Chapter 1: The First day (edited)

3K 69 11
                                    

Chapter 1: The first Day.

“Damn it! You ugly duckling!”

Belle’s pov

Hello everyone! Im Belle Sarmiento, 4th year highschool student at St. Angel University.

Yes, we're poor but I’ll do everything para lang maka-ahon kami sa kahirapan. Dahil ayokong mauwi sa wala ang chance na makapag-aral ako.

Okay let me describe myself again. Pinag-aaral ako ng Tita Ruby ko na nasa States, pinag-aral niya ako dahil ako nalang daw ang may pag-asa sa aming magkakapatid. Si Ate Beatrice maagang lumandi kaya ayun may buntot na siya, este may anak na bumubuntot na sa kanya. Si Kuya Boyet naman batang ama pero humiwalay na sa kanya yung babae.

Kaya ako nalang raw ang pag-asa namin, kaya ginagawa ko ang paraan para makatapos ako ng pag-aaral at para makatulong nako sa kanila.

Si Mama naman nagtra-trabaho sa isang Mall bilang security guard at ganun din si Papa. Malaking tulong narin at may trabaho pa ang mga magulang ko kung hindi ewan ko nalang talaga.

Dahil sabi ko nga sa inyo na I'll do anything paralang makapagtapos ako, Im now a working student, nagtra-trabaho ako sa isang pang-mayamang coffee shop bilang waitress, yun nga dahil pang-mayaman, malaki ang sweldo ko, bale mga 5,000.

Yung 2,000 naka-tabi yun para sa future ko, yung 1,000 sa bahay at yung 2,000 ay para sa allowance ko. Ganun, ganun lagi ang direksyon ng sweldo ko.

Sa totoo lang, ayaw na nila Mama at Papa na magtrabaho pa ako dahil kaya naman daw since scholar ako ni Tita Ruby. Pero sabi ko ayoko dahil para din sa amin tong ginagawa ko, hindi lang din para sa akin. Gusto ko na kasing lumipat sa mas maayos na lugar, ayoko na dito sa skwater’s area. Delikado kaya dito.

Basta, kapag sakto na itong ipon ko, lilipat agad agad kami sa mas maayos na lugar kung saan tahimik at ligtas.

Tapos ayun nga Im getting ready for school.

“Good morning Mama.” bati ko kay Mama na nag-luluto ng almusal.

“Good morning din anak, maligo ka na muna dahil hindi pa luto ang almusal.” utos at bati sakin ni Mama at agad din akong naligo.

Oo nga pala, kaming tatlo nalang dito sa bahay dahil si Ate Bea at Kuya Boyet ay nag-sarili na, I mean bumukod na sila ng bahay at may mga trabaho na din sila.


Beatricia Sarmiento ang pangalan ng Mama ko. Dencio Sarmiento naman ang pangalan ng Papa ko.

Tapos nakong maligo at bababa na ko para kumain.

“Ma. Asan nga po pala si Papa? Di ba po pang gabi kayo ngayon?” tanong ko.

“Nasa main office siya anak. Pinapatawag ng boss namin.” sagot sakin ni Mama at saka himigop ng sabaw.

“Eh anak. May pera ka pa ba?” tanong sakin ni Mama at tumango ako.

“Sigurado ka?” tanong ulit sakin ni Mama.

“Opo Ma, ay sige po mama mauuna na po ako baka ma-late po ako. Babye mama ingat po kayo dito.” pag-papaalam ko sa kanya tapos kiniss ko siya sa cheeks.

The Cool Guy And I [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon