa rin nawawala yung innocent side niya. She doesn't let all those life's sh*ts bring her down. Nang binanggit niya yung kapatid niya, naalala ko na naman yung conversation namin sa elevator.

"Bebe naman. Ano ka ba! Kung ano man ang nangyari sa amin ng kuya mo, sa amin lang yun. Hindi damay ang ibang tao, lalo ka na. Ikaw talaga."

"Alam mo ba ate? Simula nang hindi ka na nagpakita sa amin, bumalik na naman sa dati si Kuya."

Kahit na hindi ako masyadong pabor sa topic, pinakinggan ko pa rin si Ayka. Nakakahiya naman since ngayon lang ulit kami nakapag-catch up on our life.

"Parang hindi mo naman kilala yang kuya mo. Normal na sa kanya yun. You should be used to it by now since kapatid mo naman siya."

"Tanggap ko na yun, ate. Ang hindi ko lang ma-gets is yung aura niya. Dati naman pag umiinom or lumalabas siya with his friends, masaya siya. Pero simula noong nag-away kayo, nahalata kong malungkot siya. Nung tinanong ko siya kung ano problema, ngumiti lang siya nang tipid at hindi sinagot ang tanong ko. For the first time, hindi siya naging pa-cool para itangging wala siyang problema. Ganun lagi everytime pag nakikita ko siyang umiinom sa bahay. Kung hindi ko lang kilala ang kuya ko, iisipin kong broken-hearted siya." she chuckled and continued with her story.

"Alam ko naman na kaya lang nagbago si kuya kasi nagkaproblema sila ni Papa because of what happened with Mama. Pero this time, parang iba na eh. Parang may mas matindi pa siyang dinadala. Buti na nga lang ngayon medyo nabawasan ang page-emo niya nang naging okay na sila si Papa."

"Bati na sila ni Tito?" I asked again, surprised with the revelation.

"Oo, ate. Buti na nga lang at okay na kami sa bahay eh. Para bang bumalik na lahat sa dati, yun nga lang wala si Mama. Nag-usap sila..I think almost a week after you...kinda broke off your ties with him."

My Kind of StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon