(45) Sabihin Mo Na

32 1 0
                                    


Magda-dalawang lingo na pero di ko pa din nakakausap si Sammy. Ang weird nga eh kasi dati nagkikita pa kami sa building namin pero ngayon ni anino nya di ko na makita. Iniisip ko nga na baka nahalata nya kami ni Ara na nakikinig sa usapan nila kaya iniiwasan nya kami pero parang hindi naman nya kami nakita noon. Sino nga naman ang matutuwa pag nalaman mong may nakikinig sa usapan nyo, right? Sa totoo lang ayoko na talagang patagalin 'to pero mukhang pati pagkakataon eh di sang-ayon sa balak ko at ayaw kaming pagtagpuin ni Sammy. I tried texting him or call him even but no answer came.

"Give him time, Mela. Yun lang ang gawin natin. Malay mo sya pa ang unang mag-approach sa'tin kaya chill ka lang okay?"

I followed that suggestion of Majoy, kahit na wala akong pasensya sa paghihintay. Nilibang ko na lang ang sarili ko sa mga schoolworks, kung di schoolworks my usual hobbies like reading, watching movies or series and especially spending time with my friends. It's actually working kasi biglang gumaan ang pakiramdam ko, parang nawala pansamantala ang mga worries ko. Right now, we're hanging out dito sa labas ng classroom namin while waiting for the prof. Kasama namin nila Ara yung iba naming blockmates na ka-close namin. May ilan na naglabas ng upuan, yung iba gaya ko eh nakatayo lang ang naka-sandal sa railings.

Roxanne: Sumasabay sa init ng panahon yang mga prof na yan ah! Bukod sa mainit na, nakakainip pa! Buwisit!

Majoy: Alam mo girl, pag lagi mong pinapansin ang init, mase-stress at masisira lang araw mo. Just think of other things na lang. Tingnan mo ko, fresh pa right?

Robert: Oo nga, Rox. Tingnan mo na lang si Majoy, mararamdaman mo na ang hangin, promise!

Majoy: K dot! -.-

Nakikinig lang ako sa usapan nila nang biglang lumabas ang ng pinto si Jayson, yung isa naming blockmate. Like a boss nga ang peg eh kasi may matching lakad effect pa na kala mo VIP ang dating! Nagtinginan kaming lahat sa kanya

Jayson: (sabay hinto sa labas ng pinto) Minsan ang pag-ibig parang prof lang din yan. Nakakainip. Akala mo dadating, yun pala pinaasa ka lang.

A: #hugot haha! Alam na this!

Tina: 6 feet under eh! Haha!

Jayson is actually a very jolly person, yung joker ba. Kaya naman halos lahat kami eh napapatawa nya, pero di naman ibig sabihin nun eh he's not prone from being hurt. Nagtawanan kaming lahat at kami naman ni Tina eh nag-apir. Alam kasi namin na may laman ang hirit ni Jayson na yun and obvious naman siguro sa meaning ng hirit nya kung ano ang pinagdadaanan nya right?

Ara: Okay lang yan, pre! (tapik sa balikat ni Jayson)

Apple: Guys, nagtex si Ma'm di na raw sya makakapunta. May meeting daw sila with faculty kaya pwede na tayong umuwi.

Lahat: Yesss! Woooo!

Harvey: Ayos! Oy guys, may banat din ako!

Sila: Ano??

Harvey: Minsan ang pag-ibig parang prof din yan. Masakit pag pinaghintay ka pero mas masakit pag sinabi nyang di na sya makakarating.  In short..

Jayson: PAASA!

Jean: Di ba pareho lang kayo ng sinabi ni Jayson?

Harvey: Oo nga, iniiba ko lang! Hehe....

Napailing na lang ako and laughed a little. Things you could do for love nga naman. Kahit na hindi ko pa 'to nararanasan (though muntikan na), nakikita kong nagagawa nitong mabaliw ang isang tao. It makes you high like drugs pag napapasobra. Halata naman sa mga kilos ni Jayson at mukhang pati si Harvey ata may iniinda din. I gathered my things and went out of the classroom. Habang naglalakad, kasabay ko sila Majoy at Ara sa kabilang side ko habang sa isa ko naming side si Tina.

My Kind of StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon