"Is that for real, bes?!"In fairness, nagiging habit ko na ang pag-irap pag naiinis ako. Sabagay, ikaw ba naman ang mabuwisit just for the mere existence ng isang Kupal at dagdag mo pa na may kaibigan kang ubod ng kulit at arte na nagngangalang Ara. Saya lang ng buhay, with sarcasm! Haayyy, ang kulit din ng lahi nitong si Ara oh! Halos ikwento ko na nga lahat ng nangyari kagabi magbuhat ng dumating si Jake sa resto bar hanggang sa tapatan namin kagabi tapos di maniniwala?!
"Majoy, pigilan mo ko! Kukutusan ko na 'to!" sabi ko kay Majoy habang tinuturo si Ara. Umiling iling na lang si Majoy.
"So, you finally met the great and the hottest Jake Domingo. Akalain mo nga namang yung matagal nang gustong ipakilala sa'yong anak ng friend ng mommy mo at yung si Jake Domingo ay iisa. Aba-aba Melanie Jersey, humahaba na hair mo ah!" sabi ni Majoy. Si Ara naman kilig na kilig. Da f*ck!
We're here sa Jollibee dito sa bayan to eat at magchikahan. Yes, I narrated lang naman that fateful event last night with my Tropiness barkada and that Jake. I just left a single detail untold and that is yung walang kwentang conversation namin ng kupal na yun. Hindi ko na sinabi yun dahil baka mag-eskandalo na naman itong dalawa sa sobrang kilig gaya nung nangyari sa café dati nung kinwento ko yung check-up with Dan. Girlfriend, his ass! Tsss..
Just thinking of that thought makes me shiver.
"Fate really is something else. Talagang ikaw ang pinagdidiskitahan eh!" sabi ni Ara with pagtaas-taas pa ng kilay at pagngiti nang nakakaloko. Pssshh!
"I agree! Hahaha!" sabat din ni Majoy.
"Yeah, tell me about it. Haaayyy..." naisagot ko sa kanila before sipping my coke.
Ewan ko ba but ever since I knew of the existence of that Jake Domingo, para akong laging nakukunsumisyon sa sobrang inis sa kanya. Para bang unti-unting nade-drain yung energy ko pag naririnig ko lang yung pangalan niya, pag naaalala ko yung kayabangan at kalandian niya. And for the record, I can't help but to admit that he deserves to boast what he got and that is the looks, charisma and fame. That guy sure has some guts to do that. Di naman obvious sa kayabangan niya right?
Mabalik tayo sa pangungunsumisyon, ito nga lang pagkekwento ko sa mga kaibigan ko para na akong lumakad mula bayan hanggang BulSU sa pagod. Yep, that's how drained I am.
Because of that bastard.
"So how was it, bes?" Biglang tanong ni Majoy after a moment of silence "Ano naman ang tingin mo kay Jake ngayon at nagkakilala kayo?"
"Ieeeee, oo nga bes, how was it?! You're so lucky talaga to finally meet him personally! Hihihi!" dagdag ni Ara.
"Lucky?!" I scoffed "How I wish na SANA talaga" I really quoted the 'SANA' "mali lang ako ng kilala sa kanya, but NO! Kung paano ko sya nakilala nung Intrams, ganun pa din ang ugali nya ngayong nakilala ko na sya personally! Mayabang talaga! He's an ass!"
"Really, bes?! Sayang naman! Ang wafu wafu pa naman nya!" sagot ni Ara.
"Oh well gaya ng sinabi namin before, he has every right to do so." paliwanag ni Majoy.
"Yun na nga ang malala eh, he has the right! Sarap lang putulin ng sungay nun! Pero pa'no yun, kahit na alam ng Tropiness ang nangyari samin ni Jake, they still like him! Ugh naman!"
BINABASA MO ANG
My Kind of Story
Chick-LitThey say the dearest person to you could lift you high up in the skies then drop you right off the ground. The story of our life. Even hers. And its up to her how she will battle that one out. ------------------ Gonna edit the whole thing but same p...