Chapter 59

2.2K 89 156
                                    

Meggan's P.O.V

"Nandoon ka pero hindi mo siya pinigilan! Alam mo naman ang ginawa niya kay Grethel 'di ba?!" sigaw ko kay Ken pero nagpa-panic pa rin siya.

"Meggay can handle herself, okay?" Savannah said, nagsusuot siya nang itim na sando at itim na jeans, nakasuot na din sya nang black boots.

"Olivia, ikaw ang bahala sa sniper. Shoot to kill if something happens," wika ni Savannah, tumango naman si Olivia at inayos ang sniper nito.

"Sean, nasaan si Meggay? Any location?" tanong ko kay Sean, mabilis ang pag tipa nito sa keyboard.

"Rooftop ng dati apartment ni Patricio, Wala pa siyang sugat, 'wag kang mag-alala," wika ni Sean kaya tumango ako. Nawala ang kaba ko dahil do'n.

Nilagay ko ang baril ko sa tagiliran, at kahit maikli na ang buhok ko ay inipitan ko pa rin ito.

"'Yong kotse ayusin niyo na," wika ko, tumalima naman sila at inayos ang sasakyan ko

Naglakad ako patungo sa parking, nakasunod na sila kaya nag madali ako at sumakay sa driver seat. Sumakay sila kasunod ko kaya pinaharurot ko 'yon nang mabilis.

'Wag kang gumawa nang ikapapahamak mo, Meggay.

Meggay's P.O.V

"Wait," saad ko kay Ken at tumayo, sinagot ko ang tawag.

"Oh?"

[Hawak ko si Patricio, Kung ayaw mo siyang mamatay ay pumunta ka rito]

Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Ano na naman ang problema ng baliw na 'to?

"Anong sinasabi mo diyan?"

[Papatayin ko siya dahil sa'yo]

"Oh, tapos?" sarcastikong sagot ko rin. Napatigil din ako dahil hindi nag-function ang utak ko kanina.

Si Hannah! Lalo't baliw 'to ay baka totohanin niyang patayin si Patricio. Kapag nawala si Patricio ay sinong mag-aalaga sa anak niya? This is fucking bullshit!

"Nasaan ka ba ngayon?" dagdag ko, narinig ko ang paghalakhak nya.

[Sabi na eh, gusto mo pa rin 'tong tao 'to]"

Paano naman nangyari 'yon, tsk?

[Sa dating apartment ni Patricio, Bilisan mo, Meggay. Maikli ang pasensya ko, lalo na sa'yo]

"Whatever you say."

"Aalis ako, Ken," bumaling ako kay Ken na siyang nagkakape.

"Saan ka pupunta?" tanong nito, huminga ako nang malalim.

"Kay Grethel," maikling wika ko, tumaas naman ang kilay niya.

"At bakit ka naman pupunta ro'n?" wika nito kaya napailing na lang ako nang paulit ulit.

"Para kay Patricio," wika ko na ikanatigil niya.

Ano naman kaya ang tumatakbo sa utak nitong lalaking 'to?

"B-bakit naman?" tumikhim siya.

"Iligtas siya, ayoko man sabihin sa'yo 'to pero kailangan niya ako ngayon," wika ko, nakita ko ang pagbagsak nang dalawang balikat niya.

Umupo ako at dumantay kapantay nang mukha niya, ngumiti ako nang malaki at pinisil ang pisngi niya.

"'Wag kang pumunta, please," nagmamakaawa na ang boses niya sa akin.

The Hiding Mafia's Book 2 of The Secret Mafia Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon