Featuring one of my fave songs! <3
-----------------------------------------------------------------------------------
"Woooo! At last!"
Nasabi ko na lang pagkalabas ko ng kotse ni Jake. Nandito na kami sa resthouse after naming maglibot dito sa Tagaytay. At oo, buong araw akong sumabay sa kotse ni Jake.
"Kada stopover natin, yan na lang lagi ang sinasabi mo. You really hate my presence that much, huh?" ismid nya sakin, habang pinapaikot sa daliri niya yung susi.
"You think?" I answered with sarcasm.
"I think? Well, nag-enjoy ka rin naman sa presensya ko. Saya mo nga kanina eh!"
"You're right, nag-enjoy naman ako.."
"Hah! Sabi na eh, nag-enjoy ka rin kasama ako. Well, I'm awesome like that." pagmamayabang nya.
"Nag-enjoy ako...kasama ang tropa, hindi ikaw! Di pa kasi ako tapos. Feeling mo naman!" I retorted back before walking away.
Hah! Magyayabang ba, supalpal naman! I really love Tagaytay! Totoo yung sinabi ni Jake na super nag-enjoy ako kanina. Mostly kasi roadtrip lang ang ginawa namin, while looking at the lovely view of the Tagaytay surroundings. Then we went to Picnic Grove kung saan super talaga ako nag-enjoy! Bukod sa napakaganda ng lugar, ang dami pang activities na pedeng gawin: horseback riding, mamasyal sa park, maglakad sa forest trail, kumain, etc. I'm gonna miss that place.
Nagpahinga muna kami for a while nang maisipan nilang mag-photoshoot sa buong resthouse. Yeah, sayang naman daw pag di nakuhanan ng pic ang buong bahay so gora naman sila. Nang napagod na sila kakakuha ng pics, naisipan na nilang matulog. Alam kong napagod sila buong araw kalilibot, pwera lang sakin. Hindi pa nga ako inaantok eh, weird.
Nag-toothbrush at naghilamos na ko't lahat pero di pa rin ako dinadalaw ng antok. Buti pa si ate Deedee ang himbing ng tulog. Insomnia na ba 'to? Pinakiramdaman ko yung mga katabing kwarto kung may gising pa pero mukhang wala na dahil sa tahimik ng paligid. Nakaupo lang ako sa bed ng bigla kong naisip ang isang idea.
Yung terrace nga pala di ko pa napupuntahan. I thought to myself
Sakto gabi na kaya tiyak na magandang tumambay dun. Kaya tumayo na ko sa higaan at nagsuot ng cardigan kasi medyo malamig ngayong gabi. Kinuha ko ang cellphone ko at lumabas ng kwarto. Dalawa nga pala yung terrace dito sa resthouse, isa sa baba na napuntahan namin nung unang araw pa lang, then yung isa na malapit sa minibar dito sa taas. Sa malapit sa minibar na lang ako pupunta kasi pareho lang naman ng pwesto ang parehong terrace. Alam kong maganda din ang view dun.Nakarating na ko sa terrace at dere-deretso akong pumunta sa railings para makita ang view. All I could say is wow! The view of the citylights was beyond amazing! Sobrang tahimik so I decided na magpatugtog dito sa cellphone ko.
(NP: Kiss Me Slowly – Parachute)
This is life! Listening to music while watching the citylights from here, with the wind washing my face. Ang sarap sa pakiramdam. Mas masaya siguro kung may kasama ako dito, but right now I prefer to be alone. I just closed my eyes and let the music and atmosphere sink into me.
Alone time. Right.
♪ Stay with me, baby stay with me,
Tonight don't leave me alone. ♪
BINABASA MO ANG
My Kind of Story
ChickLitThey say the dearest person to you could lift you high up in the skies then drop you right off the ground. The story of our life. Even hers. And its up to her how she will battle that one out. ------------------ Gonna edit the whole thing but same p...