Chapter 56

2.1K 80 55
                                    

Savannah's P.O.V

Napadilat ako ngunit hindi ko inaasahan kung nasaan ako. Malawak na swimming pool pero walang laman at kami ang nandoon. Lahat kami ay nakatali nang mahigpit sa upuan.

Wala pa ring malay si Olivia at si Phoebe ay nakayuko lang. Malalim ang swimming pool na ito pero bakit kami nandito?

"Oh! Good morning! How's your dream, Savannah?" rinig kong wika nang taong akala ko ay napatawad na kami.

Meggay.

"Bakit kami nandito?"

Hawak niya ang isang buko juice at sumimsim roon. Biglang pumasok ang realization sa'kin, lahat 'to ay plano niya?

"Plinano mo ba 'to?! Kaya mo ba kami pinapunta sa Bar nang Kuya mo dahil ito ang binabalak mo?!" sigaw ko sa kanya.

"Tama ka plano ko 'to." Napatigil ako nang sambitin niya ang mga iyon. My heart starts to break into pieces.

"What the fuck?! Nasaan ako?!" Napatingin ako kay Olivia na siyang gising na, nagising na din si Phoebe.

Umupo si Meggay malapit sa dulo nang swimming pool para makita pa namin siya lalo, nakasuot siya ng hat.

"Meggay, paalisin mo kami rito!" sigaw ni Phoebe.

Hindi ko na marinig ang iba nilang sinasabi dahil ramdam ko ang paninigas nang buong katawan ko. Plinano niya ang lahat nang 'to? Para gumanti?

Hindi ako makahinga dahil unti-unting nawawarak ang puso ko, nasasaktan ako sa mga nangyayari.

Nagtiwala ako kay Meggay pero bakit ganito? Akala ko hindi na siya galit.

How was it, Savannah? Did the backfired killed you too?

Ramdam ko rin ang pag tulo nang luha sa mga mata ko, napatingin ako kay Meggay na siyang na sa'kin ang mga mata niya.

Nakita ko ang maliit na pag-awang ng labi niya dahil nakita nyang may luha ako sa mata.

Awa... Nakikita ko iyon sa mga mata niya ngunit natatakpan lamang iyon ng sakit at galit na nararamdaman niya sa amin.

Wala na ba talaga? Hindi na ba talaga pwedeng ibalik pa sa dati ang lahat? Hanggang dito na lamang ba talaga kami? Hanggang dito na lamang ba ang pagkakaibigan namin?

"Bakit? Bakit hindi na pwede?" Naiusal ko kaya lahat sila ay napatigil nang sambitin ko iyon.

"Bakit hindi na pwedeng magka-kaibigan na lamang tayo?!" sigaw na tanong ko kay Meggay.

"Dahil masasaktan lamang natin ang isa't isa." Sumimsim muli siya sa buko juice bago tumingin sa'kin nang maigi.

"Dahil ayoko na makipag kaibigan sa taong sinasaksak ako sa likod. Nagtiwala ako sa inyo! Nagtiwala akong mahal niyo talaga ako bilang kaibigan niyo, pero gayon din pala... Ginamit niyo lang pala talaga ako." Unti-unting bumagsak na naman ang luha sa mga mata ko.

Nagbigay siya nang tiwala ngunit sinira namin iyon...

Kumuyom ang mga kamao niya na animo'y pinipigilan niya ang sarili nyang umiyak. Naghahalo halo ang emosyon.

"Akala ko kaibigan niyo 'ko... Pero kailangan niyo lang pala ako."

"I'm so sorry," usal ko at yumuko. I know what we did to her, using her money mula High school.

"May mga bagay na hindi mo mapapatawad, Savannah. There are things that sorry cannot fix," sagot niya sa'kin.

"Sorry doesn't fix everything, but saying sorry could be a start to fix some things." I said while looking at her eyes. Nakipagtitigan siya sa akin at kalaunan ay siya ang kusang umiwas nang tingin.

"Nasaan ang mga asawa namin?!" dinig kong tanong ni Phoebe kaya lumingon si Meggay kay Phoebe.

"Ligtas sila 'wag kang mag-alala, Phoebe." Napako ang tingin ko kay Phoebe na siyang natigilan dahil ba iyon sa pag tawag ni Meggay sa kanya nang Phoebe at hinde Ivory?

"I'm sick of your face--"

"Eto na ba 'yon? Eto na ba ang kabayaran nang mga ginawa namin sa'yo, Meggay?" naiusal ni Olivia, natigilan man si Meggay ay tumawa rin siya.

"Siguro? I lost everything because of all you and I'm sick of your faces," wika niya at may pinindot na button. Biglang umagos ang kulay pulang tubig sa loob nang swimming pool.

Umawang ang labi ko. Lulunurin niya ba kami?

Pinanood namin kung paano dumami ang pulang tubig sa loob nang swimming pool.

Hindi ko na rin maibuka ang bibig ko upang humingi nang tawad, dahil alam kong wala rin mangyayari pa ro'n. A single sorry cannot fix the damage that has been done for so many years.

Hindi ko rin magawang alisin ang tali dahil sa higpit non. Umabot na ang tubig sa binti namin.

"Meggay! I have a child please spare me... Give us another chance!" sgaw ni Olivia.

Napatitig sa kanya si Meggay at bahagyang natawa nang mapait. Nakita ko ang sakit sa mga mata niya nang marinig ang salitang Child.

"A child?" Huminga siya nang malalim at tumawa nang mapakla.

"I wonder... Why I lost my child?!" sigaw nito na nagpatigil sa aming lahat. My mouth hang open, she's pregnant... Six years ago? My eyes completely widened.

She did not only grieve from the pain that Patricio caused to her, and the pain that we caused to her; but she also grieve from the pain from losing her child. We only not killed her, we murdered her.

"I lost my child because of you! I lost everything!" Hindi ko magawang magsalita dahil nararamdaman ko ang sakit sa boses niya.

Hindi lang pala si Phoebe ang nawalan nang anak... pati rin si Meggay.

"Dahil sa pagkaka-coma ko ay hindi nagawang iligtas ang anak ko... Ano bang ginawa ko para maranasan ang lahat nang sakit na 'yon?! Ano bang ginawa kong mali para maranasan ang lahat nang 'to?" Tumawa siya nang mapakla na nauwi sa luhang pumapatak sa mga mata nya.

She broked down in front of us.

"Bakit ang sakit sakit? Bakit ang sakit sakit nang dahil lang sa pagmamahal ay nawala ako sa sarili ko? I lost everything because of love!" bumagsak siya sa sahig habang umiiyak.

Hindi ko magawang magalit sa kanya dahil alam kong napakasakit nang mga naranasan niya.

Umabot na ang tubig sa dibdib namin, ngunit ang mga mata namin ay na kay Meggay na siyang umiiyak pa rin.

Bigla rin tumigil ang agos nang tubig kaya napaangat ang tingin ko kay Meggay na siyang nagpatigil nang agos nang tubig.

"Phase 4," walang emosyong wika niya at umalis.

Nawala ang tubig ngunit may dumating na mga kalalakihan para kuhanin kaming tatlo. Dinala niya kami sa tunnel ngunit napakaraming butas.

Nakita ko si Meggay na nasa harapan nang tunnel.

"This is my tunnel, kapag nagawa niyong makaalis dito ay makikita niyo ang mga asawa niyo sa labas nang tunnel," panimula niya at wala pa rin siyang expression.

"Makikita niyo rin do'n ang anak mo Olivia, Kapatid ni Savannah na si Saito." Nanlaki ang mata ko... How?! Hindi ba't nasa London si Saito?!

"Kapag nakalabas kayo rito ay bibigyan ko kayo nang panibagong chance para simulan muli ang pagkakaibigan natin." Lumiwanag ang mukha namin at umawang ang labi ko.

"May mga pagkain kayong makikita sa iba't ibang tunnel para bigyan nang pagkain ang mga tyan niyo," dagdag niya ngunit hindi ko magawang makinig.

"May nag-iisang pinto para makaalis kayo nang tunnel. Only one can survive."

Ang tanging nasa isip ko ay ang chance na ibibigay niya para sa amin kapag nakalabas kami dito.

A chance.

The Hiding Mafia's Book 2 of The Secret Mafia Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon