Chapter 39

1.8K 63 43
                                        

Warning: Trigger and harm.

Meggan's P.O.V

"Why did you killed my Sister?!"

"I was jealous of her," sagot ni Olivia habang nakayuko. Tumaas ang kilay ko sa narinig ko. What the fuck?

"I killed Meggay because I was jealous of her!" sigaw niya. "Are you happy now?! It's been so many years na! Tapos na!"

Nag-init ang buong ulo ko sa narinig ko at gusto na lang iputok sa ulo niya ang bala ng baril ko.

"Dahil lang nagseselos ka?" hindi makapaniwalang tanong ni Savannah. She looks like she want to laugh because of it, baka siya pa ang magpaputok nitong baril kay Olivia.

Don't let the monsters make you monster, Meggan.

Narinig ko na naman ang sinabi ni Kevin sa'kin kagabi. How can I stay sane, knowing this piece of crap killed my sister?

Tinanggal ko ang baril na nakatutok sa ulo niya at pinutok 'yon sa pader, lahat sila ay nagulat sa ginawa ko.

"Tanginang reasons 'yan, Olivia! Bobo ka ba?!" sigaw ko, umiyak na lang siya nang malakas.

Ilang beses kong pinutok ang bala ng baril sa pader dahil sa galit na nararamdaman ko ngayon, naubos ko na ang bala nang baril at binagsak na lang sa lupa ang baril. I'm so mad, I'm so fucking mad.

"Tinatanong kita, Olivia. Bobo ka ba? Nagfu-function pa ba 'yang utak mo, Olivia?! Tangina, sumagot ka!" sigaw ko sa kanya, lahat sila ay naging tahimik dahil sa pag sigaw ko.

Nauubos na ang pasensya ko sa kanila! Ubos na ubos na!

"Nagselos ako, oo! Pero hindi ko magagawa 'yon sa kanya!" sigaw niya at umiyak ng umiyak.

"Kitang kita sa video, tangina! Ikaw! Ikaw ang bumaril sa kakambal ko!" sigaw ko sa sobrang galit, hinablot ko ang kwelyo niya at tiningnan siya.

"Bitawan mo ang asawa ko,"mariing utos ni River pero hindi ko siya pinakinggan, namumuo na ang galit sa dibdib ko.

"Pinagseselosan mo ang taong tumulong sa'yo! Tangina!"

"Immature ka ba?! Bata ka ba at ganyan ka mag isip?! Naagawan ka ba ng candy?! Dahil sa selos ay nagawa mong pumatay ng inosente!" sigaw ko, hindi ako umiiyak dahil ayokong ipakita sa kanya na mahina ako.

"Hindi ko siya pinatay! Buhay si Meggay! Nagpakita siya sa'min!" sigaw nito kaya napatigil ako saglit pero nakabawi rin.

"Tangina, ako ang kaharap mo, Olivia, hindi ang kapatid ko!" sigaw ko sa kanya at sinampal siya. "Mag bilang ka na ng mga araw mo dahil ipapakita ko sa'yo kung sino ang dapat mong katakutan!"

"Please, hindi ko ginawa 'yon," nagmamakaawang saad niya habang hawak ang binti ko. "Maniwala ka sa akin."

"Mararamdaman mo ang sakit nang pagkawala ng taong mahahalaga sa'yo! Pupuntiryahin kita!" asik ko.

Galit na galit ang puso ko at gusto 'ko silang pataying lahat, pero hindi ko magawa... Ayoko maging demonyo tulad nila... It will make me monster.

"Tangina naman, Olivia," bulong ni Phoebe, nakahawak siya sa tyan niya, nakadantay lang si Caelum sa kanya.

Tumayo si Phoebe at sinugod si Olivia, sinampal niya ito nang malakas. Tumaas ang kilay ko ngunit hinayaan ko lang sila.

"Putangina mo mangagamit ka!" nangangalaiti nitong sigaw kay Olivia, pinanood ko lang sila dahil ayoko na pagod na ako. Pagod na pagod ako.

"Wala kang kwentang kaibigan!" sigaw niya at sinampal muli si Olivia.

"Phoebe," awat ni Caelum sa kanya pero patuloy pa rin si Phoebe sa pananampal kay Olivia. Olivia's face was messed up.

"Masaya ka na! Wala na ang kinaseselosan mong babae! Hindi mo na tinuring na kaibigan! Ginamit mo pa at hindi ka pa natuwa ay pinatay mo pa si Meggay! Gago ka!" sigaw ni Phoebe. She looks like... Other people right now.

Walang imik si Savannah pero malamig ang tingin niya kay Olivia. Sumandal lang ako sa pader at pinanood sila.

Nagulat silang lahat nang sakalin ni Phoebe si Olivia, walang reaksyon lang akong tumingin sa kanila.

"Bitawan mo ang asawa ko!" asik ni river at pilit tinanggal ang kamay ni Phoebe sa leeg ni Olivia.

Pero hindi sila makapaniwala sa mga sumunod na pangyayari, bumagsak si Phoebe sa lupa at kasabay no'n ang mga dugo galing sa matres niya. I tilted my head.

"Aray!" sigaw ni Phoebe habang namimilipit sa sakit.

"Tumawag kayo ng nurse!" sigaw ni Caelum.

"Ang anak ko!" sigaw ni Phoebe. Pumasok bigla ang mga nurse at kasama na ro'n ang babaeng doctor.

"Put her in the strecher," utos ng babaeng doctor. "Dalhin niyo sa OR!"

Nakayuko lang si Olivia at umiyak nang umiyak.

"Pag may nangyaring masama sa anak ko, River. Papatayin kita," galit na saad ni Caelum at lumabas nang kwarto.

"Sinong sunod mong papatayin, Olivia? Anak ni Phoebe at si Phoebe?" sarkastikong tanong ni Savannah, malamig pa rin ang mga tingin niya.

Lumabas ako at dumiretso kay Dra. Santos.

"Gawin niyo ang lahat," malamig na saad ko. Tumango ang doctor, tinanggal ang coat nito at pumasok sa OR.

Sumandal lang ako sa labas nang OR, si Caelum ay hindi mapakali at paikot-ikot, ako na ang nahilo.

"Please be safe."

Savannah P.O.V

"Sorry... Sorry... Sorry," rinig kong bulong ni Olivia, wala akong maramdamang awa sa kanya, kung hindi galit, puro galit.

"Pag may nangyaring masama sa anak ni Phoebe, Olivia. Kalimutan mo ng naging mag kaibigan tayo, kasi kakalimutan kita," malamig na sagot ko. I will easily cut her off.

"Patawarin niyo 'ko..." Lumuhod siya sa harap namin.

"Kapag napatunayan mong inosente ka at hindi ikaw ang pumatay kay Meggay ay magagawa kong patawarin ka. " I looked at her. "Humanap ka ng ebidensyang na magpapatunay na wala kang kasalanan sa lahat."

"Hindi muna kita sasaktan, bibigyan kita ng oras at araw para hanapin ang ebidensyang hindi ikaw ang pumatay kay Meggay." I smirked. Tumingin siya sa'kin at tumango.

"Bibigyan kita ng dalawang buwan para hanapin iyon at kapag hindi mo nahanap. Ipapasok kita sa kulungan na kinakatakutan mo, kasama si River, dadalhin ko rin sa ampunan ang anak mo. Or I will kill your son in front of you," malamig na saad ko at matalim siyang tiningnan Tumango siya, inakay siya ni River at lumabas.

Doon lang ako nanghina at kusang tumulo ang luha sa mata ko, niyakap ako ni Kyle. Everything is so messed up, I don't think I can ever look at Olivia the way I looked at her before.

"It's okay to be weak," bulong niya at ilang beses tinapik ang likod ko. "'Wag kang mag alala, andito lang ako. Sasamahan kita sa laban na 'to."

I cried in his arms. "Hindi palaging malakas ka... hindi mo kailangan maging malakas palagi kasi nasasaktan ka rin."

"Hindi ko lang akalain... Hindi ako makapaniwalang siya ang gumawa no'n, matatanggap ko pa kung si Grethel iyon pero hindi, eh. Si Olivia ang gumawa, kaibigan namin mula noon, Kyle. Mula high school ay kaibigan namin si Olivia, sa sobrang pagtitiwala ko o namin sa kanya ay ayon pala ang nangyayari, binaril niya ang isang kaibigan namin."

Hindi ka maaring magtiwala agad agad, kahit matagal mo ng kasama ang taong 'yon, hindi mo alam kung kailan ka niya titirahin.

Meggan's P.O.V

Nanatili lang kami sa labas nang OR, hanggang lumabas ang doctor na babae.

"Doc, anong nangyari sa mag-ina ko?" nagpa-panic na tanong ni Caelum. He looks like he will pass out.

"I'm sorry, Sir. The baby did not survive," saad ng doctor parehas kaming nagulat ni Caelum.

Natulos ito at hindi makapaniwala.

The Hiding Mafia's Book 2 of The Secret Mafia Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon