Chapter 37: He's officially courting me
“Yes, I'm courting the Campus Ms. Nerd, any problem?”
BELLE’S POINT OF VIEW
Kahit ang isang nerd na katulad ko ay kinikilig din😊
“If I was your boyfriend, I never let you go”
“Oo”
Yeeee! Kese nemen eh. Enebe keye! Teme ne nge.
“Huy!”
“Ay pusang bakla!” nagulat ako dahil siniko ako ni Izza. Dahil sa lakas ng pagkakasabi ko, nagtawanan ang mga kaklase at yung teacher namin. Nanghingi ako ng dispensa sa nagawa ako, pero ayun, pati si Mam tinawanan ako. “Ano ba kase iyon huh?” naiinis na tanong ko kay Izza. “Hihi. Sorry friend, kase naman nakatulala ka dyan. Kanina pa kita tinatanong kung anong sagot doon sa may number 19 pero hindi mo naman ako sinagot. Sorry” sincere na sabi ni Izza sa akin. “It's okay.” sagot ko. Eh wala na akong magagawa dahil mejo napahiya na ako eh.
“You know, you're blushing.” mabilis na sabi ni Kylie sa likod ko. Pumwesto kasi sila sa likod namin para daw masaya. At dahil sa sinabi niyang iyon, mejo nahiya talaga ako lalo na‘t alam narin nila na nililigawan niya ako. And until now hindi parin ako makapaniwala na ang isang tulad ko ay liligawan niya. “Okay class dismissed.” pagkasabi na pagkasabi ng Teacher namin ay nagunahan na lumabas ng room ang mga lalaki..... Except Him, nakatingin lang sa akin. Ako naman ay hindi makagalaw at pasimpleng kantsyawan naman ang nangyayari sa paligid ko. Bigla naman akong napatingin kay Jade.... Na masamang nakatingin sa akin. Bakit kaya?
“Belle, tulungan mo naman ako dito sa assignment natin mamaya. Hindi ko kase nagawa kagabu kase I'm so tired na? Please?” pakiusap ni Angela sa akin. “Please? Oh sige ganito nalang, ibibili nalang kita sa canteen? Ano deal?” wika niya sa akin. “S-sige.” sagot ko. “Uhm, box ng milk at saka breakfast cereal.” sabi ko. “Breakfast cereal? Wag na yun Belle! Para ka namang bata eh, ano ka ba, uhm chocolate cake nalang?” tanong niya at tumango ako. “Uy ako din. Ibili niyo nalang din ako. Sasamahan ko si Belle dito. Uhm chocolate bar at isang softdrinks in can. Thank you!” dire-diretsong sabi ni Izza. Agad na umalis sina Kylie, Angela at Maddylane para bumili.
“Hey Belle, okay ka lang ba? Para ka kasing nilalagnat eh.” tanong sa akin ni Izza habang sinasagutan ko yung assignment ni Angela sa Math. “*fake cough*” rinig namin na umubo si Jan. Hindi na namin ito pinansin, sa halip ay tinuloy na namin ang ginagawa namin. Ay wala pala siyang ginagawa.
Maya-maya ay lumabas si Izza, hindi ko alam kung bakit...
“Miss Nerd.” his voice. So cold and big. Chills ang boses niya sa katawan ko. Geeez. “This is for you.” sabi niya sabay abot ng isang box of milk at isang granola bar. “T-thank you.” sagot ko. Nasa likuran ko siya at hindi ako makalingon. Kaming dalawa lang ang tao dito sa room. Wala silang apat kaya naman hindi ko alam kung anong gagawin ko. Matapis niyang ibigay iyon sa akin ay lumapit siya sa pwesto ko at umupo sa tabi ko. “Teacher Belle, pwede ka ba mamaya?” tanong niya. Hindi ko tuloy matapos yung ginagawa ko. “Ah s-saan?” tanong ko. Asan na kaya sila? “Uhm hindi ko kase maintindihan yung diniscuss kanina sa Math, pwede ka ba mamaya?” wika niya. “Sige, s-saan?” tanong ko. “Edi sa bahay parin. And! Kakauwi lang ni Jillianne kahapon and she's looking for you.” masayang sabi nito. “Talaga?” yan ang nasabi ko kase hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko. “Hey Belle, pwede ka ba next week? Let's go for a date.” diretsahan niyang sabi. Speechless ako kaya hinayaan niya nalang ako. Tumayo siya at hindi ko alam kung saan siya pumunta dahil na-frozen nako dito. Tiningnan ko ang hawak hawak ko na bigay niya. Bigla naman akong nakaramdam ng gutom kaya binuksan ko iyon at ininom. Hay nako asan na ba silaaaaaaa?
BINABASA MO ANG
The Cool Guy And I [COMPLETED]
FanfictionSi Belle, isang simpleng nerd na estudyante na tanging gusto lang ay simpleng buhay at tahimik sa school. First day of classes palang, na-meet na niya ang lalaking dahilan ng pagka-late niya sa library hours, second, she finds a new friend named Izz...