*Belle of the Boulevard

70 1 0
                                    




Two years after....


Beep! Beep!


Ang ingay ng mga sasakyan. Iyan ang usual na maririnig natin pag tayo'y mga naninirahan sa Maynila. Tunog ng mga MRT at LRT na nagsisi-biyahe. Sigaw ng mga konduktor ng bus at jeep. Preno ng mga sasakyan pag trapik. Sabi nga nila, ibang - iba daw ang buhay probinsya sa buhay-Maynila. Mas payapa at tahimik sa probinsya na madalang makita sa Maynila. Kahit na sinong taong makaka-tungtong sa Maynila makikita na agad ang pagkakaiba nila.





Pati na siya...


She stood at her usual spot every morning while drinking a cup of coffee. At their apartment's terrace. Lagi na niya 'tong nakagawian simula nang magtrabaho siya. It helps her think about everything. Her work. Her duties. Her life.





Her life that's always the same. Never moving forward.





Well, its not that she doesn't like her life right now. She has a stable and good job. She's working in a known fashion retailing company as one of their brand assistants. She helps support her family. She has a few friends. She could buy almost anything she wants, go wherever she wants  with her job right now. She's living in an apartment with her older sister, who's also working in the metro.  She's living independently. Just like the life she has always wanted.





But then, there's still something missing.


And she's aware of it.





She shook off those thoughts and finished her coffee. Ayaw na niyang isipin pang muli yung parteng iyun ng buhay niya kasi alam niyang wala naman siyang mapapala sa pag-iisip tungkol dun. Tama na ang kadramahan sa buhay niya. She's perfectly fine now so why does she have to think about the past? She quickly geared up for work and left the apartment. Sa paglalakad niya, may mangilan-ilan siyang napapansin na tumitingin sa kanya, usually mga lalaki. Sometimes, mga babae, or kung sino man. Not that it bothers her, pero napapaisip lang siya kung bakit sila tingin nang tingin sa kanya. Hindi naman siya artista or model to begin with. She is just a simple woman going off to work and somehow contribute to the productivity of the economy, for crissakes! Dati, naiilang siya pero ngayon naiirita na siya.





So much for good morning.





Dumagdag pa sa init ng ulo niya ang haba ng pila sa MRT.  Sama niyo na din ang siksikan sa loob at ang amoy sa loob. Kasisimula pa lang ng araw, akala mo hapon na sa tindi ng amoy. Mandirigma daw ang amoy, ika nga nila.  Medyo nabawasan ang morning hassle niya nang makarating na siya sa vicinity ng pinagtatrabahuhan niya. It was actually a business district where she's working from. Dati nakikita niya lang ito sa mga magazine at tv shows pero hindi niya akalain na isa na siya sa mga taong nagtatrabaho at tumatapak dito ngayon.





If there's one thing she likes doing the most every morning, iyun ay yung maglakad- lakad dito sa area na ito papunta sa building kung saan siya nagwo-work. Ang ganda kasi ng pagkakagawa sa lugar. Naglalakihan man ang building, nandoon pa din ang homey feeling. Meron din kasi doong park where she's walking right now.  Since its a business district, may pagka-high class ang dating ng lugar at siyempre pati ng mga tao. Sa bawat establishments na nadadaanan niya, may it be a store or a coffee shop, makakakita ka ng mga foreigner or mga masasabi mong rich kids na namamalagi doon. They may be intimidating but she never once became awed or majestically amazed by their life.





She may have lived like them but she will never be like them.





Yes, kung tutuusin kayang-kaya na niyang mabuhay kagaya nila pero ayaw niyang mabuhay kagaya nila. Hindi lang dahil sa mga luho nila kundi pati na din sa ugali nila. Hindi naman niya nilalahat pero may ilan siyang nakitang ugali na hindi niya nagustuhan one time. Kahit sa opisina lang may hindi siya gustong ugali na hindi niya masikmura. Kung hindi lang niya mahal ang trabaho niya, malamang nag-resign na siya. Kaya naman hindi na lang niya pinapansin ang mga ito at nanatiling focused sa trabaho.





My Kind of StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon