Meggan's P.O.V
Tumawa ako nang puno nang sarkastiko, Lahat sila ay biglang napatingin sa'kin.
Tiningnan ko nang matalim si Ken kaya marahan itong tumango at dinala si Sevilia sa kwarto.
"I'm not even surprised. Siya na talaga ang pinagduduhan ko dahil napapansin kong nagkukunwari siyang inosente at mabait." Ngumisi ako, kumunot naman ang noo ni Kevin.
"Another suspect, Phoebe."
"Base on my assumption. Phoebe have a Split Personality." Napaangat ang tingin namin kay Ken.
"Tulog na si Sevilia," dagdag niya kaya tumango ako. Ang bilis makatulog ah?
"I saw her six years ago. Papunta ata sa Therapist, and I think na si Patricio talaga ang babarilin niya at hindi si Meggay. Pero dahil umatake 'yon ay si Meggay ang nakita niya, kaya siya ang nabaril." Inayos nito ang salamin nito sa mata.
"She have a trauma too. I also read her chart one time ago, because of her parents, Phoebe became like that," dagdag nito. Hindi man niya pinagtatanggol pero iyon ang lumalabas.
"Crush mo ba si Phoebe?" asik ko. Nagulat ako nang batukan niya ako.
Tumaas naman ang kilay ni Kevin at binatukan nang malakas si Ken.
"Ay, andyan ka pa pala. Akala ko hangin ka." Ngumisi si Ken kay Kevin. Mukhang iinisin na naman niya si Kevin.
"Napakatino mo kapag nasa ospital ka pero etong nasa bahay ka ay abnormal ka," asik ko, tumawa lang siya.
"Stress reliever ko si Sevilia." Ngumisi siya at inayos ang buhok niyang kulay itim.
Nagpakulay si Kevin ng brown at wala siyang salamin, right eye rin ang brown niya at nasa left naman ang kay Ken, kaya alam mo kung sino si Ken at si Kevin.
Siguro ang pagkakaiba namin ni Meggay ay height, Siguro.
"Anong plano mo, Meggan?" Ken asked, Tumabi si Kevin sa'kin.
"I will crushed them all. I will destroy them the way they destroy Meggay." Unti unting lumawak ang pag ngisi ko.
"So totoo nga na ginamit nila si Meggay noon?" Tanong muli ni Ken.
"Mula siguro high school, dahil si Meggay ang mayaman sa kanila noon, siya tuloy ang naging bank nila. But we all know that Mafia are rich because of their illegal doing."
"Baka naman mahal nila si Meggay," malumanay na wika ni Kevin.
"Mahal? Nage-exist pa pala 'yon." I smirked.
"Nage-exist ang pagmamahal ko sa'yo." Ngumisi si Kevin kaya inis ko siyang tiningnan.
"Whatever, So, anong plano mo?" tanong muli ni Ken. Ayaw niya talaga nakakarinig ng mga banat.
"Magkunwareng Meggay." I smirked. Napaawang ang labi ni Kevin at ni Ken dahil sa sinabi ko.
"You sure? Hindi ba mahirap 'yon sa'yo?" tanong ni Kevin.
"Amethyst, Avery, Ivory and Pumpkin. 'Yan ang tinatawag ni Meggay sa kanilang lahat."
"I will scare them to--"
"Madam!" Napaangat ang tingin ko kay West. "Nabalitaan niyo na ba na sinaksak ni Phoebe si Olivia?" Pinunasan nito ang pawis niya at naupo sa lapag.
I smiled amused. "Para na silang criminal, oh, they are really criminals."
"Well, I heard your plan, Madam. So I call the team." Ngumisi si West, sabay sabay naman nagsidatingan ang team ko, may hawak pa ngang beer.
"Hello, madam!" bati nila kaya tumango ako.
Lumapit sa akin si Justin at hinawakan ang kamay ko, bigla naman dumilim ang mukha ni Kevin.
"Madam, na-miss kita! Hindi mo'ko tinatawagan sa opisina ko sa police station! Nag-alala ako sa'yo!" asik ni Justin kaya ngumiti.
"Take off your hands, I will sue you," mariing wika ni Kevin kaya natawa ako.
"Etong asawa mo, Madam. Seloso." Nasamid ako bigla sa sinabi ni Justin.
"Mas matanda si Madam sa'kin, Attorney Kevin. Kaya Ate ko siya, tsaka ayon crush ko, oh." Turo niya kay Heidi.
"Bata pala, huh?" Malumanay na saad ni Kevin. Umupo si Justin katabi ni Heidi na inayos ang ipit niya sa buhok.
"Inuman na!" sigaw ko kaya lahat sila ay nagsigawan.
"Why are you holding my hands?!" asik ni Theresa kay Sean na ngumisi lang.
"M-magandang g-gabi po." Lahat kami napatigil nang marinig namin ang nagsalitang iyon.
"A-ako po si R-ryan." Patuloy niya kaya ngumisi ako.
"Bagong salta 'to!" asik ni Thesa na kakambal ni Theresa.
"Maupo ka," nakangiting aniya ko kaya tumango siya at naupo sa sahig.
"Anong kaya mong gawin?" tanong ni Thesa. "Kaya mo bang sumakay sa helicopter at magpasabog nang bahay?!"
"Kaya ko po lahat. Kaya ko pong mag-hack, kaya ko pong magpasabog ng ulo, kaya ko rin pong mag-opera ng pasyente, kaya ko rin po i-drive lahat, helicopter, Yacht, at mga kotse," nakangiting wika nito, napaawang ang labi nang ilan. Everyone is so shock, hearing that he's all around.
"Ilang taon ka na ba?" I asked.
"23 po!" masayang wika nito kaya napaawang na rin ang labi ko. Bata pa siya, huh?
"Pare, introduce yourself properly!" asik ni Theresa.
"Ako po si Ryan Joshua! 23 years old! Hindi na ako nag-aaral dahil daw matalino na ako!" Tuloy tuloy na saad nito.
Mataba ang pisngi niya, maputi, mahaba ang mga pilik mata, itim din ang pares ng mata ng mata niya, matangkad din siya.
"Kumakain ka ba ipis?" Natatawang tanong ni Thesa.
"Kung 'yon po ang pagkain, kakainin ko!" saad nito. Mararamdaman mo rin na mabait siya.
"Aish, niloloko lang kita! Hindi kami kumakain no'n mabaho eh! Gusto mo beer?" tanong muli ni Thesa, marahang tumango si Ryan at ngumiti sa amin.
Inabot ni Thesa ang beer kaya sabay sabay kaming nag-cheers.
Lahat kami muli napatigil nang bumukas ang pinto nang kwarto at lumabas si Sevilia na kinukusot ang mata.
"Milk." She pouted. Kaya lahat nag unahan para kumuha ng gatas para sa kanya!
"Nagkakagulo na rito," asik ni Ken. He rolled his eyes in annoyance. "Hoy, alaga ko 'yan!"
Umupo si Sevilia sa sahig at kinukusot pa rin ang mata.
"Hug, Kuya Ken," saad niya kaya lumapit si Ken at niyakap siya.
"Eto na gatas mo, Sevilia!" hinihingal na asik ni Justin habang hawak ang onting gatas sa baso! Natapon siguro ng stupid na 'to.
"Thankyou, Kuya Justin," malambing na wika ni Sevilia at ininom pa din ang gatas.
"Eto dapat barako milk!" asik ni Thesa habang hawak ang 3 in 1 na coffee!
"Eto chocolate milk! Pangpalakas katawan!" asik naman ni Theresa kaya napakamot ako sa ulo. Kinuha naman ni Sevilia 'yon at ngumiti.
Ayaw niyang saktan ang nag-e-effort sa kanya.
"Maraming salamat po, Ate Thesa at Ate Theresa," wika ni Sevilia at ininom ang chocolate milk.
"Cheers!" asik ni Thesa kaya nakisabay din si Sevilia na inangat ang baso niya at ginaya kami. Ryan smiled amuse to everyone.
Lahat kayo iingatan ko.

BINABASA MO ANG
The Hiding Mafia's Book 2 of The Secret Mafia
Mystery / ThrillerFor my sister Meggay. "Good day, everyone. My name is MEGGAN MINX FOREISTER and I'm the twin of the late head architect Meggay Minx Foreister and I'm the new Head Architect." Tumalim ang mga mata nito sa amin. "Meggay... is fucking dead and all of y...