Then I woke up.Hindi dahil sa alarm or sa ingay ng aso ng kapitbahay namin ako nagising.
It's about when THAT happened...
...or did THAT really happened?
Dati kasi, bigla na lang akong nagigising dahil sa panaginip ko. Pagkagising ko, iyun agad ang naaalala ko. Minsan nga alam ko nanaginip ako pero di ko na ma-describe in details ang panaginip ko. Kaya nga minsan di ko malaman kung nanaginip nga ba talaga ako o naiisip ko lang yun eh.
And I'm really confused right now.
Was THAT was just a dream or am I just thinking about it?
Dreamingof something that really happened or.....was it just one of my fantasies?
Wow, nag-level up na ang pagiging ilusyonada mo, Balagtas! Dati pinapangarap mo lang na naging close na kayo ni Dan pero ngayon naman nagtapat na sya sa'yo. #AbaMatinde! #DreamOnGirl! Hahaha!
Yeah, I dreamed or thought that Dan confessed to me on our college night last night.
Either of the two, it felt like a bitch slap on the face.
Kahit na gising na gising na ako ngayon, kailangan ko na ding magising sa katotohanan na hanggang childhood friends na lang kami ni Dan. Nasira na naman tuloy ang mood ko dahil dun sa katotohanan na yun so it's a bad morning for me. And no, I will not cry. Nakakainis lang kasi parang akong isang babae sa palabas nagpapaka-baliw sa isang lalaking alam kong di naman magiging akin. Nakaka-baba lang kasi ng tingin sa sarili.
Ugh! I hate dramas! >.<
At talaga nga namang dumagdag pa sa pagka-BV ko ang tumambad sa'kin na kanta pagkalabas ko ng banyo after kong maligo. Akala ko tuluyan nang mawawala ang BV ko after kong maligo yun pala hindi pa.
It's her hair and her eyes today
That just simply take me awayAte Deedee: Uy, nagpatugtog ako gamit yung Ipod mo ah. Pahiram! :D (busy sa Iphone)
Ako: Sige lang.
As much as gusto kong ihampas kay Ate Deedee yung pinakamamahal nyang Iphone, di ko na ginawa at bumalik na lang ako ulit sa kwarto para magbihis. Well, the song playing on the speakers is Stephen Speaks' 'Out of My League' which is yung kanta nung sinayaw ako ni Dan nung night na unfortunately ay panaginip lang pala or whatever. Pati tuloy ang kapatid ko nadadamay sa kabadtripan ko! Sorry Lord! :(
Habang nag-aayos ako, panay ang ilaw ng cellphone ko maybe because of the messages coming. Nung matapos ako, bigla na lang tumawag si Majoy.
Ako: Oh bakit? (with an annoyed voice)
M: Sungit ah! Sorry naman kung naistorbo kita sa pagtulog mo! Grabe it's lunchtime already, di ka pa gising?!
A: Kanina pa ako gising, katatapos ko lang maligo. Napatawag ka?
M: Details! Ano pa ba?!
A: Details ng ano?
M: Eh di kung ano ang pinagusapan nyo ni Dan last night! I mean kaninang umaga pala. Haha!
A: Eh di ayu- Sandali...Anong napagusapan?? W-What are you saying?
Ano bang sinasabi nitong babaeng 'to? Then naalala ko yung kinda-dream ko kanina that made my eyes widen in shock. Don't tell me totoo yun?!
Okay, chill ka lang MJ! Malay mo nababaliw lang yang kaibigan mo.
M: Woooo, ganyan naman kayo eh! Di na kasi namin kayo nakita after nyong mag-sayaw eh. Sa sobrang kilig namin, di na namin kayo nakita kung sa'n man kayo pumunta.
BINABASA MO ANG
My Kind of Story
ChickLitThey say the dearest person to you could lift you high up in the skies then drop you right off the ground. The story of our life. Even hers. And its up to her how she will battle that one out. ------------------ Gonna edit the whole thing but same p...