Chapter 14 (edited)

987 30 1
                                    

*** Hi Jowiemaebaretto and  Dialoson!! Thanks for adding this in your reading list!!!


Kakatapos ko lang mag-trabaho galing sa coffee shop. Naligo nako kanina bago pumasok at ngayon ay maliligo ulit ako dahil sa init ng panahon.

1 message received

From: Angela

Hi Belle! Pakisabi naman kila Izza na hindi ako makakapasok, hindi ko kase sila ma-contact eh, kaya sayo nalang:-) hindi ako makakapasok ngayon kase ihahatid namin si Daddy at yung mga kapatid niya sa airport, babalik na kase sila sa Korea. Si Daddy next 2 years pa ang balik niya. Kaya sige! Bye!

Okay! Wala naman kase akong load eh. Bahala na nga! Happy trip nalang sa Daddy niya.

***

Nandito ako ngayon sa library dahil maaga pa naman para magsimula ang klase. Nagbabasa ako ngayon ng isang Periodic table sa isang libro. Muli kong inalala ang mga elements dito gaya ng:

H- hydrogen
K- potassium
O- oxygen

At iba iba pa. Mejo nakalimutan ko narin kase ito eh. Haha.

Habang nagbabasa ako, mejo nakaramdam ako ng pagka-ihi, kailangan kong mailabas to, siyempre ayokong magka- UTI no.

Dahan dahan akong bumaba ng library, kase naman nasa 2nd floor pa ito, at sa hindi inaasahan, muli kong nakita yung clown na babae na nameet ko nung nakaraan sa canteen. Sana hindi niya ako mapansin.

“Hi Nerdy girl!” aish! Hindi pala, napansin niya pala ako. Help pano ba ito.

“Ah. H-hi.” sabi ko at saka dahan dahang naglakad. “Hey! Where are you going? I just want to be your friend. Are you afraid of me? Nah! It's given, I know you are kahit hindi ka magsalita jan. Hey come on! Hindi kita aawayin. Makikipag-kaibigan lang naman ako sayo eh.” after niyang sabihin na makikipag kaibigan siya, bigla siyang nag-pout. Eh? Hindi bagay teh. Mukha ka pong bibe na may makapal na lipstick. “Ahm. Ano kase eh, ah, hindi naman sa ganun. Ano lang, ah—” hindi ako natuloy sa pagsasalita dahil salamat kay God at nag-bell na. Hudyat na start na ng klase. Hooo! Binitawan niya naman ako agad at dali daling naglakad. “See you around Nerdy girl!” sabi niya habang nakatalikod kasunod ng mga chipmunks samantalang ako, naiwan ditong nakatayo sa hagdan at handa ng tumakbo ng bonggang bongga.

****

Habang nagdi-discuss si Sir busy ako sa paghabol ng hininga ko. Pano ba naman, mas lalo kong binilisan nung palabas na si Sir ng office nila sa Filipino Department na malapit sa room namin. Hay nako, mabuti na nga lang at mejo naunahan ko siya dahil nakita kong bumalik pa siya sa loob ng office.

Katabi ko ngayon si Kylie habang katabi naman  ni Izza yung isa niyang kaibigan. Simula kase ng lumipat sila Angela dito sa 1st section, dito na kami naupo sa bandang likuran ng 1st row. At ganun din ang ayos ng sa 2nd row.

Bale limang studyante sa bawat linya at limang linya naman, at kaming apat ang nasa likod kasama rin ang isang babaeng mas nerd pa sa akin. Kadalasan, ang mga boys na naka-upo sa dulo ng 2nd row ay pumupwesto banda sa katabi ng basurahan, ewan ko kung bakit, ay hindi, kase nagdadaldalan sila, minsan, with girls na taga-ibang section. Hay nako? Section 1 ba talaga to? Kung ako ang tatanungin, hmm, HINDI! Oo aaminin ko puro matatalino kami dito, pero sa mga attitudes? It's a big NO. Duh~
Ang yayabang kaya ng mga tao dito. Hay nako! Kung yung ibang mga students na ang tingin sa mga taga 1st section ay mala-anghel, genius, famous, mga anak ni Rizal, naku naku! Pwe! Palabas lang nila yun! Isa silang mga ARTISTA! Galing nga nilang umarte eh! Best Actors and actresses! Pak na pak!

“Hoy! Ang lalim ng iniisip mo ah? Okay ka lang ba?” bulong sakin ni Kylie, pero siyempre pasimpleng bulong lang yun. “Oo naman. Nakikinig lang ako kay Sir.” pagsisinungaling ko sa kanya at inayos niya ang pagkakaupo at muling nabaling ang atensyon sa nasa harap. At halos ganun din ang mga kaklase ko. Tss! Mga nagpapanggap, kunwari nakikinig pero hindi naman pala. Hay nako. Nagugutom na ako.

The Cool Guy And I [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon