Caelum's P.O.V
Natulos ako at nabingi, hindi ko magawang gumalaw sa narinig ko. I feel like everything just crushed me.
"Hindi kumapit ang bata, Sir. Hindi niya nagawang mag-survive sa sapupunan ni Ms. Phoebe," tuloy tuloy na saad ng Doctor. Hindi ko magawang sumagot dahil pinompyang ako sa narinig ko.
"Lalo't stress si Ms. Phoebe, nakaka-apekto ito sa bata iyon, kaya hindi nagawang lumaban ng bata dahil hindi rin nagawang ipaglaban ni Ms. Phoebe ang anak niya. Pasensya na kayo, Sir. Ginawa ko naman po ang lahat."
Parang bumagsak lahat ng sakit sa'kin, I start crying and broke down into the floor. My child died in her own womb.
Napatakip ako sa buong mukha ko, hindi lang ako masasaktan dito kung hindi pati si Phoebe, sisihin niya ang sarili niya at hindi ko alam kung anong mangyayare sa kanya.
"Paano na si Phoebe?"
"I didn't protect my baby."
Naramdaman ko rin ang pagkulo ng dugo ko, kaya dali-dali akong pumunta sa kwarto ni Savannah pero wala na ro'n ang mga hinayupak!
"Nasaan siya!" sigaw ko.
"What happen?" nag-alalang tanong ni Savannah at pilit tumayo para daluhan ako.
"Ang anak namin, patay na..." nanlulumong wika ko kasabay no'n ang luha sa mata ko.
Napatakip ng bibig si Savannah, hindi siya makapagsalita gano'n din si Kyle na nagulat sa sinabi ko.
"Hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ko alam paano ko sasabihin 'to kay Phoebe," saad ko, nanghina ako at bumagsak sa lupa.
"Oh, god," naiusal na lang ni Savannah.
Kumuyom ang kamao ko at tumingin sa kisame para hindi pumatak ang luha muli.
"I'm sorry for your lost, Caelum," saad ni Kyle.
"Paano na ang gagawin ko?"
"Kumalma ka muna, Caelum. Tutulungan ka namin," saad ni Savannah. Biglang bumukas ang pinto at niluwal ang isang babaeng nurse.
"Sir, si Ms. Phoebe po ay nasa private room na," saad ng Nurse, tumango ako bilang sagot. Umalis ang nurse after noon.
"Pupunta muna ako ro'n," paalam ko at naglakad patungo sa kwarto ni Phoebe.
Nakita ko ang pagod sa katawan mukha niya, mahimbing ang tulog niya. Hinawakan ko ang kamay niya at hinaplos ang buhok niya.
"I'm sorry, Baby," saad ko at hinalikan siya sa noo.
Kusang tumulo na rin ang luha sa mata ko, dahil gusto ko na magkaroon ng anak pero ayaw pa siguro nang Diyos 'yon sa amin.
Dahil siguro marami pang problemang darating.
Meggan's P.O.V
Hindi ko magawang maglakad dahil sa sinabi ng doctor, pinanood ko lang si Caelum na umiyak. Pinanood ko lang siya hanggang umalis dito sa OR.
"Paano na si Phoebe?" bulong ko at naglakad patungo sa opisina ni Ken.
"Masama ata ang timpla mo ngayon," walang emosyon na wika niya bago tumingin muli sa Chart.
"Wala na ang anak ni Phoebe," saad ko, napatigil naman siya at tiningnan ako.
"Sinakal niya si Olivia kanina at natulak ata siya ni River nang bahagya at ayon lumabas ang dugo sa matres niya," dagdag ko, nangalumbaba siyang tumingin sa akin.
"Kakapit ang bata kung hindi stress si Phoebe, isang beses pa lang siya dinugo "di ba?" tanong niya kaya tumango ako.
"Tinulak lang siya nang bahagya ni River na iyon pero maari siyang duguin do'n, kakapit din ang bata kung ganon."
BINABASA MO ANG
The Hiding Mafia's Book 2 of The Secret Mafia
Mystery / ThrillerFor my sister Meggay. "Good day, everyone. My name is MEGGAN MINX FOREISTER and I'm the twin of the late head architect Meggay Minx Foreister and I'm the new Head Architect." Tumalim ang mga mata nito sa amin. "Meggay... is fucking dead and all of y...