(32.2)

32 0 0
                                    



I walked away from the party, as fast as I could. I wanna run but my heels could not take it. I walked kung saan man ako dalin ng paa ko, hanggang sa napagod na ako at nakarating sa Heroes' Park. Sa paghinto ko, dun na sunod-sunod na umagos ang luha na kanina pa nagpupumilit na lumabas. Mela, ibang klase na talaga yang pagiging assumera mo! Di lang pala assumera, tanga pa! Matalino ka nga, bobo naman pagdating dito!

So stupid of me!



"I'm in love with.....my childhood friend."

Like in some books I've read, para akong binuhusan ng tubig sa nalaman ko. Totoo pala yung feeling na yun pag may nalaman kang sikreto na ikina-pahiya mo. Sampal sa mukha ang peg! I'm so ashamed of myself sa pag-iisip na ako yung tinutukoy nyang girl. Na-blangko na lang yung isip ko pero patuloy pa rin sya sa pagkekwento.

"Can you believe it? Sa kababata ko ako nagkagusto. Actually the last time I've seen her, noong mga I think we're just five years old that time. Magkapitbahay kami nun kaya madalas kaming magkalaro, dagdag pa na magkaibigan pa ang mommy ko at mommy nya. Until nung kelangan na naming lumipat sa ibang lugar kaya naiwan ko sya at di na kami nagkita ever since. Akala ko nung una, nami-miss ko lang sya. But as I grew up, I'm still thinking about her until now. Tinanong ko na nga si Mama baka may balita sya about them but she said that she lost contact of them. Kaya hanggang ngayon I'm still hoping na sana magkita kami dito."

Kitang-kita ko yung saya niya sa pagkekwento. Never ko pa siyang nakitaan ng panghihina ng loob and always thinks that all hope is not lost. Gaya ng paghihintay niya.

And it's breaking my heart.

"Dapat kasi sa Manila ako mag-aaral but I chose to study here in case na baka dito rin sya mag-aral at makita ko sya dito. Malapit lang kasi sila dito sa BulSU. Can you believe na di ko alam ang name nya maliban dun sa nickname nya nung bata pa kami?! Kaya useless din ang paghahanap ko sa kanya pero pinagpatuloy ko pa rin ang studies ko dito. I'm still hoping pa din na magtatagpo ang landas namin. Hahaha, ang corny ko noh?" pagkekwento nya habang nakatingin sa kawalan.


"Hindi ka corny...it's romantic."

Sobra talaga akong nata-touch sa mga taong hindi nakakalimot sa mga pinapahalagahan nilang tao. Hindi ko na nga alam kung saan ako maiiyak eh, kung sa touching story ni Dan with his childhood friend or sa fact na may iba siyang gusto. But either of the two, supe effort talaga ako dito na wag maiyak. God, he even risked a better future in Manila para sa girl na yun! Naiisip ko pa lang kung gano sya ka-swerte kay Dan, nakakaiyak na.

"Really?" He asked with a hopeful smile.

"Yeah...pero ang gay mo ngang tingnan!" Napawi ang ngiti niya na kinatawa ko. "But kidding aside, ganun nga daw talaga ang mga nagmamahal. Kaya mong magpaka-cheesy or magpaka-romantic para sa kanila. Aalagaan mo sila, iisipin mo sila, iintindihin mo sila....papakinggan mo sila" napahinga ako ng malalim "at higit sa lahat...mamahalin mo sila. You will do everything for the one you love. Kahit sarili at future mo kaya mong i-risk para sa kanya."

Good thing I managed to say those words without choking. Grabe, di ko na kaya 'to. Ang hirap palang magpanggap na okay ka sa harap ng taong gusto mo.

"Yeah." He smiled then turned to me. "thanks for listening..Mela"

I answered with a smile. Kahit na nangingilid na ang luha ko sa sakit.



Sa sakit ng nararamdaman ko, di ko na malaman kung pano ko natakasan si Dan sa party. And I thought exaggerated lang ang mga nagsasabing halos hindi na magkamayaw sa pag-agos ang luha ng mga brokenhearted. Totoo pala. Siguro nga tama sila.

I already fell for him.

Dahil sa pag-amin ko, mas lalo akong naiyak. Even if I found out what my feelings for him means, wala ding mangyayari kasi alam kong wala namang sasalo sa pagkahulog ko. The feeling's aren't mutual.

"Sabi ko na nga ba may mali eh."

Nakayuko ako habang naka-upo dito sa isang bench sa park nang may nagsalita. I looked up to see Sammy standing in front of me. I tried wiping my tears and answered like nothing happened.

"Oh Sammy! Ba't ka nandito? Sila bes asan?"

Di nya sinagot ang tanong ko. Instead, naupo sya sa tabi ko at tumingin lang sa kawalan. There's a round of silence between us habang tina-try kong patahanin ang sarili ko. F*cking tears, ayaw tumigil!

"I know why you're crying.." sabi nya then turned to me "only this time, hindi na dahil sa kaibigan."

Hindi ako lumingon sa kanya pero I know from my peripheral vision na nakatingin sya sakin....with pity in his eyes. Sinabi ko pa man din sa sarili ko na pag nasaktan ako dahil sa love, I will try my best not to cry. I could hurt yes, but not to cry kasi I would look pathetic. Kaya ngayon tina-try kong pigilan ang pag-iyak kaya lang ayaw talaga.

"Wag mong pigilan, Mela.. umiyak ka hanggang gusto mo pero pagkatapos mong umiyak, do try to be strong again."



Those words triggered my eyes to cry again and this time, humikbi na ako. Like before, he hugged me tight while I cried in his chest. I know sobra akong nasaktan dati because of a friend pero ngayon di ko malaman kung bakit ako nasasaktan. Alam ko naman na simula't sapul pa lang eh malabo na magustuhan ako ni Dan, na di na dapat ako nangarap na one day mamahalin din niya ako. Siguro nga ganun talaga pag nagmamahal. Once you loved someone, you tend to be irrational sometimes, that's why you tend to get hurt in the process.

People really become fools for love.

And I am one of them.

My Kind of StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon