(3)Pavement Encounter

57 0 3
                                    


Days passed at start na talaga ng kalbaryo namin sa klase. Kahit second year pa lang kami, feeling ko tuloy graduating na kami dahil sa hirap ng mga subjects. Pano ba naman yung course namin, Management na nga, may Economics pa, san ka pa di ba? Double major ang peg namin, pero keri pa naman at we will do our best para sabay kaming grumaduate ng mga bes ko. Sarap siguro sa feeling nun.

Right now, were on our way to McDonald's BulSU also known as tambayan ng bayan. Almost 90% ng customers nila BSU students, pano ginawang tambayan dahil nga air-conditioned at sobrang init sa labas. Madalang lang kami kumain dito kasi siyempre nagtitipid din kami at masama din na lagi kaming kumakain sa fast food. That's bad for the health. Naglalakad na kami nila Ara at Majoy papunta dun nang mapadaan kami sa Nursing building. Actually, di ko nga alam na dadaan kami dito eh. Tutal were here naman, I secretly looked out for any sign of Dan around, opportunity na din ito so grab it! Pero nahalata pa rin ako nila Majoy at Ara sa hidden agenda ko.

Ar: Ehem ehem! Bes, masyado ka namang obvious diyan!

M: Nga naman, bes! Konting pakipot naman. Halata nang hinahanap-hanap mo yang si Dan eh.

A: Utot nyo! OA na ha!

M: (chuckling) Sige deny lang! Sows!

A: Geh geh, push mo yan bes!

Di ko pa nga pala nade-describe si Dan sainyo noh. Well, siya yung masasabi kong TALL, DARK and HANDSOME, literally! As in ganun talaga ang masasabi ko, di ko nga akalain na makakakilala ako ng ganung klaseng lalaki eh. Mala- Richard Gomez ang dating, but definitely not an oldie. Actually, may naging high school classmate si Majoy na blockmate ngayon si Dan. At according to her, bukod sa may itsura super bait daw talaga ni Dan sa mga blockmates niya. Dahil sikat sya sa Nursing department, naging officer din sya ng organization nila. Oh di ba, almost perfect na siya? Kaya he's worthy of my admiration.

Sa sobrang pagiisip ko kay Dan, halos lahat ng lalaking nakakasalubong ko, mukha niya nakikita ko lalo na itong lalaking just a few meters apart from us na super kamukha ni Dan. God I must be crazy, ang lakas ng tama ko sa kanya! This is so not good! Sa sobrang confusion, I didn't know na may pavement pala kaming dadaanan. I tripped on the pavement and muntikan nang mag-planking sa semento. Napasigaw tuloy ako nung matumba ko.

"Oh my!-ahh.."

Buti na lang tuhod ko lang tumama sa lapag at kahit papano nahawakan nila bes yung braso ko. Shiz! Nahulog tuloy yung mga handouts na hawak ko at nagliparan. Tutulungan na sana ako nila bes nang pigilan ko sila.

A: Bes, wag nyo na kong intindihin. Pakikuha na lang yung mga papel please! Kelangan ko yun eh.

Ar & M: Sure ka?

A: Yup sige na, go! Keri ko na to.

Kinuha na nila yung mga nagliparang handouts at ako naman pinilit kong tumayo. Shocks, di ko pala keri kasi ang sakit din pala ng bagsak ko, tuhod din yun eh. What were you thinking, Mela? I just can't believe that I would do a stupid thing like that because of a guy. Dahil hindi ako makatayo, pinagpagan ko na lang ang sarili ko pati uniform ko at naupo muna saglit sa semento. Nakayuko ako habang nakaupo nang may nakita akong pares ng paa malapit saken at may lalaking nagsalita.

"Need some help, Miss?"

(Play media)

I slowly lift my head up but all I could see were the burning rays of the sun. Then suddenly, someone blocked my view. Nung nakita ko kung sino, it seems like everything stopped moving and all I could see was him and nothing more, just like when I saw him on the first day of this semester.

Is this for real??

You know everything that I'm afraid of
You do everything I wish I did
Everybody wants you
Everybody loves you

My Kind of StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon