Chapter 22

2.7K 94 267
                                    

Meggan's P.O.V

We're here at the cafe, drinking coffee together. I looked at my brother intently.

"How's your stay here, Little sister?" Kuya asked me, I looked at him with a wide smile.

"Pretty good and my blood just boils earlier seeing them, gosh. I hate them that much?"  I said and shrugged before drinking my Cappuccino. One of Meggay's favorite drinks.

"You hate them because of Meggay," sagot ni Kenneth bago uminom ng kape at pagkatapos ay tumingin sa akin. "Pero, Meggan wala silang kasalanan, kaibigan sila ni Meggay mula noon, noong wala ka pa."

Natahimik ako saglit. "But, the fact that they're using my sister. Do you think I'll never hate them because of it? Kuya, kung ikaw okay lang sa'yo ng lahat ng 'yon, sa akin hindi. Tandaan mong kakambal ko si Meggay," inis na asik ko at kumuha ng cake sa plato ko. "Lalo't nalaman kong si Olivia ay dati mong nililigawan."

"Bakit kasi hindi mo binabantayan si Meggay?! Ikaw ang nandito, Kuya. You were with her during those times."

"I'm busy," maikli nitong saad, napahilamos ako sa buong mukha ko dahil naiiyak na naman ako. All of them are painful for me.

Flashback six years ago...

Bitbit ko ang bagahe ko papasok ng mansyon namin, malawak ang ngiti ko ng makapasok ako. I can't wait to see her!

"Meggay! Andito na ako!" sigaw ko pero wala ni isang sumagot sa tawag ko.

"Meggay, c'mon! Bumaba ka na diyan sa kwarto mo! Na-miss kaya kita!"

Napatingin ako kay Mommy at Daddy na bumaba mula sa kwarto nila, mugto pa ang mata ni Mommy kaya napataas ang kilay ko. Anong meron? What is happening? Why are they crying?

"Where's my kakambal?" tanong ko habang nakatingin sa kanila.

"Nasa trabaho ba siya? Mom, Dad, sagutin niyo ako, marami pa naman akong pasalubong sa kanya," nakangiting saad ko, napatigil ako ng makita si Mommy na umiyak.

"Mom, why are you crying? Na-miss mo ba ako ng sobra kaya ka napaiyak ng ganyan?" tukso ko kaya nagulat ako lalo nang lumakas ang hagulgol ni Mommy.

"Meggay! Bumaba ka diyan, bakit mo pinaiyak si Mommy?! Lagot ka!" sigaw ko pero wala pa rin akong natatanggap na sagot mula kay Meggay. Nanatiling umiiyak si Mommy habang nakadantay si Daddy sa kanya.

"M-mom..." usal ko. Napataas lalo ang kilay ko nang makitang may pumasok sa loob ng mansyon na nakasuot ng itim, may hawak itong malaking picture.

"Ma'am, eto na po pala 'yung picture ng anak niyo po," saad nito at binaba ang malaking picture frame bago umalis. My heart starts to race so fast that my body weakens at the huge frame of her. She looks so pale...

"Meggay..." usal ko habang nakatingin sa picture. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Prank lang... Prank lang 'to.

"Meggan, si Meggay..." bulong ni Mommy ngunit natigil din nang maiyak ulit siya. "Ang anak ko... si Meggay..."

"Mom, is this a prank? I'm not going to be prank by this." I tried to be cheerful while saying those words but seeing my Mother heart wrenching cries made me believe those. "W-what happened to my sister?"

"Si Meggay patay na siya... Patay na ang kakambal mo... Wala na siya..." Napatigil ako nang sabihin niya 'yon. My eyes widened but the words didn't even process me. Ngumiti ako ng pilit at muling tumingin sa kanila.

"Mom, naman. 'Wag kang magbiro ng ganiyan. Suprise ba 'to? Kayo ni Meggay, ah. Magkasabwat pa kayong dalawa sa ganiyanan," asik ko at tumawa nang mapait.

The Hiding Mafia's Book 2 of The Secret Mafia Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon