Savannah's P.O.V
Disappoint filled me when I didn't see Meggay on the outside of tunnel. Tanging nakikita ko roon ay si Saito at ang asawa ko.
Bakit wala siya? Siya ang hinahanap ko rito. Napatingin ako nang makita si Meggan na siyang palapit sa amin. Ngumiti ito sa amin.
"Sabi ni Meggay ay congratulations sa inyo. Magkita na lang daw kayo sa opisina bukas." Napakamot siya sa ulo at biglang yumuko.
"Sorry sa ginawa niya sa inyo," dagdag niya kaya napatigil kami.
"Don't say sorry, Meggan!" I said, muli siyang tumingin sa'kin.
"Ako ang nagplano nang lahat ng 'to,
Dahil noon pa man ay pinapanood ko na si Meggay. Sa lahat nang galaw niya ay pinapanood ko. Wala kaming magandang karanasan, hindi rin kami nag kasama simula noong pagkabata namin, kaya noong nakita ko kayo sa buhay niya ay nagselos ako. Kasi kayo ay nakakasama niyo ang kapatid ko samantalang ako ay hinde niya kilala o nakasama man lang." Tumawa siya kaya lahat kami ay nakinig."Kaya noong napansin ko no'ng college niyo na ginagamit niyo ang pera niya ay nagalit ako lalo. Nandiyan siya sa inyo tuwing nasasaktan kayo, tuwing may kailangan kayo, pero lahat nang ginawa niya sa inyo ay wala, dahil ginagamit nyo lang sya." Huminga siya nang malalim at muling tumingin sa'min.
"Ayokong masaktan ang kakambal ko. Kaya noong pumasok si Patricio sa eksena ay pinanood ko lahat nang ginagawa ni Patricio. Akala ko ay matutulungan ko na ang kapatid ko para masabi sa kanyang may relation si Grethel at Patricio nang mga panahon na iyon pero siya rin ang nakatuklas, dahil siya 'yong inimbitahan para kumanta sa interview ni Grethel, doon niya nakita si Patricio at Grethel na magkasama." Napaawang ang labi ko dahil sa mga sinabi niya.
"Nakita kong nag-iisa siya palagi, umiiyak siya nang patago lahat 'yon ay pinanood ko." She bit her lower lip, trying to contain her tears.
"Pero wala akong nagawa, kaya no'ng bumalik si Patricio sa eksena ay doon na ako pumasok, ako ang nagpadala kay Kevin kay Meggay para kausapin siya, para sabihin ang motibo niyo sa kanya at para sabihin na nabuntis si Grethel at ikakasal na si Patricio," Huminga siya nang malalim. "Akala ko ay hindi na masasaktan ang kapatid ko dahil akala ko ay mailalayo ko na siya, pero kahit anong layo ko ay siya ang lumalapit sa inyo."
"Huli na nang makapunta ako sa kasal ni Patricio. Dahil nabaril na pala ang kapatid ko, nakita ko siyang duguan na isyang ikinatatakot ko sa lahat. Hindi ko alam ang gagawin ko, dahil iba ang plano ko. Nang araw na iyon ay alam kong hindi na isya mabubuhay pero kinuha ko siya sa hospital para masubukan ang machine na inimbento ni Ken. Gumana siya ngunit tulog ang kapatid ko."
"Sinimulan ko ang plano nang mag isa ako, ako ang gumawa nang mga bagay na nangyari sa inyo noon, ako ang nanakit sa inyo noon, ako lahat ang may pakana nang masasamang nangyari sa inyo dahil lang gusto ko maipaghigante ang kapatid ko." Tumawa siya nang mapakla para maiwasan ang pag iyak.
"Nang magising naman si Meggay ay kakaiba siya, naging bata ang pag-iisip niya pati ang galaw niya, kaya hindi ko alam paano ko itutuloy ang plano na ginawa ko." Napaawang lalo ang labi ko, pag-iisip niya ay bata noon?!
"Hindi ko rin nagawang iligtas ang anak niya kasi kung ililigtas ko ang anak niya ay si Meggay naman ang mawawala, hindi ko akalain na sa bawat galaw ko ay masasaktan ko rin pala siya, sa totoo lang ay naawa ako sa inyo kasi ang daming nang nangyari sa inyo, nawarak pa ang pagkakaibigan niyo, akala ko ay maayos na ako doon pero maawa lang pala ako sa inyo."
"Sorry sa inyong lahat." Ngumiti siya nang tipid kaya tumawa ako, napatingin naman siya sa akin.
"Kami ang may kasalanan, Meggan. Kaya 'wag kang mag-sorry, Deserve namin lahat nang naranasan namin, pero mahal namin si Meggay, iba man ang nakikita niyo o nakikita niyong ginagamit namin si Meggay pero hindi, siguro noon ay wala na ako kung wala siya kaya, I'm sure impossibleng gamitin ko pa siya," natatawang wika ko, napangiti naman siya at tumango bahagya.
"Sorry, Meggan." Yumuko si Phoebe.
"Sorry din, Meggan," wika naman ni Olivia kaya napangiti siya nang sobra.
"You can go home now, magpalit kayo nang damit dahil baka magkasakit kayo," natatawang wika niya.
"Jacob, bigyan mo sila tubig," wika ni Meggan sa butler niya, nagmadali naman ito at binigyan kami nang tubig.
Huminga nang malalim si Meggan kaya napatingin ako sa kanya.
"Sa totoo lang ay kayo palang ang naka-survive sa tunnel na iyan, Nag padala kami nang ilang tao diyan ngunit namatay sila pagkalipas nang ilang araw, Kaya nag-alala ako sa inyo dahil pinadala kayo ni Meggay sa tunnel."
"Sanay na kami sa ganyan, Meggan! Dati nga ay nag-race pa kami ni Meggay, Kung sino ang unang makalabas nang tunnel!" wika ni Phoebe.
"May training kaming ganon dati," dagdag ko, natigilan naman si Meggan.
"Wait... So, ibig sabihin kaya niya kayo pinadala sa Tunnel dahil alam niyang makakaalis kayo?!" hindi makapaniwalang wika niya kaya lahat kami ay natigilan. "Kasi alam niyang makakaalis kayo sa tunnel."
"Nagtiwala na siya sa inyo sa simula pa lang, ibig sabihin doon pa lang ay binigyan niya na kayo nang chance," napaawang ang labi ni Meggan kaya napangite ako.
"Tama ka, At hindi na namin sisirain 'yon," nakangiting wika ni Olivia.
"Hindi na namin hahayaan na masaktan si Meggay sa pagkakataon na ito," wika naman ni Phoebe.
"Sa pagkakataong ito kami na ang magtatanggol sa kanya, kami na rin ang magliligtas sa kanya sa lahat," wika ko naman kaya napangite naman si Meggan.
Her smile is full of love.
"Hindi na namin siya hahayaan na mawala siya, hindi na namin hahayaan na may mangyari sa kanyang masama, andito na kami para protektahan siya," dagdag ni Phoebe kaya napangiti kaming lahat nang matamis, We will do it.
But every one became silent when Ken shouted in panic.
"Meggan!" sigaw nito at tumakbo palapit kay Meggan, nanginginig ito.
"B-bakit Ken?" nauutal na wika ni Meggan.
"Puntahan niyo si Meggay! Pigilan niyo siya! Grethel threatened her about Patricio! She begged to come and meet Grethel kaya, please, puntahan natin siya at sundan!" nagpa-panic na wika ni Ken kaya lahat kami naalarma.

BINABASA MO ANG
The Hiding Mafia's Book 2 of The Secret Mafia
Mystery / ThrillerFor my sister Meggay. "Good day, everyone. My name is MEGGAN MINX FOREISTER and I'm the twin of the late head architect Meggay Minx Foreister and I'm the new Head Architect." Tumalim ang mga mata nito sa amin. "Meggay... is fucking dead and all of y...