(63) Against All Odds

30 1 0
                                    


"Pfffttt! Hahahaha. Shems!"





"Haahaha! Buwisit si Tinidora!"





Kagagaling ko lang sa sakit pero ito kami at nanunuod ng replay ng AlDub buong maghapon. Kasama ko si Nikki na nanunuod dito sa kwarto. Oo, nagkasakit ako for a week and thank God, wala naman akong masyadong na-miss sa klase. Well, magaling na naman ako kaya okay lang na manuod ako. May karapatan naman siguro akong mag-break for a while di ba? Ironic man, pero nakatulong na din yung one week na nagkasakit ako. Tutal puro pahinga lang ang ginagawa ko maghapon, nagawa kong mag-reflect sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw which lead me to do what I should have done a long time ago.





Of course hindi nawala sa pagiisip ko ang lungkot at kaba sa gagawin ko. Pero sabi nga nila, mas lalo lang lalala ang sitwasyon pag pinatagal pa ang problema. Like what my mother said,  I have no choice but to admit to myself na meron at merong masasaktan kahit na anong gawin ko. It's about time to face it right now. Speaking of right now, biglang bumukas yung pinto ng kwarto. Yung tatay ko pala.





"MJ, nandito na si Dan."





"Lalabas na po ako, 'De."





Nagkatinginan kami ni Nikki na from happy naging worried yung itsura niya. I just gave her a small smile at nag-ayos saglit bago lumabas. Kahit na di halatang natataranta ako, may kaba pa din sa puso ko dahil sa balak kong gawin ngayon. Actually, buong araw akong kinakabahan sa gagawin ko, having second thoughts on the way. Kung di lang siguro ako inaya ng kapatid ko na manuod ng AlDub, hindi mababawasan kahit konti yung kaba ko. I breathed in and out bago ako tuluyang lumabas.





"Hi!" bati sa akin ni Dan.





"Hey!"





I noticed na hindi siya masyadong masigla ngayon sa pagpunta unlike last time na pumunta siya dito. Siguro naalala niya yung nangyari last time noong first day of classes. I know Dan was not naive on what's happening, matalino siya kaya alam kong may idea na siya sa mangyayari ngayon which only doubled the dread I'm feeling right now.





"Okay ka na ba?"





"Yup. Ah...okay lang ba sa labas tayo?"





"Sige."





Lumabas kami sa garahe where we sat down on a couple of chairs. There's an awkward silence. Kahit na takot na takot akong tumingin sa kanya, I still did and all I see was...





Sadness.





"I'm sorry."





This is the purpose kung bakit ko siya pinapunta dito. To apologize. Please, eyes, not now. Makisama ka muna ngayon at wag ka munang maglabas ng luha. I need to say this properly right now.





"Ahhh..." he sighed. "I've seen this one coming. Pero iba pala pag sinabi na sayo nang harapan. Sakit pala."





"I'm sorry,'Den..believe me, di ko ginusto to."





"Alam ko...alam ko." he faced me "yun nga ang masakit eh. Hindi mo sinasadya but...it happened."





I know he's hurting right now. Hindi man siya umiiyak but I can sense na nasasaktan siya. He's Dan after all, always positive. And that's what I'm afraid of. Nakakatakot siyang saktan kasi hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa kanya after this. After answering a while ago, hindi na ulit siya nagsalita.





My Kind of StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon