Chapter 55: The Necklace

406 11 10
                                    

A/N: Huhuhuhu. Lapit na talaga! Hold on!

Chapter 53: The Necklace

“Wow, ang ganda ng kwintas, kanino kaya ‘to? Wala namang may letter ‘E’ sa name namin. Kanino kaya ‘to?”

Belle’s POINT OF VIEW

Ilang oras nalang, tuluyan na naming hindi makikita si Jade— err, Jewel. Grabe yung rebelasyong iyon. Grabe lang talaga. So tama pala talaga yung sinabi niya sa akin na, hindi siya si Jade at siya si Jewel.... Pero bakit naman naging Allysson din siya? Ay ewan.

Sobrang daming tao dito ngayon, family sa both sides, friends, classmates at yung iba, school administrators na. Halos hindi mawalan ng mga sumisilip sa kabaong ni Jewel. Alam narin ng lahat na siya si Jewel. Grabe talaga yung buhay niya pati ni Jade na kung nasaan man siya, parang telenobela.

Parehas na parehas nga silang mag-ate. Bago pa mangyari yung lindol, na-encounter ko na si Jade, pinagtanggol din niya ako kay Lene. Tapos, pati yung kapatid niya, pinagtanggol din ako kay Lene. Pinagplanuhan ba nilang dalawa to? Haha.

Nakakaiyak lang din, kasi sa dinami rami ng tao, bakit ako pa? Bakit ako napasama dito sa gulong ito? Tahimik lang ang buhay ko dati. Pero masaya ako. Dahil may kaibigang dumating sa buhay ko, pati higit pa sa kaibigan.

“Mahal na prinsesa? Okay ka lang?” si Jan. Naka-upo kami dito sa loob habang umiinom ng juice. Nasa unahan namin silang apat.

“Ikaw nga dapat ang tinatanong ko niyan eh. Ayos ka lang ba? Kase diba, sa sandaling nakasama mo, nakasama natin si Jewel, marami din kayong pinag-daanang mag-pinsan.” sabi ko.

“Oo nga eh. Kaya pala, parang nag-iba siya, pero hindi ko pinansin yun kase kagaya rin ng sabi ni Tita Jaimey, nararamdaman niyang anak niya yun, ako naman, pinsan.”

“Mahal na prinsipe, hindi ko pa kase masyadong nakakausap si Jade, si Jade mismo, mabait ba siya? Ay! Naalala ko na, niligtaa din niya pala ako kay Leen dati."

“Tss. Oo, kind yet cold. Bihira lang yun magsalita. Uhm, magaling sumayaw at kumanta. Oh I remember! Naalala mo nung prom. Diba si Jewel nayun?”

“Oo. Si Jewel na yun eh.”

“Yes. Magaling din siyang kumanta right?”

“Oo naman.”

“Oh my god. Pero realtalk, mas better yung voice ni Jade, for me. Jewel’s voice is beautiful too.”

“Oo nga.”

*kring kriiiing*

“Jan wait lang, tinatawagan ako ni Mama. Sagutin ko lang saglit.” paalam ko. Bakit nanaman kaya tumawag si Mama?

“Hello ma? Bakit po?”

“Anak? Mamaya pa naman ang burol hindi ba? Maaga pa naman. Anak parang awa muna. Tulungan mo muna ako dito saglit. Nawawala yung kulay pulang box ko. Parang awa mo na. Sobrang importante nun.”

“Po? Naku! Saan niyo po ba nailagay?”

“Dito lang iyon sa kwarto eh. Sigurado ako! Anak tulungan mo muna ako saglit.”

“Sige ma.” tapos binaba ko na agad yung tawag. Bahala na.

To Mahal na prinsipe

Jan, uuwi lang ako saglit. Don't worry. Okay lang ako. Babalik ako agad before 11. :-) :-*

Text ko sa kanya. Sana hindi na siya mag-alala pa.

**

Pagkapasok ko ng pintuan, nakita ko si mama na iyak ng iyak. Niyakap ko kaagad siya at binigyan ng tubig. Wala nang sali-salita pa. Umakyat nako sa taas para tulungan si mama na maghanap. Sabi ko sa kanya na umupo nalang muna siya sa salas.

The Cool Guy And I [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon