Grethel P.O.V
Nakatingin lang ako sa basag na vase at ang pintuang nilabasan ni Patricio.
"I didn't kill her," saad ko at hinilot ang sentido ko bago kinuha ang walis at walisan ang mga bubog. Nang matapos ay dumiretso ako sa sala at binuksan ang TV.
Napataas ang kilay ko ng makita ko ang sarili ko sa TV. Anong meron, bakit nasa balita ako ngayon?
"Magandang araw sa inyo lahat at nagbabalik ang News TV live at nagbabalita tungkol sa sikat na model na si Grethel Morgan. Naulat lang sa amin ang balitang ito ng makita namin ang scandal ng sikat na Model na kumalat sa internet, ang scandal at pakikipagsiping ni Grethel sa ibang lalaki habang may asawa at anak siya. Kinausap din namin ang Manager niya pero wala itong naibigay na paliwanag sa'min. We also tried to contact the model but up until now, no comment. Itutuloy namin ang balita at eto ang nag-uulat, Heidi Santiago mula sa News TV Live!"
Bumagsak ang remote sa kamay ko. "N-no! I didn't do it!" asik ko at kinuha ang cellphone ko.
Pagbukas ko ay nakita ko ang video agad! maraming comment na nagsasabing 'malandi raw ako!'
"Grabe, malandi pala iyang model na 'yan."
"Natandaan ko ay nobyo ng sikat na Architect ang inagaw niya, namatay rin iyon at hindi alam kung anong nangyari sa pagkamatay niya. Sabi ng iba pinapatay ito ng model."
Napasabunot ako sa buhok ko habang binabasa ang mga iyon! They are bashing me because of fake news.
"Not my modeling! Why are you doing this to me, Meggay?! Patay ka na 'wag ang career na pinaghirapan ko!" Namilibis ang luha sa mga mata ko. Nagpatuloy akong magbasa.
"Nasa bar ang asawa niya at umiinom. Mukhang nalaman din ng asawa niya ang kalandian ni Grethel."
May mga picture ni Patricio na pinost ang mga ito. Nasa Bar ang asawa ko. I open my Twitter too at trending ako! 'MALANDING GRETHEL'
Patuloy lang ako sa pag-Iyak ng marinig ko ang pagbukas ng pinto, akala ko si Patricio pero ang manager ko.
"Tanggal ka na! Sminira mo ang reputation ng Agency ko! Ang landi mo!"
"'Wag, hindi 'yan totoo!" saad ko at lumuhod sa harapan niya.
"Isa kang slut, Grethel! Hindi ka na pwede maging model ng agency ko! Dahil hindi na kita tatanggapin," saad nito at lumabas sa bahay ko. Everything is falling apart.
Tumawa ako ng mapakla bago tumawa ng malakas.
"Kahit anong gawin mo Meggay sa akin pa rin si Patricio".
Savannah P.O.V
Nakatingin lang kaming lahat sa T habang pinapanood ang balita tungkol sa demonyong si Grethel. Nagising na rin si Phoebe kanina pa at maayos na rin ang pakiramdam niya.
"Bagay lang sa kanya 'yan." I muttered to myself
"Papatayin ko 'yang Grethel na 'yan!" asik ni Phoebe kaya pilit siyang kinakalma ni Caelum.
BINABASA MO ANG
The Hiding Mafia's Book 2 of The Secret Mafia
Mystery / ThrillerFor my sister Meggay. "Good day, everyone. My name is MEGGAN MINX FOREISTER and I'm the twin of the late head architect Meggay Minx Foreister and I'm the new Head Architect." Tumalim ang mga mata nito sa amin. "Meggay... is fucking dead and all of y...