(18) Den-den and Em-em

38 0 0
                                    


Pumasok ako sa klase na busangot ang mukha ko. Bad trip talaga yung Jake na yun! Ganda na ng pasok ng umaga ko because of Dan tapos mawawala lang dahil sa kanya. And WTF!! Muntikan nang mawala ang first kiss ko dahil sa kalokohan nya. Kupal talaga ever! Gano ba kalaki ang kasalanan ko sa past life ko at super naman ata akong pinarurusahan ng ganito ngayon? Simple lang naman akong tao, tahimik pero ba't ganito?! Gusto ko nang umiyak so sobrang frustration ko sa lalaking yun pero ayoko namang umagaw ng eksena dito sa klase. Lord, please give me strength!

So eto nga dahil bad mood ako, hindi ko pinansin sila Ara at Majoy na super lapad na ngiti ang bati sakin pagkapasok na pagkapasok ko. Nawala bigla ang ngiti nila nung hindi ko sila pinansin. Iba na kasi ang naaalala ko sa mga malalapad na ngiti na yan eh, putik! Napansin siguro nila na wala ako sa mood kaya hindi na nila ako kinulit at dahil na rin sa pagpasok ng prof namin. Buti naman at nakahalata sila dahil wala ako sa mood. Nakinig na lang ako sa prof dahil major 'to at kailangan kong mag-focus.



Natapos ang klase namin na medyo okay na mood ko. Free cut daw dahil nagtex ang next prof namin na di raw sya dadating kaya maaga kaming uuwi ngayon. Kahit papano na-distract yung thoughts ko ng mga lessons namin ngayon kaya um-okay na ang kalooban ko. Kaya nilapitan na ako nila Majoy at Ara.

"So ano okay ka na ba?" tanong sakin ni Majoy na nakpamewang pa.

"Yeah, medyo okay na." I smiled a little.

"Grabe bes, ganda ng bati namin sayo kanina tapos na-snob ang beauty namin! Anyare ba?!" gatong ni Ara.

"Haayy, I'm just not in the mood kanina kaya ako snob. Sorry, bes."

"Uhmm, okay. Sige tara mag-mall na lang tayo, pampawala ng bad vibes na yan. Taralets!" aya samin ni Majoy habang naka-akbay sakin sa leeg.

"Yes, let's! Tapos tsaka mo i-chika samin pag okay ka na, okie?!" sabi naman ni Ara habang naka-kalong sa braso ko.

"Hep! Wala ako sa mood maggala sa mall eh. Bili na lang tayo ng food tapos samin na lang tayo. Please?!"

"Game!" sabay nilang sabi.

Thank God for giving me these girls as bestfriends! Wala kasi talaga ako sa mood pumunta sa mall today dahil ewan ko ba. Nawala bigla sigla ko dahil sa kupal na yun and his stint kanina. Lakas talaga manira ng araw! So ito kababa lang namin ng stairs at naglalakad na palabas ng building nang may tumawag samin.

"MELA! MAJOY! ARA!"

"Who's that, bundat?! Makasigaw ah." sabi ni Ara while searching dun sa taong sumigaw.

I just shrugged at tumingin-tingin sa paligid and I found dun sa likuran namin si Sammy na tumatakbo papunta samin, all smiles.

"Uy, Sammy boy! Makasigaw parang wala nang bukas ah!" bati ni Majoy sabay suntok ng mahina sa braso ni Sammy.

"Oo nga! O wala ka bang klase ngayon?!" tanong ko

"Free cut namin eh. Dito kami magro-room pero di daw makarating prof namin. Then nakita ko kayo." masiglang sagot ni Sammy.

"Ayos! Sama ka samin, bibili lang kami meryenda then punta kami kela Mela. Tara?!" aya sa kanya ni Ara.

"Sure ba! Game ako dyan! Yes, makakapunta na rin ako sa bahay mo, Mela. Niiiceee!"

"Tsss, kaya ka napapagkamalang gay eh! Sama ka nang sama samin!" pagjo-joke ko sa kanya.

"Gusto mong mapatunayan ko ng di oras sa inyo pagkalalaki ko ha?! Sino sa inyo sasampolan ko ng kiss dyan?!"

My Kind of StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon