"See you soon!"Nung sinabi or should I say sinigaw nya yun, bigla syang inakbayan ng lalaking kasama at kinutusan as if nagbibiruan sila. Narinig ko pa ngang sinabi ng isa sa kanila na "The great Dan Torres strikes again!!" May sinabi pa yung mga kasama nya pero di ko na narinig kasi umalis na din sila. Nakangiti silang umalis noon.
And as if on cue nung lumabas sila Dan, dun lang din nagkantyawan at nag-ingay ang mga kaklase ko.
"Nuxx naman, Mela!"
"Tamis ah! Lakas pala!"
"See you soon!" ginaya pa yung boses ni Dan pero mukhang pilit.
"Yieee, ano yun ah?!"
"Uy wag kayong ganyan! Tingnan nyo si Mela mukha nang kamatis oh! Yiee!"
Umiling na lang ako habang nakangiti ng konti because seriously, nahihiya na ako kaya yumuko ako ng konti para puntahan sila Majoy at Ara. Feeling ko talaga ang pula ko na at sumobra ang init!!
M: Bes buti naalala mo pa kami. Kung di pa ata tinawag si Dan at di pa naghiyawan yung mga kaklase natin baka di mo pa kami mapansin!
Ar: Tama! Uyy, someone's got a moment there! Haba ng usapan ah!
A: Err, ano ba! Malamang friendly yung tao noh! Obviously.
M: Yeah right! Friendly. Alam mo bang sa sobrang FRIENDLY nya (diniin nya talaga yung FRIENDLY), para na kaming nanonood ng romantic movie sa ganda ng eksena nyo?! Kulang na lang popcorn para kumpleto na!
Ar: Yes bes! Ang cliché ng eksena, pang-movie ang peg! Inggit na inggit nga yung mga babae dito eh. Buti walang epal!
A: Sira! Quit those sh*ts! Hindi ito movie at lalong hindi Wattpad scene, okay!? Please lang!
M: Okay! Pero aminin mo kinilig or nasiyahan ka dun! Babatukan kita pag hindi!
Ar: Ano ba naman yan bes!! Sabi mo hindi 'to eksena sa mga chicklit novels/ story sa Wattpad eh ba't ka nagdedeny dyan gaya ng mga bidang babae?? Yung totoo?! Hindi ka kinilig??
Ugh, sumasakit ang ulo ko sa mga 'to!? Ano ba 'tong mga pinagsasasabi nila??! Wala pa kong sinasabi eh, makapagsalita tong mga 'to, kala mo parang mga inaapi sa telenovelang pandrama! Masagot na nga tong mga 'to baka hindi pa tumigil kadadada eh!
A: Bakit sino ba may sabi na nagde-deny ako?!
Natigilan sila sa sinabi ko, buti naman, at nagkatinginan. Tinaasan ko sila ng kilay at bumalik sila ng tingin sa akin. Still, their expression looks bewildered with what I said.
M & Ar: What?!
A: And I thought ako lang ang slow. (facepalm)
M: (binatukan ako) Ano nga yun?!
A: Aray naman bes! Ba't ba hapit ka dyan? Ano ba sinabi ko?!
Ar: Bes, paki-elaborate please. Yung sinabi mo kanina, what do you mean by that??
Si Majoy salubong na kilay, sign of impatience. Hay, wala na talagang pasensya tong babaeng to. Si Ara naman malapit na ding maubusan ng pasensya, konti na lang. Huminga ako ng malalim at sumagot.
A: What I mean to say is that I don't deny the fact na masaya ako, o sige kinilig na rin, at nakakwentuhan ko si Dan. Hindi lang nakita ah, nakakwentuhan pa! Happy?!
I rolled my eyes after uttering furiously my answer. Ganito kasi talaga ako pag naasar. Yes, sometimes I'm not showy pero pag ganitong naiinis ako I can't help but to show my irritated face. And that is by rolling my eyes. Nung sumagot ako, again, another deafening silence from the two of them..or so I thought. Kasi di ko namalayan na nasa room pa pala kami. Kahit na nagpa-dismiss ng maaga yung prof, may mangilan-ilan pa sa mga classmates namin ang nakatambay dito sa room at narinig ang usapan namin. Kaya naman nagsi-ngisihan yung mga nakarinig, ganun din sila Majoy. Di na sila nagsalita 'cause their smiles says it all. Ugh!
"Oh god! Guys tara na nga!" aya ko sa kanila at umalis na ko sa room. Nauna akong lumakad at sumunod sila pero nakangiti pa din sila. Di maka-get over?! Grabe!
---------------------------
Nakarating na kami't lahat dito sa tambayan naming na café pero di pa rin nawawala ang mga ngiti nung dalawa. Speechless pa ha!
A: Ano ba guys!? Magsalita nga kayo dyan! Para na kayong mga takas sa mental. Ngumingiti mag-isa?!
Ar: Eh kasi naman bes we're shocked pa din sa mala-press release mong sagot kanina. It's so kilig! Emergerd!!
M: At hoy bes! Di ka pa nagkekwento nung about sa kwentuhan portion nyo ni Dan! We need some story here, ye know!
Ar: Bes ilabas mo na yang kilig mo. Sige ka baka kung saan pa lumabas yan! Ikaw din!
Haayy...eto na nga at kinwento ko na yung napagkwentuhan namin or should I say mga pamatay na linya ni Dan kanina. At eto namang sila bes halos maglupasay na sa kilig. At nung nasa part na nung hiningi ni Dan yung number ko, nagwala na sila. Literally, with matching talon talon pa at tili!! Oh my god!
A: Hoy mag hunos dili nga kayo! Nakakahiya sa ibang customers! Hello, nasa café tayo!!(saway ko sa kanila habang hinihila ko sila paupo sa seats nila) Sorry po, sorry! (sabi ko sa mga nakapaligid samin)
M: Bes naman kasi! Wala na akong ma-say sa kwento mo! Ikaw na! Ansaveh ni Rapunzel sa haba ng hair mo?!
A: Oo na oo na! Kinilig na kung kinilig. As if namang the feeling is mutual, right?
M: Yeah right! Eto naman ang nega ever! At least kinuha nya number mo and vice versa. It's a good sign, diba diba?!
Ar: O-M-G bes! Malay mo yung paghingi nya ng number mo is a sign na it's time for you to have a BF na! And Dan is the lucky guy destined for you! Nuxx naman!
A: Pwede ba?! Ang paasa nyo! Ain't gonna happen.
M: Sige deny lang bes! Hooo, you're hopeless! Manang ka na talaga forever!
A: What?! I'm just stating the truth. Like I said before, I'm still contented with what we have. Tsaka guys REALITY, ring a bell?!
Ar: As if namang si Mario Maurer yang habol mo, teh! Wala ka na talagang chance. Eh si Dan lang naman yan eh, within reach na natin! Anuberhhh!
Hindi ko na lang sila sinagaot kasi alam ko namang ipagpipilitan lang nila yung 'what if' nila na yun. I admit na hiniling ko din na sana mangyari din sakin yung mga romantic scenes sa book or movie like sa case ko with Dan. Pero wala pa naman ako sa point na umasang mangyari yun. Was it wrong to live in reality than in fantasy? Di ba tama lang naman ang ginagawa ko? Yes, I admit I do admire Dan for what he is and I thank God for having met him. But to push my luck more and be his GF?! I don't think so! Ayan sa sobrang banas, napapa-english tuloy ako! Basta ayokong umasa! Period! While sipping my frappe, Majoy and Ara are talking about random things until they came up with their plans about sa Intramurals.
M: Eh di malamang manunuod lang tayo! Hello?! Unless na lang kung may sinalihan kayo na di ko alam?!
Ar: Asa! And while we're watching, boyhunt na rin tayo! Hihihi!
A: Gaga ka! Basta boys go agad! Baka nakaklimutan mo na may BF ka na!
M: Yeah! Feeling single 'to!
Ar: Excuse me noh! Hindi ko nakakalimutan yun! Titingin lang naman eh, as if namang ipagpapalit ko BF ko noh! Not a chance!
A: Tsss, sabi mo eh!
M: Oo na lang!
At umiling na lang kami at di na pinansin ang pagpapaliwanag ni Ara. Defensive?
BINABASA MO ANG
My Kind of Story
ChickLitThey say the dearest person to you could lift you high up in the skies then drop you right off the ground. The story of our life. Even hers. And its up to her how she will battle that one out. ------------------ Gonna edit the whole thing but same p...