Amazing! Di ko akalain na saktong-sakto pala tong kanta na 'to sa chappy na 'to. One of my fave songs before! :)
==========================================
First thing in the morning, I headed to church before starting my day. To ask for guidance above and help me.
I want to set things right from now on.
When the mass ended, para bang nabigyan ako ng panibagong lakas. Like I was born again with a new beginning. Sana magtuloy-tuloy na 'to but like I said, this is just the beginning. Pagkalabas ko ng simbahan, nakita kong parang ang ganda ng araw ngayon. Naisipan ko tuloy na maggala mag-isa. Ayos na din 'to. Time for myself. Time to reflect on things. I know today is Sunday and is considered a family day, but I think I need this day to be on my own. Nagpaalam na lang ako thru text na I will be out for the day. Not that late since mamaya luluwas na ulit ako.
I went to a restaurant to eat. To the mall. Bookstore. Dati pag ginagawa ko 'to, I'm alone like its nothing kasi sanay na naman ako. Pero ngayon kahit na mag-isa ako parang ang gaan sa pakiramdam, masaya ba? Though I greeted some acquaintances on the way, hindi ako nainggit na may kasama sila. While walking on different stores sa mall, nasipan kong pumunta sa memorial park where I used to jog before, where my grandparents were buried. While carrying the flowers I bought on the way, I remembered the moments I've been here before.
Every November.
Morning jog.
Unexpected encounter with Dan.
And of course...Jake.
Thinking about what happened in my life, hindi ko mapigilang i-compare ito sa mga stories na nababasa ko sa books. Dati, halos hilingin ko na sana kahit konti mangyari din sa akin yung mga nangyayari sa mga protagonists ng isang istorya. Yung kiligin. Yung mapansin ka ng taong gusto mo. Yung makakilala ka ng stranger na eventually magiging kaibigan mo din. Yung mabigo at masaktan ka. Those kind of adventures na maiisip mong magdadagdag ng kulay sa boring mong buhay.
I feel so pathetic just wishing na sana nga mangyari yun, na kahit konti maambunan man lang ako ng ganong klaseng buhay na nababasa ko lang sa libro or else napapanood ko lang sa movies.
And it happened.
Be careful what you wish for, they say, because it might come true. In my case, it came true. Gusto kong sabihin sa sarili ko 'Ano Mela? Adventures pa more?? O ayan, adventure. Nasaktan ka na. Happy?' Alam ko namang hindi ko dapat kino-compare or binabase ang buhay ko sa isang chick lit story, pero ewan ko ba sa kokote ko at hindi ko pa din mapigilan. Hindi rin ata magandang habit ang pagbabasa ng mga novels, especially romantic genres. Sometimes, it gives you false hopes. Aaminin ko, when Sammy, Dan and Jake entered the picture, feeling ko nasa isang chick lit story ako. Na ako yung bidang sobrang haba ng buhok na nakakilala ng mga boys na possibly makakatuluyan ko in the end. But I never once thought of the consequences of my actions. Why?
Because I live in reality.
At masyado akong nalunod sa mga expectations ko.
Nawala sa isip ko na ang mga bida sa istorya ay hindi din nawawalan ng problema sa buhay. Yung sobrang bigat na trials sa buhay na akala mo nasa teleserye ka na. Hindi ko naisip na may masasaktan at masasaktan ako sa kahibangan ko. Hindi ko naisip na halos lahat nga pala ng nababasa ko fantasy lang at sobrang layo sa realidad. I expected too much from those cliché stories to the point na hilingin ko na sa Diyos na sana ganun din ang maging buhay ko when in reality hindi pala siya applicable. Its not fulfilling and exciting at all because all it ever gave you were bullshits. Hindi ako naging masaya in the end because...
BINABASA MO ANG
My Kind of Story
ChickLitThey say the dearest person to you could lift you high up in the skies then drop you right off the ground. The story of our life. Even hers. And its up to her how she will battle that one out. ------------------ Gonna edit the whole thing but same p...