Pagkailang. Kaba. Inis. That's what I'm feeling right now. Alam mo yung ang saya-saya na ng gabi mo tapos ganito. I can't believe na kapatid sya ni Ayka! Parang gusto ko nang bigwasan ng isa yung may pasimuno ng small world na yan. Pagkapasok pa lang nya ay pumunta sya dun sa mga tanders. Buti naman may galang 'to sa mga matatanda, akala ko papairalin na naman ang yabang eh. Tsss... Kinausap sya saglit ni tito Phil at lumayo ng konti sa mga kasama pero medyo naririnig ko pa din yung usapan."Pa, bakit?"
"Bakit ngayon lang kayo ni Ayka ha?"
"Kasama ko yung barkada ko. Sabi ko sa inyo isabay nyo na si Ayka kasi may lakad ako."
"Di ba I told you napupunta tayo today dito sa tito Carmelo mo for my advance celebration with them? John Michael naman, minsan na nga lang ako humiling eh, ganyan pa ang asta mo!"
"Okay okay, Dad! Pwede bang wag dito?! Kita mo naman ang daming tao dito, magwawala ka pa! Cinancel ko na nga lakad ko eh, happy?!"
"Hayyy, okay! Tara ipapakilala kita sa kanila."
"As if I have a choice, Pa.."
I know its rude to eavesdrop on other people's conversation, but I can't help it. Pati ba naman sa tatay nya, nagiging kupal sya?! Ever since dumating si Jake, sya na ang naging topic dito sa table namin. Doncha worry, medyo malayo naman ang table namin eh kaya di masyadong rinig.
M: Woah! Anak pala ni tito Phil yung model ng Pambansang! Nice!
Jo: Ano pre, nababakla ka na? 😄
M: Ungas! (Sabay batok kay Jao)
R: Trulaloo! Di kinaya ng beauty ko ang fezlalu nya! Uminit tuloy nung dumating sya. (Tingin sa akin) Ang HOT teh!
A: Hot ba kamo, bakla? Buhusan na kita ng tubig gusto mo? (I said with sarcasm)
R: Pashneya!
Je: Ayka, di mo man lang sinabi na model pala ng Pambansang ang kuya mo.
Ay: Naku, kuya! Okay na yun noh! Baka mamaya lumaki lalo ulo nun pag nadagdagan na naman ang fans nya. Tsss...
A: Damn right, he will. (I whispered to myself)
KJ: May sinasabi ka, MJ?
N: Ayain mo yung kuya mo dito para naman makilala natin sya.
Say what?! Si Jake aayain dito sa table namin!? No way!! Oo nga pala ako lang ang nakakaalam ng nangyari samin kaya di alam ni Nikki. Pero ba't nga ba ko kinakabahan?? Eh wala naman akong atraso sa kanya eh, although sya meron pero nakaganti na ako eh or more like karma did it for me. But still, inis pa din ako sa kanya! Ayka, say no! Say no!
Ay: Sige saglit lang. Pinapakilala pa ata sya sa tanders eh.
KJ: Sige, ayain mo. Siguro naman shuma-shot din yun noh! Nang matagayan din natin sya.
Oo nga pala, right now eh we're drinking. Hindi naman yung heavy alcohol na drinks, yung sakto lang. Syempre may bantay kami eh. Okay lang naman sa mag parents eh, basta ba wag masyado. Sila din umiinom eh, although yung sila Mame at ibang girl friends nya eh di umiinom at nagchichikahan lang. Dahil bata pa si Ayka, juice lang sa kanya. Pero okay lang yun, may karamay din naman sya and that is Nikki. Ewan ko ba dun, di umiinom pero nakatikim na sya. Di lang daw nya nagustuhan. Ako naman, sakto lang. Umiinom lang ako pag may naga-aya, yun nga lang di ako masyadong umiinom. Hindi dahil sa health kundi dahil madali akong maumay lalo na pag hindi ko gusto ang lasa.
BINABASA MO ANG
My Kind of Story
ChickLitThey say the dearest person to you could lift you high up in the skies then drop you right off the ground. The story of our life. Even hers. And its up to her how she will battle that one out. ------------------ Gonna edit the whole thing but same p...