Meggay's P.O.V
"Congrats sa bagong kasal! Maraming anak ang naghihintay sa atin!" malakas na sigaw ni Savannah habang umiinom ng champagne.
Habang si Phoebe naman ay nakaupo lang dahil due na siguro bukas, pinigilan namin na wag na pumunta pero sabi niya pag hindi siya pumunta ay mababaog ako, hinayaan niya na lang siya ni Caelum, pero nakabantay.
Kausap ni Ken si Kevin at kami lang ni Ate ang nakaupo.
Patricio is here too, Kinausap ko siya na 'wag niya na dapat sisihin pa ang sarili niya sa mga nangyari noon.
Akala ko noon ay mawawala na ako, Akala ko ay hindi na ako makakaligtas pero salamat sa Ate kong tumulong sa akin sa lahat.
"Bigayan na ng message sa ating mga bagong kasal!" sigaw na naman ni Savannah kaya natawa ako. Ang lakas pa rin ng boses niya. Built in ata ang speaker sa lalamunan.
"Ako mauuna!" sigaw ni Phoebe at binaba ang hawak nitong gatas, Bawal siya uminom nang champagne eh. Inalalayan siya ni Caelum patungo sa stage.
"Since, eto na ang araw ng kasal niyo and I'm really happy to the both of you!Finally for years without happiness and full of pain. Gusto ko lang sabihin na hindi ako magsasawang mag-sorry sa inyo. Sa lahat nang nagawa ko sa inyo ni Meggan. Alam kong napatawad niyo na ako pero gusto ko pa rin mag-sorry. You mean a lot to me, Meggay. Ikaw ang naging sandalan ko sa lahat at gano'n din kay Meggan, sinamahan niya rin ako sa mga oras na kailangan ko nang sandalan kaya salamat sa lahat, sana ay maging masaya kayo sa mga tatahakin niyong lugar. Hindi sa lahat nang oras ay magiging masaya ang pagsasama niyo pero 'wag niyong iwanan ang bawat isa, Mahal na mahal ko kayo!" wika niya at nagpaalalay uli kay Caelum para sa pag baba.
Napapunas naman ako sa mata ko na siyang muntikan nang umiyak. It's so sincere.
"Next is from Patricio Morgan!" wika muli ni Savannah. Tumayo naman si Patricio mula sa upuan at dumiretso sa stage.
"Ahm, hindi ko alam saan ako magsisimula." Ngumisi pa siya saglit. "Masaya ako para sa'yo, Meggay. At mas gusto ko 'yon, ayokong ako ang makatuluyan mo." Tumawa pa siya saglit bago muling nagsalita. "Kung ako ang makakatuluyan mo ay parehas lang natin masasaktan ang isa't isa at 'yon ang ayoko. Nang dahil sa akin ay nasaktan ka nang sobra, Nabuhay ka nang puno nang paghihigante at ayokong maranasan mo muli iyon sa akin. Masaya ako dahil nandiyan si Ken para alagaan ka, para samahan ka, dahil hindi ko kaya ang mga nagawa niya na para sa'yo Hindi kita kayang pasayahin, pero ngayon na napatawad ko na ang sarili ko sa lahat ay oras ko na rin para maging masaya. Lahat tayo ay kailangan nang kasiyahan, Sana ay lagi niyong maging sandalan ang isa't isa, Sana sa bawat pupuntahan niyo ay palagi kayong mag kasama. 'Wag niyong sasaktan ang isa't isa. Masaya ako at nakilala ko kayong lahat." Ngumiti siya nang mapait kaya patuloy ko lang siyang pinanood.
"Minsan lang dumating ang kasiyahan kaya sulitin niyo na dahil hindi niyo alam kung kailan iyon mawawala, Iyon lamang," wika niya at bumaba. Tumingin sya sa akin kaya nginitian ko sya, I mouthed 'Thank you for everything'.
He once became my home and my comfort, so I'm thankful.
"And, next we have is Olivia, tungaw!" Lahat nagsitawanan nang batuhin ni Olivia si Savannah.
"Siraulo ka," wika niya at umakyat sa stage.
"'Wag kang iiyak, Meggay, ah?! Pag umiyak akin na 'yong cake mo." Panloloko niya pero tumikhim siya. "Sa mga nagdaan na taon wala tayong ibang ginawa kung hindi saktan ang ating mga sarili, saktan ang bawat isa, pero natutunan din natin ang magpatawad sa isa't isa. Masaya ako dahil ngayon ay masaya na tayo, Masaya na tayo sa mga asawa natin o sa mga nakilala natin. Masaya din ako para sa'yo, Meggay, alam kong ang daming nangyari. Alam kong nasasaktan ka sa mga bawat taon na dumadaan at dahil na rin iyon sa mga nangyari sa'yo. Pero nagpapasalamat ako dahil napatawad mo na kami, Akala ko ay hindi mo na kami mapapatawad pero ikaw pa rin 'yong pinakamalambot sa atin, Masaya ako para kay Pareng Ken. Akalain mo 'yon taga-alaga ka lang ng pasyente noon tapos ngayon si Meggay na ang pasyente mo ngayon, charot! Lagi niyong tatandaan na kahit sino ang magwasak nang relationship niyo ay 'wag niyong hahayaan mangyari 'yon. Kapag may nagwasak sa relation niyo tawagan niyo lang ako, Babarilin ko sa ulo para sa inyo!" Tumawa lahat nang sabihin niya iyon.
"Halah! Ako ata 'yong pinakamahabang nasabi dito! Kahit saan talaga madaldal ako! Mahal na mahal kita, Meggay!" sigaw niya at bumaba, Lahat ay tumawa nang malakas.
"Let's toss every one! Ibibigay ko na lang 'yong mensahe ko sa'yo mamaya, Meggay. Nahihiya ako eh." Ngumisi siya at itinaas ang wine glass.
"Cheers sa mga bagong kasal!" sigaw nilang lahat at kasabay no'n ang mga makukulay na paputok. Nagulat ako nang may maglahad nang kamay sa harap ko, kaya napaangat ang tingin ko.
Ang asawa ko pala.
"Let's watch the fireworks together." Ngumiti siya kaya inabot ko ang kamay ko sa kanya. Tumayo kami at parehas tumingin sa langit.
Lahat ay nanonood nang fireworks. Napangiti ako nang halikan ako ni Ken sa noo.
Sabihin na natin na kahit sino ang mauna ay maaring ring hindi maging huli.
"Mahal na mahal kita, Meggay," wika niya kaya yumakap ako sa kanya.
"Mahal na mahal din kita."
"Gusto ko sampo ang magiging anak noyo!" Narinig kong sigaw ni Savannah kaya natawa ako.
"Gagong 'to! Anong akala mo sa matres ko, ha!"
"E di si Meggan na lang ang sampong anak at lahat kamukha ni Kevin!" sigaw ulit ni Savannah, kaya natawa ako.
"Magkamukha kami ni Kevin." Ken said flatly. Tumawa silang lahat dahil sa sinabi ni Ken.
Everyone is happy, that's all matters to me.
"I'm happy to be with you, Ken." I whispered, Nakita ko kung paano tumaas ang sulok nang labi ni Ken.
"Masaya rin ako dahil ikaw ang nakatuluyan ko." Nakangiti niyang saad.
I guess this is what you call meant to be.
Hindi natin malalaman kung sino ang makakatuluyan natin sa huli.
Kahit anong sakit ang mararanasan natin ay magiging masaya at magiging maayos din tayo. Don't forget to be happy because our life is short.
May isang taong nakalaan sa atin at siguro eto na 'yon. Let's grab all the chances to make our self happy.
And I'm happy to be with my boy.
And I guess, I'm Meggay Minx Foreister and this is the end of my journey.

BINABASA MO ANG
The Hiding Mafia's Book 2 of The Secret Mafia
Mystery / ThrillerFor my sister Meggay. "Good day, everyone. My name is MEGGAN MINX FOREISTER and I'm the twin of the late head architect Meggay Minx Foreister and I'm the new Head Architect." Tumalim ang mga mata nito sa amin. "Meggay... is fucking dead and all of y...