(33) Wet Market Commotion

66 1 0
                                    

Kain, aral, pahinga ang gawain ko this past few days. It's March already and ever since that fateful February night, parang nawalan ako ng gana sa lahat. It's like highschool all over again version 2.0 because this time iba na ang dahilan like what Sammy said. My bestfriends knew what happened so they were also upset... or more like amused especially Majoy.

"Hah! Kung maka-iyak ka dyan parang naging kayo ah! Buti sana kung pinaasa ka nya eh hindi naman."

Nakatikim ng isang hampas si Majoy dun, courtesy of Ara. Pero may point naman siya eh.

Ako lang ang umasa.

Lakas nga naman maka- Maybe This Time ng linyang yun ni Majoy. But then, that felt like a punch in the gut. So much for not being pathetic! Sa inaasta ko nga para kong girl na iniwan ng BF nya. So I fixed myself and tried living life the way it was even before all this complications came out. Come to think of it, dati normal naman ang buhay ko bago dumating sila Dan at Jake. I guess knowing them was a bad idea in the first place. So I busied myself with studies and being with my friends. Yun nga lang pag kasama nila Majoy at Ara ang mga boyfriend nila, I can't help but think of the times na kasama si Dan. Good thing kasama ko si Sammy during those not-so-good events.

Today is Saturday since walang pasok, I chose to just read a good book pamatay oras. I'm so engrossed on my reading when my dad disturbed me.

"MJ, kulang pala ng patatas at karot yung nabili ng Mame mo para sa ulam. Sumaglit ka nga sa palengke, bumili ka."

"Sige po, 'De"

Umalis na ko ng bahay pagkaabot ng perang pambili. Good thing malapit lang kami sa palengke. Nasa palengke na ako at konting kembot na lang at malapit na ako sa gulayan. Dahil may dumadaang sasakyan at makitid ang daan, napilitan akong huminto sa may tabi malapit sa mag-iisda at paraanin muna ang mga sasakyan. Saktong truck pa man din ang dadaan kaya mahirap-hirap na daanan 'to. Sa paghinto ko, napatingin ako sa kabilang bahagi ng daan kung nasaan ang hilera ng bigasan at mini-mart. Pero nakita ko ang isang di ko inaasahang tao sa isang mabaho at putikang palengke.

Si Jake.

The hell. Am I seeing things or was it really Jake? And FYI, hindi sya naka-porma ngayon because he's just wearing blue sleeveless shirt and cargo boardshorts. Goodness, simple at tama lang naman ang suot nya pero ba't parang may photoshoot dito sa itsura nya?! And we're in a wet market for crissakes! Walang-wala yung suot ng mga tao dito sa suot nya and damn it is so unfair! Okay na sana ang get-up nya kung hindi lang sya parang di mapakali habang may kausap sa cellphone nya at panay ang tingin sa paligid nya. He's like frustrated and...mad over something.

Naalala ko na naman ang huling pagkikita namin at ayokong masupladahan ulit so I better not cross his path. But how? Hindi ako makakapunta sa gulayan nang hindi ako dadaan sa harapan nya. Good Lord, what to do? Okay Mels, siguro naman di ka na nya makikita sa dami ng tao. Binilisan ko na lang ang paglalakad nang deretso, not minding yung mga nagtatalsikang putik sa bawat hakbang ko.

"Mela? Mela! Hey Mela!"

Tuloy lang sa lakad Mela. Goodness, lakas naman ng boses nito, hiyang-hiya yung mga tindera sa kanya! Tuloy lang ako sa lakad nang may humablot ng braso ko. And I think alam ko na kung sino 'to kaya naman napapikit ako sa inis. Why Lord, why??!

"Jake?!..what are you doing here?"

Shoot! Wag sanang pumalya acting skills ko sa pagkukunwaring shocked ako sa pagkikita namin. Game, Mels!

"Kanina pa kita tinatawag ah!"

"Ah, sorry! As you can see, maingay dito. I could barely hear kung may tumatawag man sakin."

My Kind of StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon