Start na ng second semester and we've just enrolled last week. Just like in highschool, five days na ang pasok ko which is Monday to Friday. And just like every start ng semester, wala pang prof sa first day. So eto kami ngayon at tambay na naman kaming apat sa students' lounge. Actually, I'm bored. Wala kasing klase kaya wala akong magawa at wala akong balak mag-advance study. Sila Ara at Majoy naman may kanya-kanyang agenda: si Ara nagtetex malamang BF nya ang katex nya at si Majoy naman dala ang Ipad nya, nakiki-wifi dito sa lounge. Bale kami lang ni Sammy ang walang ginagawa.A: Hayyyy, bored na bored na ko, Sammyboy!
S: Yeah, kabagot nga eh! Gusto kong maglaro ng basketball! (sabay taas ng kamay na parang may ishoo-shoot na bola)
A: Tara game!
S: Weh, sanay ka?!
A: Oo... mag-cheer!
S: Sira! Haha!
M: Nag-upload na pala ng pics si Madam Roro nung Tagaytay trip nyo, bes. Kainggit, kainis!
A: Oh?! Patingin, bes!
Grabe si Madam ngayon lang nag-upload, abangers pa naman ako sa mga pics nung sembreak. Umawra na naman siguro ang bakla nung sembreak, at kung saan-saan na naman gumala. Sa sobrang tagal, di ko na muna binuksan ang FB ko baka sakaling lumitaw na ang pics. Eto na nga.
Ar: Wow, ang saya nyo siguro nyan! Kasama nyo ba naman ang tropa nyo eh! Na-miss ko tuloy yung mga dabarkads ko nung highschool!
S: Hahaha! Eh yung isa dito kawawa naman, sa bahay lang tumengga nung sembreak! Hahaha! xD
M: Shut up, Sammyboy! Kung ayaw mong lumipad tong Ipad ko sa mukha mo!
Kinuha ko na yung Ipad kay Majoy at tiningnan yung mga pics. Pati rin pala sila kuya Jas nag-upload na din. Woooo! May ipampapalit na akong profile picture at cover photo. I was still browsing the photos of our trip nang sumunod na lumitaw eh yung picture namin ni Jake. May kuha nga pala kaming ganito. Kaya naman biglang sumigaw si Ara.
Ar: KYAAAAHHHHH!! OMIGOD OMIGOD!
A: Ara Reese Alcantara, wag ka ngang sumigaw! Nakakabingi ah!
M & S: Bakit ano ba yun?!
Biglang inagaw sakin ni Ara yung Ipad at pinakita sa kanila. Hayyyynako! Big deal ba yun?! Duh, Mela! Si Ara yan na fan ni Jake, hello! Pinakita ni Ara yung pic na kilig na kilig with matching takip pa ng bibig. WTF?!
M: OMG, bes!! How in the world did you get a picture with Jake?! You said nung tumawag kami nung nasa Tagaytay ka na di siya kasama!
A: Eh nung tumawag kaya kayo, hindi talaga namin kasama si Jake. Malay ko bang susunod sya?! Kahit ako nagulat din eh.
Ar: G-R-R-R! I'm so inggit talaga! Ikaw na, Mela! Ikaw na nakasama si Jake sa Tagaytay! Ugh!
M: So care to explain this photo, bes?! You better explain this kundi puputulin ko na yang buhok mo sa haba!!
A: The eff!? Jusko, picture lang yan! Lahat ng tropa may picture with Jake, ba't yung akin lang ang bini-big deal nyo?!
S: Kasi the last time we talked about Jake, sukdulan ang galit mo sa kanya because of the kiss stint he did. Tapos ngayon, may picture ka pa kasama sya.
Ar: And take note, sa BEWANG mo sya nakahawak! Ansaveh nung pose nyo na yun ah?!
M: Don't mind what Ara said. Sammy's right, what's the story behind your photo with Jake?
BINABASA MO ANG
My Kind of Story
ChickLitThey say the dearest person to you could lift you high up in the skies then drop you right off the ground. The story of our life. Even hers. And its up to her how she will battle that one out. ------------------ Gonna edit the whole thing but same p...