(43) Basketball Incident

30 1 1
                                    


Fourth quarter na. Akala mo nanoood ng laro ng Gilas Pilipinas ang mga nanonood sa sobrang ingay at pagchi-cheer dito sa activity center. Ganito talaga pag finals ng men's basketball every Intrams, laging blockbuster ang court akala mo concert ng isang sikat na artist sa Araneta Coliseum. Kung ganito ba naman kasikat ang mga players eh, pano di dudumugin?!

Ano ba meron?? Well, sabi ko nga finals na ng men's basketball ng Intrams ngayon sa BulSU. Eh asan ba ang mga bida? Sige hanapin natin. Sa loob ng AC maraming bleachers. Meron sa magkabilang gilid ng stage kung nasan ang mga officials. Dun sa bleachers na yun, doon nakapwesto ang mga players. Yung mismong buong basketball court may railings sa gilid. Sa paligid ng court syempre nakapaligid ang iba lang bleachers kung saan nakaupo ang audience. Like I said kanina, blockbuster ang venue at meron na ngang nakatayo makapanuod lang.

Anong team nga ba ang naglalaban? Well for the second time around, ang CBA at COE ulit ang naglaban for championship. Nasa kanang bleacher ang CBA habang nasa kaliwa ang COE. Syempre alam nyo na siguro ang rason kung bakit blockbuster ang game. Kasama lang naman ulit sa team sila Sammy at Jake, rivals as usual. Sila Mela? Nandun sya nakapwesto malapit sa bleacher ng....COE, together with Majoy, Ara at Dan.

Time check: last one minute na lang for 4th quarter. Parehong nasa loob ng court si Sammy at Jake. Sa sobrang lakas ng pagchi- cheer ng mga estudyante, di nila namamalayan na may namumuong tensyon sa loob mismong court, specifically on two rival players. Pero ang nakapansin sa tensyong ito ay sina Mela. Napansin ni Mela na di maganda ang laro ni Sammy mula pa kaninang last 2 mins. ng third quarter which is exactly nung time na halos kakarating lang nila ng AC at nakita sila ni Sammy kung nasan sila ngayon. Kinawayan pa nga nila nun si Sammy nang makita nila eh, pero tipid na ngiti lang ang binalik nito sa kanila. 'Must be the game' sa isip ni Mela. Pero dati naman kahit last quarter na, chill pa din sya pag naglalaro.

Then isang di inaasahang pangyayari ang naganap. Lamang ang COE at kasalukuyang binabantayan ni Jake si Sammy na hawak ang bola. He managed to dodge Jake's defense moves and dribbled the ball papunta sa net nila. Masho-shoot na sana nya yung bola pero di nya alam na mabilis na nakasunod si Jake sa kanya. Sammy was about to shoot the ball when Jake managed to block that shoot, sending shouts of 'ooohhh' from the crowd. Pero ito na talaga, an unexpected happened: Sammy pushed Jake angrily. Dahil alam naman nating di papatalo si Jake, tinulak din nya si Sammy hanggang sa nag-away na ang dalawa. Di nila akalain na mangyayari ito, lalo na si Mela na naguguluhan and at the same time nagwo-worry kay Sammy.

Pinigilan na ng ibang players ang dalawa sa pag-aaway, pati ang referee umawat na. Nilabas muna yung dalawa sa court at pinagpahinga then ni-resume ang game na kulang isang minute na lang ang natitira. Pero si Sammy halatang inis pa din.

Ano nga bang nangyayari kay Sammy?? Well, lets go back in time a week bago ang Intrams days. Exactly the day after ng bonding ng three boys with Mela.

Friday (week bago mag- Intrams)

MELA'S POV

Kainis naman na prof yun! Magpahabol daw ba ng project bago matapos ang midterm? At talagang tinapat pa na after ng Intrams ang pasahan so meaning di kami pwedeng mag-petiks sa Intrams! Pa-major talaga, though major naman talaga yun. Every Intrams kasi gawain na namin na manuod, gumala, etc. pero mukhang di pa ata namin magagawa yun this time dahil sa project. Buti na lang ka-group ko sa mismong project yung dalawa.

Nag-break muna kami bago pumasok sa last subject namin. Uwian na nila Sammy pero sumama muna sya samin kumain bago umuwi.

M: (kay Sammy) Alam mo konti na lang talaga, iisipin kong bakla ka talaga. Daig mo pa kaming mga babae kung mag-spray ng alcohol eh. OC ka, teh?!

My Kind of StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon