Chapter 41

2.3K 80 81
                                    

Unknown Person P.O.V

Nanatili akong nakatingin sa mga ulap, bago muli ako mag-salita.

''Handa akong patawarin sila, Ryan.  Dahil ginamit nila ako pero 'yung ginawa ni Olivia ang hindi ko mapapatawad. Dahil sa'kanila ay nanatili ako sa madilim na mundo.''

''Naiisip ko paano nila nagawa 'yon sa'kin? Paano nila nakayang gawin 'yon sa'kin sa lahat nang nagawa kong tulong sa kanila? Handa akong tulungan silang kahit ilang beses, kahit maubos ako pero inubos nila ako ng sobra dahil sa ginawa nilang pagbaril sa akin."

''Noong nalaman ko kung sino ang gumawa no'n sa akin. Naupos ako at hindi makagalaw, hindi ako makapaniwala. Sobrang sakit sa'kin. Feeling ko ay namanhid ako, hindi ko na magawang tumingin sa kanila o panoodin sila dahil sa ginawa nila. Ayon yung nakapagpabago sa'kin."

''Madam two, hindi mo naman siguro gustong patayin sila 'di ba?'' tanong ni Ryan. Huminga ako nang malalim at tinapon ang can ng beer.

''Hindi ko alam saan ako dadalhin ng galit ko, Ryan."

''Dahil sa mundong 'to, kapag mabait ka ay aabusuhin ka nila at kapag naubos ka nila tsaka ka nila papatayin."

''Maghahanda ako sa muli namin pagkikitang lahat, Ibabagsak ko muna lahat nang problema sa kanila bago ako magpakita at ako na mismo ang uubos sa kanila."

Kumuyom ang kamao ko at ngumisi. I can't wait to see them again.

Phoebe P.O.V

Napagising ako bigla, ramdam ko ang pananakit nang gitna ng binti ko.

''Caelum," gising ko kay Caelum na natutulog, bigla naman siyang bumangon nang marinig ang boses ko.

''Baby, gising kana! Ano may masakit ba sa"yo?'' nag-alalang tanong niya.

''Masakit ang private part ko, kumusta ang anak ko, Caelum?''

Hindi siya makasagot, umiwas siya nang tingin sa akin. Tumaas ang kilay ko sa naging asta niya sa akin.

"Nasaan ang anak ko, Caelum?!" sigaw ko, umiling siya nang ilang beses. He can't utter a damn word.

"Wala na siya... Hindi mo siya nagawang ipaglaban, Phoebe," saad niya. I saw how his tears stream down to his face.

"No... my baby," bulong ko at umiling nang umiling, he held my hand.

"Ang anak ko... hindi pwede."

"Sorry, baby. Hindi kita natulungan," saad ni Caelum at hinawakan ang mukha ko para punasan ang luha ko pero patuloy pa rin 'yon sa pagtulo.

Why?

Yumuko ako at patuloy na umiyak, niyakap niya lang ako at sinamahan sa pag-iyak ko. My baby... Caelum wants a baby and yet I killed it.

Paano na naman ako makakabangon sa panibagong problema?

"I'm sorry, baby. I'm sorry for not taking care of my baby," saad ko kay Caelum pero umiling siya nang umiling.

Alam ko ang kagustuhan niya magkaroon ng anak pero noong nagka-anak naman ako ay nawala rin.

"Baka hindi pa 'to ang oras, Phoebe. Kailangan muna na natin siguro harapin ang problema na nasa harapan natin, tsaka siguro darating ang panibagong anak."

Sobrang sakit sa dibdib, hindi ako makahinga at pinapatay ako no'n, naramdaman ko na naman ang sakit na naramdaman ko noon, ang sakit nang pagkawala ng lahat sa akin.

Hanggang kailan pa ba tayo makakaramdaman nang sakit?

"Don't blame yourself, Phoebe. Please, don't. Maybe the God did this, maybe we need to fight to the problems."

"Si Meggay. Kailangan ko siya.... kailangan ko siya para yakapin ako, hindi ko na kaya Meggay please, samahan mo'ko, please," bulong ko habang umiiyak ako.

"We can do this together, Phoebe. We will fight together, we promise that remember?"

"Till the world collapse we will fight together."

Ngumiti ako at tumango nang marahan. He's right...

"We can do this together no matter what."

Meggan's P.O.V

Umuwi ako sa bahay na puno nang sakit, ang daming nangyayari sa akin.

Napahawak muli ako sa phone at tiningnan ang taong nag-send sa akin ng video, binigay ko 'yon kay Sean pero sabi niya hindi raw makita kung kaninong number 'yon, tila raw bino-block siya.

Sumakit ang ulo ko dahil sa sinabi niya, dumiretso na lang ako sa counter top at kumuha nang alak. That was the first time na hindi nahanap ni Sean ang source.

Ilang beses akong nagsalin at uminom, hanggang may kumuha nang baso sa akin.

Kevin.

"Kevin... hey! Why did you kuha may alak, huh?! How dare you?!" asik ko at tumawa. Napahawak siya sa sentido.

"You're wasted, Meggan," he said so I laughed because of it.

"Hoy! Mas malakas akong uminom sa'yo! Tatlong baso ka pa ngalang ay tumba ka na! Hindi ako lasing, hump!"

Bumuntong hininga siya at pilit akong pinainom ng tubig. He looks cute right now ehe.

"Yah! Ang bad mo! Lulunudin mo ba ako?!" asik ko at ngumuso, kumuha naman siya ng tissue at pinunasan ang bibig ko.

"Do you think that's basahan! Carefull! You need to be carefull! I'm a girl and you're a boy!" asik ko, tiningnan niya ako nang masama.

"Lasing ka na."

"Ako lasing? Ulol ka ba? Sino ka ba!? Don't touch me, ha! Si Kevin lang ang pwedeng humawak sa akin! Bawal mo'kong hawakan! He will sue you in the court, huh!"

He chuckled and trying not to burst out a laugh. "Ngayon naman ay hindi mo'ko makilala. So cute."

"Sino ka ba?! Bakit mo 'ko hinahawakan!? I have my own police, a prosecutor, a laywer and a many more! Do you want to die?" I threatened him and smirked.

"I love you," he said with sweetness so I scoffed. Natawa ako nang sabihin niya 'yon!

"May boyfriend ako! Ang pangalan niya ay Kevin Javier, isa siyang lawyer! Ipapakulong ka niya sige ka! Layuan mo na ako hangga't maaga, nakakadena na ako sa kanya!" sigaw ko. He chuckled again before placing a soft kiss to my lips.

"Ngayon ay minamanyak mo'ko! How dare you?! Gusto mo bang barilin kita sa ulo? Lagot ka talaga sa Kevin ko, hmp!" I said and crossed my arms, sulking.

"Why are you laughing, huh?! Do you think this is funny!? This is a serious situation! What if he saw us?! He will think that I'm cheating to him! You mother fucker!" sigaw ko sa'kanya at hinampas siya sa dibdib. He placed a kiss to my lips.

"Stop kissing me, damn it! I will punch you, If you keep kissing me!"

"Why are laughing again, huh!? Do you think I'm funny!? How dare you!?" sigaw ko pero tumawa lang sya.

"Do you want?"

"What?!"

"Let's get married and make babies?"

The Hiding Mafia's Book 2 of The Secret Mafia Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon