(37.2)

32 1 1
                                    



"Good evening, guys! Are you enjoying the night?"

                  

"Bes naman, later mo na sila tanungin nyan. The fun's just started!"

Sila Ara daw ang hosts for tonight kaya napa-ooohhhh naman silang lahat at ako nailing na lang. Ano naman kaya ang pakulo ng mga ito?! Kanina kasi nung nakarating ako sa table, hindi naman sila sumagot ng ayos nung tinanong ko sila about sa mga ngiti nila sa'kin. K fine! So kumain na lang ako. At ito na nga at masasagot na ang tanong ko.

M: Since nineteen na po ang ating pinakamamahal na si Mela a.k.a MJ sa iba, tanda mo na bes, huhuhu...(nang-asar pa! tss..)

Ar: Nice one, bes! As we were saying, tutal nineteen ka na din naman, hindi ka na namin gagawan ng 19 roses, candles,etc. Feeling debutant, eww..

Tawanan naman sila! Loka talaga!

M: Syempre lahat kaming mga friends mo mahal na mahal ka kaya lahat kami may part nung last debut mo. Pero a year after your debut, may mga nakilala ka na mga bagong FRIENDS...na sad to say na-miss ang debut mo. Pero mabalik tayo sa mga friends mo...friends nga lang ba?!


WTF Santos! Naghiyawan naman ang iba, lalo na ang tropa! Kesyo lagot daw ako kela Mame at Dade, di raw ako nagsasabi na may nanliligaw na pala sakin, chuchuchu! Echosera sila! Tumingin ako kela Sammy, Dan, at Jake na nagtatawanan din. Wow, close na sila?!


Malapit ko nang kunin yung mic sa kanila. Swear!

Ar: So since di naman sila nakapunta noon sa debut ni Mela, gusto daw nila bumawi today sa kanilang kaibigan.

S: (pasigaw) Bumawi daw...baka pinilit! xD

J & D: Nice one, bro! (at nag-fist bump sila)

M: Manahimik ka, Sammyboy! Sino kaya yung um-oo agad sa idea ha?! Gusto mo share ko sa kanila??

Tropa and other guests: Ahhhhhh!


S: Joke lang!

Ar: Tama na yan, guys! So ito na nga... dear family, friends and guests...to serenade our beloved celebrant... grabe bes sarap putulin ng buhok mo! Let's give a round of applause to Jake, Sammy and Dan.. Mela's BOY-FRIENDS!


OH.MY.GOD. Really Santos?? Parang wala na ata akong mukhang maihaharap sa angkan ko. Grabe di ko na talaga kinakaya to! And...what? Silang tatlo kakanta?! Kelan naman nag-practice tong mga to?? OMG!

Medyo nahihiya pang tumayo sila Sammy at Dan pero si Jake chill lang. Kapal fez eh! So that explains the three mic stands na di ko man lang napansin until now.  Saan naman nila nahiram yun?? Pumwesto na sila sa bawat mic at nagbigay ng short message.

D: Hi, Em.. happy birthday! I guess pambawi ko na din to di lang ngayong birthday mo kundi sa lahat ng birthday mo na wala ako. :)

S: Mels, I know parang kelan lang tayo nagkakilala but here we are the closest of friends. Happy 19th! :)

Then tumingin yung dalawa kay Jake na para bang naghihintay ng sasabihin nya.

J: Ay kelangan ba ng message?? Kala ko prod lang to!

I can't believe bumenta sa kanila yung joke ni Jake. He just smirked sa direksyon ko causing me to roll my eyes.

J: Sige na nga...thank you for being a fan of mine.. joke! (nagtawanan na naman sila) ito seryoso na, I know we had a bad start, suki ka na ng mga panga-asar at kalokohan ko. But please believe me when I say this.... What we have is real, I promise you that. Walang halong kalokohan. 🙂

My Kind of StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon