(29) Hot and Cold

34 0 0
                                    

After ng encounter namin ni Jake, hindi na ako makatulog ng maayos. Nakakapraning kasi ang pagiging assumero ng kupal na yun. Although hindi naman talaga paga-assume yun kasi totoo namna talaga na may gusto ako kay Dan, na unfortunately bestfriend pala nya. Sino ba kasi nagpauso na dapat makibarkada ka lang sa kapwa mo gwapo?! Kainis! Pauso talaga yung kupal nay un, magpapauso na lang iyun pa. Like I said before, he's a crazy bastard! Tssss!

At last, Christmas break na at makakapagpahinga na ako nang matagal. Super stressed na ako sa school, dumagdag pa yung assumerong Jake na yun na nakakasira ng bait. I'm just worried kasi anytime pwede nyang sabihin ang sikreto ko. Buti na nga lang at wala pang ginagawa ang kupal na yun kasi nothing's changed between me and Dan. He still text me just like before kaya worry-free ako ngayong bakasyon and makakapag-relax na ako. Woooo!

Or that's what I thought. Tutal bakasyon ngayon, sa bahay lang ako lagi kaya sulit ang wifi dito sa bahay. Gaya ngayon, nagfe-Facebook lang ako at dahil swerte ako ngayon, katex ko ngayon si Dan. <3 Oh di ba multi-tasking ang peg?! Habang naghihintay ako ng reply nya, pinagpatuloy ko muna ang page-FB nang may nagpop-up na friend request sakin. When I checked kung sino, napa-taas na lang ang kilay ko from what I saw.

Jake Domingo Confirm Not Now

Well, wala naman sigurong masama kung tanggapin ko yung request nya. After all, friends ko naman ang lahat ng Tropiness, especially si Ayka. Si Jake na lang ang hindi so I clicked Confirm. Dala na rin ng curiosity ko, I checked his timeline especially hi photos. May mga shots ng mga photoshoot nya, ilang pics with Ayka at.....girls. Yes, girls with 'S' dahil sa dami ng pics nya with different girls. Well, di na ko nagtataka kasi halata naman sa personality nya ang pagiging chick boy. I paused for a while sa pagbo-browse ng timeline nya nang nag-reply si Dan so I texted him back when I heard a message popped on my profile.

Jake Domingo: Stalking my profile, huh? ;)

Say what?! How did he know? Manghuhula ang peg?!

Mela Balagtas: You wish! Tssss...

Kapal ah! Well, half true pero na-curious lang naman ako eh. hindi pangso-stalk yun!

(Jake=J, Ako=M)

J: I wish sana nandito ka. ;)

M: Oh bakit?

J: Kasi nandito si Dan eh <3

M: Eh ano naman ngayon?!

Tae, lakas mang-asar! Wooo, eto na naman tayo. Magta-type sana ulit ako ng ire-reply ko nang mag-reply na sya.

J: Gusto mo umamin na ako sa kanya for you? :D

No way! Totoo ba yun?! Bigla tuloy akong nag-panic kaya agad kong tinex si Dan kung kasama ba nya talaga si Jake. Syempre di ko pinahalata na I'm worried. Thank God hindi delayed ang message kaya nakapag-reply sya agad.



From: Dan <3

Hindi, bakit?

Shitbrix yan! Pinakaba ako ng kupal na yun! Ugh talaga! Buwisit! Kaya nag-reply ulit ako sa chat box. Hanggang sa chat, kupal pa din!



Buwisit yun! Nag-log out na lang ako sa inis. Di ko na tuloy na-replyan si Dan!

-------------------------------------------------------------------------------

I'm here sa mall with Majoy at Ara. Nag-chill lang kami bale parang pre- Christmas naming tatlo. Dapat nga kasama si Sammy eh kaya lang nasa Manila na daw sya ngayon to celebrate Christmas there. I really had fun with them but the day ended so fast so we already said our goodbyes to each other. Nauna silang sumakay habang ako eh tatawid pa. Nang naka-tawid na ako at malapit nang sumakay ng jeep, biglang nagtex si Mame.

