Every first day of the new semester, uso sa mga estudyante ang 'something new' craze. New shoes, new bag, new hairstyle, etc. You name it! Kahit state university lang 'to, hindi rin naman nagpapahuli sa uso ang mga students natin. Kaya naman maraming excited na pumasok para ibalandra ang mga 'bago' na yan! Kala nyo every June lang sila excited noh? At sa storya na 'to, asahan nyo na rin ang MGA pagbabago. Ready na ba kayo?
SETTING
Venue: Room 212, second floor, CSSP
Class: BA 323D Marketing Management
Time: 2:00pm, Wednesday
Someone's running late today kaya lakad-takbo sya towards her first class this sem. It's not really a habit of hers to be late for class. Nagkataon na pinalabas sa HBO yung isa nyang favorite movie na 'The Last Song'. She's still on cloud nine over Liam Hemsworth only to find out that she'll be late for her marketing class. Excited pa man din sya sa subject na yun kasi subject name pa lang sounds interesting na for her.
Anyway, she's dashing towards their classroom and stopped on the door nang makita nya na nasa loob na yung prof. 'Sh*t, I'm dead!' she thought and went inside.
MELA'S POV
"Well, well, well..someone's late today. Now that's new!"
Lumabas na kami ng classroom at kasisimula pa lang ng sem, umiikot na ang mata ko dahil kay Alcantara. Nasabon na nga ang kaibigan nya, gagatungan pa! Well, di naman actually napagalitan pero nasabihan lang ako na 'Next time, bawal na ha?' as my prof quoted. Buti na lang mabait sya, thanks Lord!
M: Nice impression, Balagtas! Sige bibigay ko na sayo ang korona kong 'Always-late Student' for this sem.
A: I'm not, okay? Nagkataon lang na di ko namalayan ang oras. 'Kakahiya tuloy kay sir!
Ar: Dapat lang sa'yo yan! Alam mo bang naistorbo mo ang pagde-daydream namin kay sir! May pa- 'Good morning, sir. Sorry I'm late.' ka pang nalalaman dyan! Manong pumasok na lang di ba?!
Ayun at kinilig na naman sila pareho nang naalala na naman nila yung prof namin kanina. -_- Yeah he's good-looking, already on his 30's but he's old na para maging tito ko noh! Natigil sila sa pagwawala nila sa sobrang kilig nang...
"Majoy! Ara!"
It was a boy, actually it's Sammy coming from the nearby canteen. Pero nang papalapit na sya, napansin kong may nag-bago sa kanya and I think yun yung porma nya and yung...mood nya. Like he has a lighter aura today, judging his wide smile though parang biglang kumunot nang konti yung kilay nya like he's witnessing something unbelievable.
Ar: Sammyboy! Tara sa CON, wala kaming next class.
S: Okay! (pero nakatingin sya sakin) Woah! Mels, you look....different! Well maganda ka pa rin naman...pumayat ka ba?
M: IEEEEEEEE!! He noticed! (she bumped me excitedly) Sulit ang jogging at diet! Woohoo! xDDD
A: Ayan! (nagulat) Makatulak naman oh! Ah..yeah, hehe... (napakamot sa ulo)
I'm actually embarrassed right now. Well ito naman talaga ang gusto kong mangyari eh, ang pumayat. Pero parang di ko naman ma-feel na pumayat ako eh, siguro konti lang kasi parang ganun pa din naman ang itsura ng katawan ko. Ewan ko ba ba't parang ang OA ng mga reaction nila. Kaya siguro feeling ko ang daming nakatingin sakin nung pagpasok ko ng room. Bukod sa late ako, napansin nila yung pagbabago sakin.
BINABASA MO ANG
My Kind of Story
Literatura FemininaThey say the dearest person to you could lift you high up in the skies then drop you right off the ground. The story of our life. Even hers. And its up to her how she will battle that one out. ------------------ Gonna edit the whole thing but same p...