(61) Calm Before The Storm

23 0 0
                                    

                  

Ilang araw nang busy si Mela sa mga requirements. Halos hindi na siya maabala ng pamilya niya. Kung minsan pa nga, nakakausap na lang niya ang mga ito pag kakain na. Beast mode na kasi talaga pag graduating ka. Right now, nag-inat inat ang dalaga after reviewhin ang kanilang thesis for their defense at lumabas ng kanyang lungga este kwarto pala para mag-meryenda. Nakita niyang kumakain din pala ang Ate Deedee nya kaya sumabay ito sa pag kain.


"Kailangan na ba mag-recharge?" ani ng ate nya.


"Yeah.."


Kumain na sila pareho and chatted while eating. Then natahimik sila for a bit, comfortable silence naman for Mela but for her sister...I don't think so.



"So...kamusta ka naman, MJ?" biglang tanong nito.



Napagusapan na naman nila ang status ng studies ni Mela before kaya malamang hindi yun ang tinutukoy ng ate niya. Like what I said before, bihira na niyang makausap or makakwentuhan ang pamilya nya including Ate Deedee lalo na sa mga personal na bagay. Meaning, wala pa siyang alam sa mga pinagdadaanan ng dalaga so...alam na! As much as possible, ayaw na munang isabay ni MJ ang usapang pag-ibig sa panahon ngayon. But then she knows that of all people, Deedee deserves to know the truth lalo na't Ate niya ito at makakatulong siya sa kung anumang pinagdadaanan nito.


"'Be, kabisado ko na kung ano ang expression mo between acads problem and personal problem. Sa nakikita ko, its not just about thesis and stuff. Halata na diyan sa haggardness mo."


Mela chuckled for a bit and smiled a little. She sighed and spilled to her sister everything that happened. Of course, sa sobrang pressure na nararamdaman niya right now, both studies and love, hindi na niya napigilang maiyak. Akala niya sapat na ang mga iniyak niya noong mga nakakaraan pero hindi pa pala. Hindi niya alam na nakikinig pala sa kanila ang parents nila pati si Nikki. Dahil dun, nilapitan si Mela ng kanyang nanay at niyakap. Sa lahat ng magkakapatid, si Mela kasi ang hindi masyadong palakwento sa pamilya. Kung may problema ito, hindi niya kagad sasabihin at kikimkimin lang niya hangga't kaya niya. Pero this time, hindi na niya kinaya so she bursted it out crying.


"MJ anak, bakit di ka nagsasalita tungkol dito?" biglang tanong ng mommy nya.


"I..I'm s-sorry, 'Me. Nahihiya kasi ako eh...lalo na't..a-ako ang may kasalanan."



"Ah, parang ganun na nga yun, ate."



"Nikki!" Suway ng nanay nila. Nag-peace sign na lang ang bunso sabay "Joke lang po! Nagpapatawa lang po." Napangiti naman kahit papano si Mela.



"Pero kasi...pakiramdam ko ang sama-sama ko! Pakiramdam ko...pinapaasa ko siya sa wala. Pumayag pa ako sa panliligaw niya without even thinking kung may pag-asa siya."



"Melanie.." panimula ng tatay niya "Hindi kasalanan ang maging sigurista sa pagmamahal. Anak, iyun nga ang purpose ng panliligaw. Ang magiging kasalanan mo ay kung hindi mo kagad sinabi ang totoo kaya tama lang ang ginawa mong pag-amin kay Dan."



"Anak, sagutin mo nga ako. Ano ba ang kinatatakutan mo? Ang masaktan ka sa pagpili mo o ang makasakit ka?"



Hindi makasagot si Mela kasi alam niyang parehong dahilan ang kanyang sagot. Hurt is a strong word for Mela. Dati na siyang nasaktan dahil iniwan siya and she told herself she will not do the same to anyone kasi alam niya kung ano ang pakiramdam ng maiwan. And now that alam niyang may isang tao siyang bibitawan, nasasaktan din siya kasi wala na siyang choice kundi ang gawin yun.



My Kind of StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon