Chapter 3

2.8K 86 152
                                    

Patricio P.O.V

Hinahaplos ko ang buhok ni Grethel, nakatulog sya kakaiyak. She keeps saying that she saw Meggay but Meggay is already dead. I let out a heavy sigh.

"'Wag mo nang alalahanin ang patay na tao, dahil hindi nabubuhay ang mga patay," I whispered while looking at her innocent face. Tama naman ako, hindi na sila babalik, habang buhay na silang mananatiling patay.

Nagulat ako ng lumakas ang hangin, Halos nagtayuan ang mga balahibo ko. Dali dali akong humiga at natulog dahil sa takot.

Nagising ako sa sinag ng araw kaya bumangon na agad ako at pumasok sa banyo. Nang makapagbihis ng uniform ay dumiretso na ako sa kusina. I saw Grethel with a wide smile again while taking care of Hannah, like nothing happened at all.

"Eat this! Magiging healthy ka dito dali,  Baby," Grethel said and Hannah just pouted.

"Mama, ayoko po maging healthy. I like lollipops po!"

"Mama will buy you a lot of lollipops, if you eat this," Grethel said so Hannah immediately ate the vegetables.  I smiled with the scene.

"Hon! Good morning!" mabilis na bati ni Grethel at hinalikan ako sa pisngi.

"Morning, Dada." Hannah greeted me too.

"Good morning din, baby." I greeted back and sat. Pinaghain naman ako ni Grethel, I keep looking at her. Kung si Meggay ba ang napangasawa ko ay magiging masaya ako ngayon?

Ngumiti naman si Grethel at sabay na kaming kumain. Hanggang matapos ang pagkain ay laman pa rin 'yon ng isip ko at pati sa pagpasok ko.

"Kung hindi lang nabuo si Hannah," I whispered and rubbed the back of my head. It's messing me up again, hearing Meggay's name.

"Anong hindi nabuo si Hannah?" I bolted away when I heard Savannah's voice. I didn't even hear her footsteps!

"Huh? Wala!"

"Kung hindi mo lang nabuo si Hannah, E 'di sana masaya kayo ni Meggay ngayon." sarkastikong wika niya bago umalis. Halatang galit na galit siya sa akin.

Same, matagal ko na 'yan iniisip, Savannah. You don't have to tell me that again.

Pumasok ako sa office ko at nag-check pa ng ibang papeles. Meggay's name just messes everything up to me. I live without thinking of her.

"Engineer Morgan," someone called me, so I looked up and stood up.

It's Calvin.

"Nakabalik ka na pala."

"Yeah, I stopped finding the killer," sagot ni Calvin sa akin. Ang tagal na rin niya nawala dahil siguro ayaw niyang tumigil kakahanap ng pumatay kay Meggay.

"'Wag mo nang hanapin ang pumatay. Anim na taon ng patay si Meggay," saad ko sa kanya. He suddenly raised his middle finger, his eyes became sharp.

"Palibhasa, wala kang pake sa pumatay kay Meggay. Baka nga gustong gusto mo siyang mawala para mabuo niyo ng maayos ang walang kwenta niyong pamilya." Calvin said so I grabbed his collar. Gusto niya si Meggay, how dare him and now he's insulting my family?!

He just smirked at me. "Why totoo naman 'di ba? Noong nailibing si Meggay ay hindi ka tumulong hanapin ang pumatay sa kanya, dahil nga honeymoon niyo ng asawa mo," sarkastikong saad niya at nakatingin sa akin na parang mino-mock ako.

"Pinagloloko mo ba ako, Calvin?! Patay na 'yung tao, alangan siya unahin k-" Napatigil ako, nang malakas niya akong hablutin at sinuntok mg malakas. Napaupo ako sa sahig dahil sa sakit, napahawak ako sa panga ko. Ang lakas nang pagkakasuntok niya sa akin. He just smirked.

The Hiding Mafia's Book 2 of The Secret Mafia Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon