Chapter 32

2K 81 100
                                    

Patricio P.O.V

Papasok na ako sa companya, Dahil ngayong araw namin sisimulan ang unang project ni Meggan. Kinuha ko ang mahahalagang papeles bago pumunta sa Cite.

I smiled amuse when Meggan is there, she was talking to the workers, nagulat ako nang lumingon sya sa'kin, masaya na ang mga ngiti nito habang nakatingin sa akin.

''Hey! Buti na lang at maaga ka! I miss you!'' sigaw niya at niyakap ako, nagulat ako dahil sa ginawa noya!

At ang mas nakakagulat ay ang gamit niyang perfume ay kay Meggay! Amoy na amoy si Meggay, cloud.

''Do you want to eat?'' she asked playfully

''I already eat, I'm sorry''

Bumakas ang lungkot sa mga mata niya pero nagawa nya pa rin ngumiti.

''Fine! I will go there," Turo nya sa maliit na office. ''See you later!" saad niya bago umalis. Napailing na lang ako at naglakad palayo pero nagulat ako sa isang sigaw.

''Hey!'' I heard a familiar voice kaya napalingon ako. Kumunot ang noo ko nang makita muli si Meggan! Kakaalis niya lang 'di ba?!

''I'm sorry, I'm late," she said kaya napatigil ako.

''Huh? Kanina ka pa nandito, Meggan.''

Napatigil siya at tiningnan ako ng 'what the fuck?'

''Are you playing with me, Engineer Morgan?'' pagalit na tanong nito sa akin. ''Kakarating ko lang dito, Patricio. Tigilan mo'ko sa mga biro mo, Hindi ka nakakatuwa.''

Taka akong tumingin sa palayong bulto niya, umiling na lang ako bago dumiretso sa office ko.NNang makarating doon ay sinimulan ko nang ayusin ang blue print.

Bumukas ang pinto nang office kaya naapaangat ang tingin ko, It was Meggan. Nakangiti ito bago naupo sa sofa. Naninibago na ako sa kanya ah. What is happening.

''Are you busy later? Let's eat!'' masayang saad nito sa akin.

''I'm not busy''

''Great! Sunduin kita later!'' She giggled and leave my office. Napabuntong hininga na lang ako dahil naninibago pa ako sa mga ginagawa niya.

Galit ito sa akin kanina tapos ngayon ay nakangiti na siya, naguguluhan ako sa kanya.

Nagulat ako nang pumasok muli si Meggan na nakasimangot sa'kin at padabog binaba ang isa pang blue print.

''Iyan pa ang isang blue print, I-check mong nang mabuti kung hindi lagot ka sa akin." galit na saad nito sa akin at padabog na umalis nang office ko 'Ang gulo niya!'

Unknown Someone P.O.V

''Lilituhin ko lang kayo hangga't kaya ko, nagsisimula pa lang ang paghihiganti na ninanais ko noon pa," nakangising saad ko habang ako ay nasa lumang building, nakasuot ako nang kaparehas na damit ni Meggan.

''Isusunod ko ang mga demonyong babaeng iyon na nagpahirap sa'kin nang sobra.'' I smiled and looked at Meggan's directions, kausap nito ang mga mangagawa nang Cite nato.

''Buti na lang talaga at may dinner kami ni Patricio mamaya."

Savannah P.O.V

''Si Meggan ay nandoon sa cite, anong balak niyo?'' Olivia asked me.

''Maaring nandoon si Meggay o maaring wala... makakaharap din natin siya pagbalik dito," seryosong sagot ni Phoebe.

''Pero bakit kasi ginaganto noya tayo?'' Olivia asked again.

There was unfold secret that wasn't revealed yet.

''Dahil naniniwala siyang isa sa'tin ang bumaril sa kanya, noong araw ng kasal ni Patricio at Grethel." Sagot ni Phoebe. Natuliro si Olivia at parang hindi siya makapali dahil sa sinabi ni Phoebe.

''Hindi ba't si Grethel ang bumaril sa kanya? Bakit tayo ang pilit niyang binabalikan?'' tanong ko kaya napatingin si Phoebe sa akin at ngumisi, nakakatakot ang mga pag ngisi niya sa akin.

''Dahil nga isa sa'tin ang gumawa no',n sa kanya. Hindi ba, Olivia?'' tanong nito kay Olivia kaya inis nyang tiningan si Phoebe.

''Hindi ko magagawa 'yon, Phoebe! Kaibigan ko si Meggay!'' asik nito at tiningnan nang masama si Phoebe.

''I'm just saying na isa sa'tin 'yong bumaril. Hindi kita sinisisi, Olivia. Kusa lang talaga nag-react iyang katawan mo sa sinabi ko, Guilty ka?'' sarkastikong asik ni Phoebe kaya natahimik si Olivia.

''Tama na, Phoebe. Wala ka dapat sisihin dito kundi si Grethel."

''Protective huh? Palibhasa ay best friend kayo kaya todo ang pagtatanggol niyo sa isa't-isa," sarkastikong saad naman nito kaya galit akong tumitig sa kanya. ''Baka mamaya ay magkasabwat kayong dalawa dahil lang sa inggit kay Meggay.''

''Stop this bullshit, Phoebe! May galit ka ba sa amin ni Olivia?!'' sigaw ko, ngumisi si Phoebe at hindi natinag sa pagsigaw ko. Eto 'yung personality niya na galit.

''Wala, kayo lang talaga ang pwedeng maging dahilan nang pagkamatay ni Meggay o pagkabaril niya. Hindi ko kayo sinisi pero kayo mismo ang nag-iisip niyan, kusa niyong iniisip na guilty kayo o pinipilit niyong ipako sa iba ang usapan na ito. Basta ang laging niyong iisipin na kaibigan niyo si Meggay. Ibinigay niya lahat sa inyo na kung anong kailangan nyo, hindi niya kayo binigo sa lahat dahil mahal niya kayo, wala siyang kasalan sa pagiging makitid nang mga utak nyo," saad niya at umalis, iniwan kaming luhaan. Napahilamos ako sa buong mukha ko. I don't know anymore.

"Makitid rin ang utak mo, Phoebe. Pilit mo kaming sinisisi sa isang bagay na hindi namin ginawa."

"Hindi ko siya masisi, Savannah. Meggay is her best friend, mula't sapol ay lagi silang magkasama, kahit noong umiiyak si Phoebe ay nandiyan si Meggay kaya ganon na lang siguro ang galit niya kaya tayo ang pilit niyang binubuntunan nang galit," saad ni Olivia at sumandal sa sofa.

"Hindi ko naman sinasabi na ganon, ang sa'kin lang sana ay isipin niya ang nararamdaman natin"

"Iniisip din ni Phoebe na ginamit natin si Meggay... hindo ba't si Phoebe ang gumamit kay Meggan noon pa? Tuition, pagkain, bahay, trabaho at ang pagiging kaibigan niya kay Meggay. Hindi ba't siya mismo ang gumamit kay Meggay?" mahinahong wika ni Olivia, nangunot ang noo ko na parang hindi maintindihan ang sinabi niya.

"Olivia, baka nakakalimutan mong, ikaw ang nagpahiwatig na ginagamit mo si Meggay? Mula college ay lagi mong sinasabing ginagamit mo si Meggay?"

Tiningnan niya ako nang masama na parang sinasabi niya na mas pinagtatanggol ko pa si Phoebe kesa sa kanya.

"Pero hindi ko siya ginagamit," asik nito.

Buntong hininga ang sinagot ko, dahil hindinko alam sino ang kakampihan sa kanilang dalawa ni Phoebe.

"Ayokong pumili sa inyong dalawa, Olivia. Parehas ko kayong kaibigan ni Phoebe, pero sana ay isipin mo ang mga nangyari kay Phoebe noon. Hindi ko siya kinakampihan, dahil tayo mismo nasaksikhan natin kung gaano kasama ang mga magulang ni Phoebe," saad ko, tumingin sa akin si Olivia nang walang reaksyon.

"Hindi mabait si Phoebe, Savannah, Isa soyang demonyo na nagtatago mula sa closet niya."

The Hiding Mafia's Book 2 of The Secret Mafia Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon