Hayyy, I really missed writing. So busy lately, kailangan eh!
FYI: Tagal nang nakatambak nitong part na 'to sa Word kasi baka need pa ng revision. One of my fave chaps here!
---------------------------------------------
Every step weighs like a ton.
F*ck Majoy and her crazy instincts! Kung anu-ano kasi ang pinagsasasabi at ito namang Ara na uto-uto pinatulan ang kabaliwan ng kapwa-baliw! Simula noong 'We need to talk' spiel nila, ilang araw nila akong kinulit about what we talked about. About that...ISSUE. Am I that transparent to be grilled by such stupid questions??! Tahimik na nga ako eh.
No, you don't.
Oh see?
But your actions shows.
Psh whatever! Kahit ano pang tinanong nila, wala akong binigay na sagot at wala akong balak na magbigay ng sagot dahil bukod sa walang kwenta ang tanong, wala namang dapat isagot. At least, for now.
Yeah, for now. Because even I couldn't explain what I really feel, nagpalusot na lang ako sa kanila. May explanation na naman talaga ako kung bakit ako nagkakaganito eh pero peste talaga yung mga kaibigan ko at kung anu-ano ang tinanim sa utak ko! Pero ba't nga ba ako natatakot eh alam ko namang assumptions lang itong mga sinasabi nila?! At ginamit pa nila itong birthday celebration ng daddy ni Roro para pag-isipan ko DAW ang sinabi nila. Sh*t ass!
Kasalanan 'to ng kumag na yun eh, ginugulo ang isip ko!
"MJ anak, may naiwan pa palang pagkain sa kotse. Pakikuha nga." Utos ng nanay ko.
"Ah, s-sige po, 'Me!"
Yung hakbang ko kanina parang biglang gumaan nang naglakad ako palabas ng villa. Ayoko pa kasi talagang pumasok eh though alam ko namang eventually magkikita kami. Kinuha ko na yung pagkain at nilapag ko muna yun sa ibabaw ng trunk ng kotse. To buy some time, I followed my dad's instructions and checked the car when we got here. Pero wrong move ata, kasi when I checked the driver's seat, naalala ko na naman SIYA.
"Boo, I'm sorry. I really mean it. It's really NO GOOD WITHOUT YOU."
"I, John Michael Domingo, promise that I will never leave my friend, Melanie Jersey Balagtas, and will be with her until the end."
Chill ka lang, Mela. Natural lang na maalala mo siya. Ganun ka rin naman sa iba mong friends right? Kalma lang, heart.
"Hi, Miss! Can I help you with something?"
Di ba sabi ko kalma lang, ba't ayaw makisama ng puso ko? That's definitely not part of my reminiscing 'cause when I turned around, nakita ko ang kaisa-isang rason kung bakit ako halos mabaliw ngayon who, for the nth time, is trying his flirting moves on me. Talaga nga naman oh!
"Oh, ba't nandito ka pa?" I asked with discomfort.
"Kararating lang namin, I should be asking the same question."
"May iche-check lang ako dito, mauna ka na sa loob."
"Boo, wag ka nang mapraning dyan at wala namang magnanakaw ng kotse niyo. Tara na!"
Kung alam mo lang, kupal ka! Hindi naman talaga ako nag-aalala sa kotse eh, kundi sa magiging lagay ng puso ko eh. Huhu! 😭 So kahit na ayaw ko pa, pumasok na ako baka kung ano pang isipin nila. Not far away, nakita ko na ang Tropiness na tumutulong sa loob. Now why did not think of them eh kasama nga pala sila dito. Ayos may distraction naman pala ako kahit papano.
BINABASA MO ANG
My Kind of Story
Chick-LitThey say the dearest person to you could lift you high up in the skies then drop you right off the ground. The story of our life. Even hers. And its up to her how she will battle that one out. ------------------ Gonna edit the whole thing but same p...