Chapter 52

360 9 4
                                    

THIRD PERSON’s POV

Kinaumagahan ng maagang nagising si Belle, ay hindi muna siya tumayo sa kinahihigaan niya, sa halip ay inalala ang mga nangyari kagabi.



“Sana, hindi nalang namatay si Jade, sana rin, wala nalang nangyaring masama kagabi. I'm so sorry Jade. Kung nasaan ka man ngayon, I'm sorry.” sabi nito sa kawalan. Nang makauwi siya kagabi ay ikinuwento na niya sa kaniyang mga magulang ang nangyari.


“I, I am not the real Jade, I am Allysson, and I am Jewel Kim....”


‘Anong ibig niyang sabihin?’ wika ni Belle sa isipan niya. Hindi lubos na maunawaan ang sinabi sa kanya ni Jade kung kaya’t tumayo na lamang siya at saka lumabas ng kwarto.

“O anak, gising ka na pala. Kumain kana dyan, may niluto na akong pag-kain mo. Aalis kami ngayon ng Papa mo, pupuntahan namin sa maynila yung kamag-anak nating may sakit sa puso, malapit sa amin yun kaya dadalawin namin siya. Anak, mag-iingat ka rito ha? Wag ka na lang muna pumasok, huwag ka nang lumabas.”


“Opo Ma.”


“Belle, i-lock mo lang pagali ang bintana at pintuan, mahirap na. At huwag na huwag ka ring magpapasok nang kung sino sino, kung kakatok, silipin mo muna sa bintana kung sino. Mag-iingat ka rito ha?”

“Opo Pa.”


“Sige na anak aalis na kami. Tatawagan ka nalang namin ha?“

“Opo.”



Matapos niyon ay napa-upo na lamang siya sa upuan at nakokonsensya at nag-aalala narin dahil sa pag-aalala ng kaniyang mga magulang.


Belle’s POINT OF VIEW


Umalis na sila Mama, wala akong ganang kumain. Teka ano bang ulam?

Wow, ang sarap naman nito, may pa-fried chicken si Mama.


Habang kumakain ako, bigla ko nalang naalala sila, ang mga kaibigan ko. At hanggang ngayon, lowbat parin ang cellphone ko.


Habang naka charge na ang phone ko, halos sumabog na ang telepono ko dahil sa sunod sunod na dating ng late messages at missed calls na galing sa kanila.

Karamihan dito ay galing kay Jan. Tapos yung apat na.


From Jan


Belle! Where are you? I am worried.


From Jan

Belle! Please where are you? I'm coming!

The Cool Guy And I [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon