Medyo tinanghali na ako ng gising dahil naparami din ang nainom ko kagabi. Wala na nga si Ate Deedee sa kwarto nung magising ako eh, na pinagtataka ko kasi isa pang yun na dinadapuan ng matinding hangover. When I walked out of the room after fixing myself for the day, nadaanan ko yung minibar which made my head ache a little. Ugh, hangover sucks!Tumigil ako saglit sa paglalakad nang parang nag-flashback sakin yung mga nangyari kagabi. Minibar. The song. Dare. Jake dancing in front of me. Me enjoying the dare. Kiss on my hand. The wink. The hot feeling. And me losing consciousness on the minibar. Ugh! Lalo tuloy sumakit ulo ko sa dami naalala ko na di ko akalaing nangyari sa isang gabi lang.
"Uy may naalala!" someone said with a teasing tone.
I rolled my eyes nang marinig ko yung boses kaya binilisan ko ang pagbaba ko ng hagdan nang di ko sya makasabay. Umagang umaga sya kagad ang makikita ko? Aba di na maganda 'to. Quotang-quota na ko ah!
"Sungit mo naman! Hangover?"
"Where are they?" balewalang tanong ko.
"Dunno. Kakagising ko lang din eh."
Sabi ko nga wala talaga siyang kwentang kausap eh. Inirapan ko na lang sya at hinanap ang tropa. Buti nakita ko kagad sila sa dining room na malapit na rin matapos kumain.
"Good morning, guys!" bati ko sa tropa.
"Goodmorning din, slee-"
Naputol ang pagbati nila nang makita ko, sabay ngisi.
"Nuxx naman! So kailangan sabay talaga?!"
Sheesh! Kasabay ko nga pala ang kupal na 'to. Grabe bumababa na ang taste nila sa panunukso sa akin ah. Hindi ko na lang pinansin ang panunukso nila at tumungo sa bakanteng upuan. Dalawa na lang ang bakanteng upuan na magkatabi so alam na! Napag-alaman kong si kuya Kim pala ang nagdala sakin papuntang kwarto. Habang kumakain, may ibinalita si kuya Adrian.
"Okay guys. Sabi ni Papa after breakfast daw mamasyal na tayo."
"Yess!"
Yey! Makakapaglibot na din sa wakas! So after kong kumain ay nag-ayos na ko ng sarili ko. I wore my usual clothes: t-shirt and shorts. Buti na nga lang at hindi masyadong malamig sa Tagaytay at this time of the year. Nagdala na rin ako ng sling bag then I'm off to go. Dahil nga nahuli akong nag-prepare at nag-breakfast, nahuli na din akong lumabas ng bahay. Nasa loob na ng van ang buong tropa maliban kay Jake na dadalin daw ang kotse nya. Pasakay na sana ako nang di ako makapaniwala sa nakita ko sa loob ng van.
"Hey, ba't parang sumikip ata? Wala nang halos space. Ano ba yang mga dala nyo??" I asked, surprised by the sudden change inside the van.
"Mels, di ba nadagdag si Deedee? Since nahuli ka, nauna siyang nakasakay dito. Eh di ba sakto tayo dito kahapon?" sagot ni kuya Jasper.
"Pano nangyaring wala nang space eh medyo maluwag pa naman dito kahapon?"
"Oh anong meron dito?" Tanong ni Jake na lumapit sa van.
"Sakto ka Jake bro! Uy Mels, ba't di ka na lang kay Jake sumabay tutal maluwag pa naman sa kotse nya. Bro, okay lang naman, di ba?!" biglang sabi ni Marvin with pataas-taas pa ng kilay.
"What!? No!"
"Okay lang sakin." sabat ni Jake. WTF?!
Now this is too much! Pinagbibigyan ko na nga sila pag pinagkakaisahan nila ako sa panunukso kay Jake, pati ba naman ngayon pinagkakaisahan nila akong sumabay kay Jake sa kotse niya?! Iniiwasan ko na ngang makasama sa trip na 'to si Jake, tapos ngayon makakasama ko pa sya sa kotse nang kaming dalawa lang?! No way, Jose! Isang malaking HINDI.
BINABASA MO ANG
My Kind of Story
ChickLitThey say the dearest person to you could lift you high up in the skies then drop you right off the ground. The story of our life. Even hers. And its up to her how she will battle that one out. ------------------ Gonna edit the whole thing but same p...