From: Mame :*

MJ, bago ka umuwi pakidaanan mo muna sa bahay ng tito Phil mo yung hinihiram ko. Alam na nya yun okay?!

Luh! Pinapapunta ako ni Mame kela tito Phil! Meaning, makikita ko na naman si Jake. Jusme makikita ko na naman ang kupal eh di pa nga ako nakaka-move on sa BV na binigay nya sakin sa FB tapos eto pa?! Hayyyyy, ang utos ay utos kaya sumakay na ako sa jeep papunta kela tito Phil sa halip na pauwi. Buti na lang di pa ako nakakasakay kundi hassle pag nagkataon. Nakapunta na ako one time sa kanila nang minsang isama ako ni Mame doon. Nung time na yun, di ko pa nakikilala si Jake na siguro eh nasa galaan nung time na yun. Buti na lang naalala ko pa yung lugar papunta dun. Actually, malapit lang sya sa BSU, ewan ko ba kay Jake kung bakit nagko-kotse pa eh pwede nga lang mag-trike or kung masipag ka lakarin na lang eh. Sosyal kasi eh!

Tinex ko si Ayka kung nandun sya sa kanila, buti na lang at nandun sya sa kanila so I felt relieved because I don't have to face his brother alone. Bumaba na ako ng jeep nang huminto ito sa isang kanto na papunta sa kanila. Naglakad na lang akong tumungo sa kanila at tinex si Ayka. Nakikita ko na yung bahay nila na may kalakihan din pero simple lang at may bakuran. Nung papalapit na ako, nakarinig ako ng mga taong nagsisigawan. I thought sa mga kalapit na bahay lang yun nanggagaling pero nung nandun na ako sa bahay nila Ayka, sa kanila pala nagmumula ang ingay. I tried calling her again because no one's answering my knocks sa gate na nakabukas. Ayoko namang pumasok ng walang permiso. I'm still trying to reach her nang biglang may padabog na lumabas ng pinto.

"Ay shemay!"

"Oh ba't nandito ka?!"

Mababa lang ang bakod kaya nakita ko kung sino ang lumabas ng pinto at nagsalita. Si Jake pala pero ibang iba ang itsura nya ngayon. Mukha syang irritable at...galit?? That's new! Gusto ko sanang sabihin na "Oy kupal, sinapian ka ba at ganyan ang itsura mo?!" kaya lang nakaktakot yung tingin nya sakin, its so cold. Like he's gonna kill me anytime! Ayka, asan ka na ba?!

"Uhmm,.may pinapakuha kasi si Mame sakin dito. Alam daw ni tito yun."

"Ate Mela! Sorry di ko nasagot ang tawag mo. Tara pasok.", pagaaya sakin ni Ayka nang lumabas sya ng pinto.

"Oo sige.", sagot ko at nauna na syang pumasok.

Naiwan kami ni Jake dito sa labas, tahimik lang sya pero ganun pa din ang itsura nya. Medyo kinakabahan ako at the same time worried kasi ibang iba ang aura nya ngayon di tulad nang dati. He got his car keys at pumunta sa kotse nya nang pigilan ko sya.

"Hey, okay ka lang ba?", I worriedly asked him. Nilakasan ko na ang loob ko.

"Tss, the hell you care!", he answered coldly then got inside his car, slamming the door.

Pinaharurot na nya yung kotse nya, leaving me dumbfounded. For the first time in my life, ngayon lang ako nakakita ng taong minasama ang concern sa kanya. Unbelievable! Pakiramdam ko tuloy mas napahiya ako ngayon kesa sa pamamahiya nya sakin nung pinagtitripan nya ko. Parang mas gusto ko pang inaasar-asar nya ko kesa sa maging cold sya sakin!



What the hell's wrong with him?!

My Kind of StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon